“It’s time for a real change,” sabi nga ng kanta.
Nitong mga nakaraang linggo, ilang mga sikat na celebrities sa Hollywood at sa Pilipinas ang naibalitang binawian ng buhay nang di inaasahan dahil sa stroke, at iba pang mga karamdaman.
Sa panahon ngayon, kailangang pag-isipan ng makailang beses ang lahat ng desisyon tungkol sa ating lifestyle, kasama na ang mga pagkain na kinukonsumo sa araw araw. Kayang-kaya naman talagang labanan ang mga sakit tulad ng hypertension at sakit sa bato, kung magiging metikuloso lamang sa kinakain at ginagawa.
Sa pagsasaliksik ni Dr. Muhammad Yousif Solangi, MD, ng iCare Clinic Dubai, UAE., nagbigay siya ng gabay para sa healthy lifestyle at dietary choices, na mabisang panlaban sa mga sakit na karaniwang umaatake sa ating kalusugan.
Mga paraan upang malabanan ang hypertension at sakit sa bato
Ibinahagi ng espesyalista ang kaniyang naging pagsasaliksik tungkol sa kidney health at recovery, para makatulong na maiwasan ang pagkakaron ng sakit sa bato.
Narito ang kaniyang rekomendasyon:
Magbawas ng timbang
Ang ating BMI (Body Mass Index) ay may formula na weight (kg) / height (m) = BMI
BMI Weight Status
|
Mas mababa sa 18.5 |
Underweight o kulang sa timbang |
18.5 – 24.9 |
Normal |
25.0 – 29.9 |
Overweight |
30.0 pataas |
Obese |
Kailangang panatilihin sa normal ang BMI para hindi mahirapan ang sistema ng katawan. Kahit ang maliit na pagbawas sa pressure sa katawan ay may benepisyo sa normal na presyon at mabawasan ang cardiovascular risk.
Makakatulong ang pagpili ng mga masustansiyang pagkain sa araw araw, katulad na rin ng nakalista sa itaas. Iwasan na ang matamis at matatabang pagkain, pati alak, sigarilyo at pagpupuyat, na nakakadagdag sa masamang kalagayan ng katawan.
Bawasan ang pag-konsumo ng dietary sodium
Iwasan ang maaalat na pagkain, lalo na ang mga junk food o chichirya. Hindi dapat lalagpas ng 2.4 gramo ng sodium o 6 gramo ng sodium chloride.
Maglaan ng oras para sa ehersisyo
Mag-ehersisyo ng regular: maglakad, tumakbo, lumangoy, magbisikleta. Pumili ng ehersisyo na babagay sa iyo at iyong kaya mo lang. Kahit na 30 minuto lang sa araw-araw, o makalawang araw ay sapat na.
Kumunsulta sa doktor o dietician para sa isang dietary plan laban sa hypertension
May tinatawag na DASH si Dr. Solangi, na ang ibig sabihin ay Dietary Approaches to Stop Hypertension.
Kumain ng mga prutas at gulay na kilalang panlaban sa mataas na presyon. Kailangan din ng fat-free dairy products o may mababang fat content. Sa DASH, nirerekumenda rin ang mga pagkain mayaman sa calcium at potassium.
“Juice Cure” para sa iba pang sakit
Maraming mga “health buffs” ang umiinom ngayon ng mga “healthy juices” dahil na nga sa napatunayan na mabisa itong panlaban sa mga sakit. Narito ang gabay ni Dr. Solangi para makaiwas sa mga karamdaman.
Ilagay lang sa juicer o blender ang mga prutas at gulay na nakalista sa ibaba at inumin sa araw araw.
Nakakabusog at masustansiya ang mga ito. May mga puwedeng pagsamahin, at puwede rin namang hiwa-hiwalay kung titimplahin.
Kung ayaw ng juice, puwede rin namang kainin lang tulad ng mga prutas na mansanas, pakwan, atbp. Isahog ang mga ito sa agahan, tanghalian o hapunan, o anumang oras na gusto.
- Sipon – carrots, pinya, luya, bawang
- Depresyon – carrots, mansanas, spinach, beet
- Sakit ng ulo – mansanas, pipino, kale, luya, celery
- Diabetes – carrots, spinach, celery
- Ulcer – repolyo, carrots, celery
- Hika – carrots, spinach, mansanas, bawang, lemon
- Mataas na presyon – beet, mansanas, celery, pipino, luya
- Arthritis – carrots, celery, pinya, lemon
- Kidney detox – carrots, pakwan, pipino, cilantro
- Kidney stones – orange, mansanas, pakwan, lemon
- Mata – carrots, celery
- Stress – saging, strawberry, peras
- Matigas na dumi o constipation – carrots, mansanas, sariwang repolyo
- Fatigue o pagod – carrots, beets, berdeng mansanas, lemon, spinach
- Memory Loss – pomegranate, beets, ubas
- Nerbiyos – carrots, celery, pomegranate
- Indigestion – pinya, carrots, lemon, mint
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!