Mommy magsisimula ka na bang pakainin si baby ng solid foods? Congrats! Panibagong milestone na naman ito para sa kaniya at sa iyo rin.
Ngayon, maaari mo na siyang pakainin ng mga masusustansiyang pagkain, katulad ng cereals, prutas, gulay, manok, itlog at marami pang iba!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang pagkakaiba ng organic farmed food at conventional farming?
- Safe ba para sa iyong baby ang organic food?
- Anong organic baby food brand ay maaari mong ipakain kay baby?
Pero ano nga ba ang magandang unang ipakain sa kaniya? May mga ilang moms na gumagawa ng kanilang sariling baby food katulad na lamang ng mga purees. Pero kung ikaw ay kulang sa oras at nais mong mapadali ang pagpapakain sa kaniya ng solid foods, siyempre mas madali ang bumili sa mga supermarket.
Siyempre maraming pagpipilian sa mga supermarket at groceries para sa baby food pero napapansin niyo ba ang salitang organic sa mga packaging ng mga ito?
Ano ba ang organic food at bakit ito ang best option para sa inyong baby? Para masagot mas magandang maintindihan muna kung ano ito.
Ano ang pagkakaiba ng organic farmed food at conventional farming?
Kadalasan makakakita ka ng mga baby food products katulad ng cereals, juice at purees na gawa sa grains, prutas, gulay, at karne. Subalit ang kalidad ng mga produktong ito ay nagbabase sa paraan kung paano ito tinanim o ginawa, maaaring sa pamamagitan ng dalawang two farming method, ang organic or conventional farming.
Ang organic at conventional farming ay naiiba sa kanilang sistema ng kanilang pagtatanim dahil ang ilang mga produkto ay ginagamitan ng partikular na paraan ng pagtatanim. Ang organic farming ay sumusunod sa mga rule sa pagtatanim ng mga produktong organic.
Organic farming
Ang mga organic na produkto ay tinatanim sa natural na pamamaraan, ibig sabihin ang prutas at gulay ay hindi ginagamitan ng mga chemical pesticides. Kapag sa livestock naman ay ninu-nurture ito ng natural at hindi ginagamitan ng antibiotics o growth hormones.
Ang pinaka-rule sa organic farming ay ang hindi paggamit ng synthetic mineral fertilizers, pati na rin ang paggamit ng chemical plant protection products – ang ogranic farming ay mas gumagamit ng natural principles sa pagtatanim katulad ng biodiversity at composting. Samantala, gumagamit din ang mga nagtatanim ng organic ng natural na fertilizer at pesticide katulad ng bone meal.
Maraming dahilan kung bakit mas gusto ng marami at maganda ang organic products, ito ang mga sumusunod na dahilan:
Larawan mula sa iStock
-
Upang maiwasan ang pagkain na mayroong genitically modified food (GMO)
Ito ang klase ng pagtatanim at pagpapalaki ng livestock ay ginagamitan ng microorganism upang mapabilis ang pagtubo at paglaki ng mga hayup. Ginagawa ito upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka. Ang mga GMO na tanim ay resistant sa mga insekto at plan viruses. Pinapayagan din nito ang mga herbicides. Subalit, ang hindi pa rin talaga alam kung ligtas ang GMO, kaya naman marami ang umiiwas na kumain ng mga pagkain na may GMO at pinpiling kumain ng mga organic na pagkain.
Sinabi ang mga pagkain na tinanim na walang chemical ay mas masarap ang lasa katulad na lamang sa mga prutas at gulay. Sapagkat ang mga gulay at prutas na ito ang nagpo-produce ng mga natural compounds na kilala sa antioxidants. Nakita sa pag-aaral ang mataas na antioxidant sa isang gulay o prutas ay mas malasa at may kakaibang aroma.
-
Para maiwasan ang chemical contamination
Sinasabi sa mga ulat na ang mga pesticides ay madalas na nakukunsumo sa mga poultry, karne, itlog, isda at diary products dahil sa pamamaraan ng conventional farming; na nag-u-utilize ng chemical at growth hormones. Sa organic farming, gumagamit ng ang mga ng sistema na kung tawagin ay crop rotation, organic manure, at mas malalaking espasyo para magparami ng livestock. Ibig sabihin nito malaya ang mga hayop, tinatawag din itong ‘free range’.
Sapagkat ang organic farming ay hindi gumagamit ng mga chemical ito’y mas environmental friendly kaysa sa conventional farming. Pino-promote din nito ang biodiversity, long-term soil fertility, at ini-encourage ang mga insekto na magbenipisyo rin sa mga panananim at sa kalikasan na rin. Pinapatili rin nito ang mga hazardous chemicals mula sa groundwater.
Dagdag pa rito, ang organic farming ay mas sinusunod na strict guidelines na nakasaad din sa batas. Sa Estados Unidos, upang maging ‘Organic Certified’ ang kanilang produkto kinakailangan ng mga magsasaka doon na mag-submit ng application sa U.S Department of Agriculture (USDA).
