Anong mabisang gamot sa UTI ng bata?

Anong mabisang gamot sa UTI ng bata?

May UTI ba ang iyong anak? Narito ang ilang home remedies na maaring gawin upang ito ay malunasan at tuluyan ng maiwasan.

Narito ang mga UTI home remedy o mabisang gamot sa UTI ng bata na maari mong subukan sa iyong anak at mga paraan upang ito ay tuluyan ng maiwasan.

Ang ang UTI?

Ang UTI o urinary tract infection ay isa sa mga sakit na madalas na nararanasan ng mga bata. Ito ay dulot ng mga bacteria na pumapasok sa urethra na nagiging dahilan ng impeksyon. Ayon sa mga eksperto ang UTI ay madalas na nararanasan ng mga babae.

Anong mabisang gamot sa UTI ng bata?

Image from Freepik

Ito ay dahil mas maikli ang urethra ng mga babae kumpara sa mga lalaki. At madalas ang bacteria na nagmumula sa puwitan ay pumapasok sa vagina patungo sa urethra.

Ang UTI ay maaring mauwi sa kidney o bladder infection. Na kung hindi maagapan ay maaring magdulot ng seryosong komplikasyon sa katawan ng isang bata. Kaya naman mahalagang mabantayan ang sintomas nito at agad na malunasan.

Ilan nga sa sintomas ng UTI na dapat bantayan sa mga bata ay ang sumusunod:

Sintomas ng UTI sa mga bata

  • Lagnat
  • Mahina o kawalan ng gana kumain
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Pagiging irritable
  • Pagiging matamlay
  • Dugo sa ihi
  • Cloudy o malabong ihi
  • Mabahong ihi
  • Sakit o hapdi sa ari tuwing umiihi
  • Pananakit ng likod o ibabang bahagi ng tiyan
  • Pagising sa pagtulog para umihi
  • Pakiramdam na ihing-ihi ngunit kaunti lang ang iniihi
  • Hindi makontrol na pag-ihi
  • Pag-ihi sa higaan na hindi niya naman ginagawa dati
Gamot sa UTI ng bata

Image from Freepik

Sa oras na makitaan ng mga nabanggit na sintomas ang isang bata ay dapat na agad itong dalhin sa doktor. Upang siya ay matingnan at ma-resetahan ng gamot na kaniyang kailangan.

Gamot sa UTI ng bata

Isa sa pangunahing gamot sa UTI ng bata na inirereseta ng mga doktor ay mga antibiotics. Ito ay upang agad na mapatay ang mga bacteria na nagdudulot ng impeksyon at maiwasan ang kidney damage.

Ang inireresetang antibiotic bilang gamot sa UTI ng bata ay nakadepende sa uri ng bacteria na nagdudulot ng impeksyon at sa lala nito. Pero madalas ang mga antibiotic na inirereseta ng mga doktor na gamot sa UTI ng bata ay ang sumusunod:

  • Amoxicillin
  • Amoxicillin at clavulanic acid
  • Cephalosporins
  • Doxycycline, para sa mga batang higit 8 taong gulang.
  • Nitrofurantoin
  • Sulfamethoxazole-trimethoprim

Mahalaga na kahit umayos na ang kondisyon o pakiramdam ng isang bata na tapusin ang antibiotic treatment na inirekumenda ng doktor. Ito ay upang tuluyang mapatay na ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon at hindi na ito muling bumalik pa.

UTI home remedy

Samantala may mga UTI home remedy rin naman na maaring subukan sa inyong tahanan. Ito rin ang mga paraan upang maiwasan ng bumalik at maranasan pa ng bata ang impeksyon. Ang mga UTI home remedy na maaring subukan ay ang sumusunod:

1. Painumin siya ng maraming tubig.

Ito ay para umihi siya ng mas madalas at i-flushout ng kaniyang katawan ang mga bacteria. Magkaganoon man ay hindi dapat pilitin ang isang bata na uminom ng tubig. At kung ang ang bata ay 6 na buwan palang pababa ay mas mabuting bigyan siya ng breastmilk kaysa sa tubig.

Gamot sa UTI ng bata

Image from Freepik

2. Painumin siya ng fruit juices.

Kung ang bata ay higit sa 6 na buwang gulang na ay maari na siyang bigyan ng fruit juices. Tulad ng cranberry at pineapple juice na inirerekumendang gamot sa UTI. Ito ay dahil nililimatahan ng mga ito ang pagdami ng bacteria sa urinary tract. Ngunit bago bigyan nito ang isang sanggol ay mabuting ipakonsulta muna siya sa isang doktor. Dapat din ay ihalo ito sa tubig, dahil sa ito ay maaring magdulot ng dagdag acidity sa ihi ng bata.

3. Pakainin siya ng mga pagkaing nagtataglay ng good bacteria o probiotics.

Ang mga probiotics ay nakakatulong upang maiwasan ang UTI. Ganoon din upang maibalik ang natural flora ng katawan at ang lakas ng resistansiya nito laban sa mga bacteria.

4. Painumin siya ng lemon juice.

Ang pagpapainom ng lemon juice sa isang bata araw-araw ay nakakatulong upang maiwasan niya ang UTI. Dahil sa ang lemon juice ay isang diuretic agent na nakakatulong upang maihi ang isang tao. Binabago rin nito ang pH level ng dugo at ng urinary tract mula sa pagiging acidic to alkaline na pumipigil sa pagdami ng bacteria.

5. Iwasan ang mga acidic na pagkain at inumin.

Upang maiwasan na maging acidic ang ihi ng isang bata ay iwasan siyang bigyan ng mga acidic na pagkain at inumin. Dapat ay mga juice, vegetables, fruits at iba pang masusustansiyang pagkain ang kaniyang kainin at inumin.

6. Panatilihing malinis ang private area ng iyong anak.

Kung nag-didiapers ang isang bata ay agad itong palitan at huwag babaran ng ihi o dumi. Bago suotan ng diapers ay hugasan o punasan ng antimicrobial wipes ang kaniyang ari. Dapat ay maghugas ka rin ng kamay bago ito gawin.

7. Paliguan ang bata gamit ang maligamgam na tubig isang beses sa isang araw.

Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong upang maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman. At upang mapanatiling malinis ang kaniyang private part at maiwasan ang pagdami pa dito ng bacteria.

8. Para sa mga babae magpunas mula sa harap papunta sa likuran.

Upang maiwasang mapunta ang mga bacteria sa vagina o urethra ay dapat gumamit ng magkaibang toilet paper para sa genitals at pamunas sa puwet. Dapat din ang pagpupunas ay mula sa harap patalikod at hindi kabaligtaran. Ito ay upang hindi mapunta sa urethra o vagina ang mga bacteria na nasa anus o bandang puwitan.

Gamot sa UTI ng bata

Image from Freepik

9. I-encourage ang isang bata na umihi ng mas madalas.

Bagamat masakit o mahapdi ang pag-ihi sa tuwing may UTI ay dapat i-encourage ang isang bata na gawin ito ng mas madalas. Ito ay upang mailabas niya ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon at siya ay gumaling na.

 

Source:

Kid’s Health, Healthline, Medicine.Net, WebMD

Basahin:

 Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner