Sa isang study sa breastfeeding na nabanggit sa artikulo ng Science Daily napag-alaman na kung maagang patitikimin ng solid foods ang sanggol ay maaga rin itong titigil sa pagsuso sa ina. Mula ito sa pag-aaral ng Uppsala University at Sophiahemmet University, kung saan 1,251 mga sanggol sa Sweden ang nakiisa.
Study sa breastfeeding: Maagang pag-introduce ng solid foods
Noon pa umanong 2011 ay inabisuhan na ng Swedish National Food Agency ang mga magulang na maaari na nilang i-introduce nang paunti-unti ang solid foods sa kanilang mga anak kapag ito ay nasa 4 na buwan na.
Pero ayon sa rekomendasyon ng World Health Organization, dapat na gatas lamang ng ina ang makokonsumo ng sanggol sa unang anim na buwan ng kaniyang buhay.
Bukod pa rito, mahalaga rin na tuloy-tuloy ang pagpapasuso sa bata hanggang dalawang taong gulang na ito. Applicable ang suhestyon na ito ng WHO saan mang bansa kabilang na ang Sweden.
Mahalaga ang pagpapasuso sa sanggol dahil sa gatas ng ina nagmumula ang mga nutrients na kailangan ng bata sa mga unang buwan ng buhay nito.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Jonathan Borba
Ayon na rin sa science, mayroong major positive impact sa kalusugan ng ina at ng sanggol ang breastfeeding.
Sa nasabing study sa breastfeeding, napag-alaman na nasa 48% ng mga sanggol na nakiisa sa pag-aaral ang pinatitikim na ng solid foods ng kanilang mga magulang noong 4 months old pa lang ang mga ito.
At nalaman din sa study sa breastfeeding na ito na kung maagang pakakainin ng solid foods ang sanggol ay hahantong ito sa maagang pagtigil sa pagsuso sa ina.
Ibig sabihin, kung apat na buwan pa lamang ang sanggol at tumigil na sa breastfeeding ay iikli ang duration ng breastfeeding para dito. Hindi ito aakma sa rekomendasyon ng WHO.
Samantala, wala umanong pag-aaral na nagpapatunay na mayroong health benefits ang maagang pag-i-introduce ng solid foods sa bata.
“Existing research does not support the idea that the introduction of early tastings has health benefits for the child or the mother,” saad ni Eva-Lotta Funkquist, Senior Lecturer at midwife, isa sa mga researchers sa nasabing study sa breastfeeding.
“On the other hand, we know that breastfeeding has many health benefits for both the child and the mother. For example, the child is protected against infections while breastfeeding, and both mother and child have a reduced risk of cardiovascular diseases,” dagdag pa nito.
Saad pa ni Funkquist, kung maagang titigil sa pagsuso ang bata posibleng tumaas ang risk ng adverse health consequences nito sa sanggol at sa ina.
Benefits ng breastfeeding kay mommy at baby
Larawan mula sa Pexels kuha ni Tamilles Esposito
Breastmilk ang pinakamainam na ipainom sa baby sa mga unang buwan ng buhay nito. Kompleto kasi ang amount ng nutrients na kailangan ng baby ang makukuha nito sa breastmilk. Bukod pa rito, madali ring i-digest ng sanggol ang gatas ng ina.
Inirerekomenda ng WHO ang breastfeeding as early as one hour matapos isilang ang bata hanggang sa ika-2 taon nito.
Sa mga unang araw matapos ipanganak si baby, naglalabas ang suso ng ina ng thick and yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at puno ng beneficial compounds ang colostrum. Tinutulungan ng colostrum ang digestive tract ng sanggol na ma-develop.
Mayroong antibodies ang breast milk na siyang tutulong sa iyong baby na labanan ang mga bacteria at viruses na maaaring pumasok sa katawan nito sa mga unang buwan matapos itong ipanganak.
Bukod pa rito, natutulungan ng exclusive breastfeeding ang iyong anak na makaiwas sa mga sakit tulad ng mga sumusunod:
- Middle ear infections
- Respiratory tract infections
- Throat infections
- Gut infections o impeksyon sa bituka
- Intestinal tissue damage
- Sudden infant death syndrome (SIDS)
- Bowel disease
- Leukemia sa bata
- Diabetes
- Allergic diseases
Larawan mula sa Pexels kuha ni Wendy Wei
Mahalaga rin ang breastfeeding para mapanatili ang healthy weight o malusog na timbang ng bata. Makatutulong ito para maiwasan ang childhood obesity. Isa pa, ayon sa Healthline, mayroong mga breastfeeding study na nagsasabi na mas tumatalino raw ang mga sanggol na breastfed.
Ayon sa study sa breastfeeding, mayroong higher intelligence scores ang mga batang breastfed at mababa rin ang risk na ma-develop ang behavioral problems ng mga ito at magkaroon ng learning difficulties habang tumatanda.
- Nakapagpapababa ng timbang. Kapag nagpapasuso ang isang ina, maraming calories ang nabu-burn nito.
- Nagproproduce ng maraming oxytocin hormones ang iyong katawan kapag ikaw ay nagpapasuso ng sanggol. At ang oxytocin ang tumutulong sa iyong uterus para mag-contract at bumalik sa dati nitong size.
Bukod sa mga ito, tinutulungan din ng breastfeeding si mommy na makaiwas sa mga sakit tulad ng:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!