Dito may mahigpit na pagsusuri ang ginagawa ang USD. Katulad na lamang ng onsite assessment at inspection upang masiguro na nasusunod ang organic farming methods. Sa katunayan, may mga baby food brands na imported sa Malaysia, katulad ng Gerber® Organic na USDA certified ibig sabihin ang source ng produkto na ito ay totoong organic.
BASAHIN:
Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby
11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby
Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ni baby
Conventional farming
Ang conventional farming ay nagre-relay sa mga chemical products, katulad ng pesticides upang hindi dapuan ng mga peste, weeds at mag-provide ng nutrisyon sa panananim. Dagdag pa rito ang pesticides ay ginagamit upang maiwasan ang pag-produce ng molding.
Isa sa mga pinakadahilan ng conventional farming method kung bakit ito ginagawa o ginagamit ay dahil pinaparami at pinapabilis nito ang pag-produce ng mga produkto. Pinapadali rin nito ang trabaho ng mga magsasaka at mas kumikita sila rito sa mas mabilis na panahon.
Subalit, ang ganitong sistema ay may masamang epekto sa kalikasan, ecological system at sa kalusugan ng tao. Saka ang farming method na ito ay talaga namang tinutuligsa ng marami dahil sa dulot nitong biodiversity loss, soil erosion at pinapataas nito ang water pollution dahil sa maraming fertilizers at pesticides ay gamit dito.
Dagdag pa rito, ang conventional farming ay gumagamit din ng pamamaraan kung saan mayroon animal crowding. Kung saan ang mga hayup ay nagsisiksikan sa isang maliit na espasyo. Minsan din ay tinuturukan ang mga ito ng medication upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
Safe ba para sa iyong baby ang organic food?
Larawan mula sa iStock
Katulad ng mga nabanggit kanina ang mga pagkain na organically produce ay walang synthetic enhancers. Ibig sabihin nito kaunti lamang ang gamit na pesticide residue na napo-produce, katulad ng gulay at prutas kaysa sa conventiional farming.
Palaging may panganib sa katawan ng tao kapag na-expose ito sa pesticide – ang low doses naman ng pesticides na naa-absorb ng katawan sa matagal na panahon ay maaaring magdulot ng mataas na toxic effects. Kaya naman kung mapanganib ito sa isang matanda lalo na mas mapanganib ito sa katawan ng bata lalo na sa unang bahagi ng kanilang buhay.
Dahil rito, ang organic produce na pagkain ay isang mas ligtas na alternatibong pagkain upang maiwasan ang panganib sa kalusugan. Siyempre gusto rin ng mga ilang magulang na hindi lamang healthy, ligtas at environmental friendly ang kinakain ng kanilang anak kundi masarap din ito.
Anong organic baby food brand ay maaari mong ipakain kay baby?
Ngayon na alam na natin ang patungkol sa mga organic baby foods. Iniisip mo siguro ngayon na lumipat sa mga organic baby food products. Alam na kasi natin ang mga organic baby food na ito ay tinanim sa natural na pamamaraan, walang chemicals, environmental friendly at mas masarap ito.
Kaya naman oras na para pumili ng brand para sa iyong baby. Ang pagpili ng brand ng produkto lalo na kung magsisimula pa lamang si baby sa pagkain ng solid foods ay maaaring mahirap. Kaya subukan mag-research at magbasa patungkol sa mga organic baby products, isa sa mga popular ay ang Gerber®.
Pero bakit nga ba mas magandang piliin ang Gerber®? Bukod sa ang Gerber® ang kilalang brand para sa mga bata, mayroon din silang sariling organic line na Gerber® Organic. Katulad nang nabanggit kanina ang kanilang mga produktor ay USDA Certified Organic. Ibig sabihin nito sinusunod nila ang mga patakaran ng USDA Organic Standards upang masiguro na ang kanilang pananim, livestock, poultry, at handling standard ay nasusunod.
Gerber® Organic produces para iyong baby
Ang brand na ito ay mayroong sariling farming method na kung saan gumagamit ang Gerber® Organic ng prutas at gulay na tumubo a isang malinis na pagtatanim. Katuwang nila rito ang mga agricultural expert at piling mga magsasaka upang patubuin ang kanilang mga pananim upang masigur na nasusunod ang kanilang pamantayan sa pagtatanim.
Samantala, ang lahat ng baby food na produkto ng Gerber® ay non-GMO verified. Ang kanila ding mga produkto ay walang artificial na lasa o kulay, at wala rin silang hinahalong artificial sweeteners ditor. Dagdag pa riyan, ang kanilang mga produkto ay unsalted at unsweetened.
Sa pangkalahatan, ang Gerber® Organic ay nagbibigay ng maraming produkto na may iba’t ibang variety upang maging exciting para sa iyong baby ang pagkain ng mga solid food dahil sa masarap nitong lasa at texture. Mayroon iba’t ibang produkto ang Gerber® Organic, may baby cereals, pouches, teethers, nutritious snack at pati na supplements. Sa ganitong pamamaraan tiyak ka na marami kang mai-introduce sa iyong baby na baby foods at snacks!
Subalit, tandaan kapag magsisimula nang pakainin si baby ng solid foods simulan ito ng dahan-dahan. Sapagkat bago pa lamang ito sa iyong baby at maninibago pa siya. Mahirap na i-lead ang iyong baby sa gusto mo at ayaw mo para sa kaniya. Huwag din masyadong mag-aalala sa kaniyang eating pattern ay hindi tama – normal lamang ito.
Handa ka na bang i-introduce sa iyong baby ang Gerber® Organic? Tignan ang kanilang mga produkto rito.
Reference:
1 (n.d.). Understanding Food Safety: Pesticides, Hormones, and …. Retrieved January 22, 2021, from https://www.webmd.com/diet/features/safer-food-healthier-you
2 (2011, September 12). Pesticide Residues in the Organically Produced Food …. Retrieved January 22, 2021, from https://www.intechopen.com/books/pesticides-in-the-modern-world-effects-of-pesticides-exposure/pesticide-residues-in-the-organically-produced-food
3 (n.d.). Organic vs Conventional – Rodale Institute. Retrieved January 22, 2021, from https://rodaleinstitute.org/why-organic/organic-basics/organic-vs-conventional/
4 (2018, November 14). (PDF) Organic versus Conventional Farming—A … – ResearchGate. Retrieved February 11, 2021, from https://www.researchgate.net/publication/329139239_Organic_versus_Conventional_Farming-A_Paradigm_for_the_Sustainable_Development_of_the_European_Countries
5 (2020, September 28). How GMO Crops Impact Our World | FDA. Retrieved February 11, 2021, from https://www.fda.gov/food/agricultural-biotechnology/how-gmo-crops-impact-our-world
6 (n.d.). GMO Facts – The Non-GMO Project. Retrieved February 11, 2021, from https://www.nongmoproject.org/gmo-facts/
7 (2014, July 14). Organic Foods Are Tastier and Healthier, Study Finds. Retrieved February 11, 2021, from https://www.nationalgeographic.com/culture/food/the-plate/2014/07/14/organic-foods-are-tastier-and-healthier-study-finds/
8 (n.d.). What is Organic Farming – Conserve Energy Future. Retrieved February 11, 2021, from https://www.conserve-energy-future.com/organic-farming-benefits.php
9 (n.d.). The Organic Choice | Organic Foods | Articles | Gerber Medical. Retrieved January 22, 2021, from https://medical.gerber.com/nutrition-health-topics/healthy-eating-habits/articles/the-organic-choice
10 (2020, June 13). Make the Earth-Friendly Choice! Buy Organic | Down to Earth …. Retrieved February 11, 2021, from https://www.downtoearth.org/environment/organic-vs-conventional-farming/make-earth-friendly-choice-buy-organic
Sources:
11 (n.d.). FAQ: Becoming a Certifying Agent | Agricultural Marketing Service. Retrieved February 11, 2021, from https://www.ams.usda.gov/services/organic-certification/faq-becoming-certifying-agent
12 (n.d.). Organic vs Conventional – Rodale Institute. Retrieved January 22, 2021, from https://rodaleinstitute.org/why-organic/organic-basics/organic-vs-conventional/
13 (n.d.). Organic baby food: Better for baby? – Mayo Clinic. Retrieved January 22, 2021, from https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/organic-baby-food/faq-20058008
14 (2018, November 14). (PDF) Organic versus Conventional Farming—A … – ResearchGate. Retrieved February 11, 2021, from https://www.researchgate.net/publication/329139239_Organic_versus_Conventional_Farming-A_Paradigm_for_the_Sustainable_Development_of_the_European_Countries
15 (2018, November 14). (PDF) Organic versus Conventional Farming—A … – ResearchGate. Retrieved February 11, 2021, from https://www.researchgate.net/publication/329139239_Organic_versus_Conventional_Farming-A_Paradigm_for_the_Sustainable_Development_of_the_European_Countries
16 (2019, October 22). Is Organic Food Really Better for the Environment? – Sustainable …. Retrieved February 11, 2021, from https://blogs.ei.columbia.edu/2019/10/22/organic-food-better-environment/
17 (n.d.). Conventional Vs Organic Farming – TNAU Agritech Portal. Retrieved February 11, 2021, from https://agritech.tnau.ac.in/org_farm/orgfarm_of%20vs%20con%20fasrming.html
18 (n.d.). Organic baby food: Better for baby? – Mayo Clinic. Retrieved January 22, 2021, from https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/organic-baby-food/faq-20058008
19 (2011, September 12). Pesticide Residues in the Organically Produced Food …. Retrieved January 22, 2021, from https://www.intechopen.com/books/pesticides-in-the-modern-world-effects-of-pesticides-exposure/pesticide-residues-in-the-organically-produced-food
20 (n.d.). Organic baby food: Better for baby? – Mayo Clinic. Retrieved January 22, 2021, from https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/organic-baby-food/faq-20058008
21 (n.d.). USDA Organic Standards – Agricultural Marketing Service. Retrieved February 5, 2021, from https://www.ams.usda.gov/grades-standards/organic-standards
Disclaimer: You are not allowed to share this article on any other website or on Facebook without providing proper credit and the original article link on theAsianparent Malaysia website.
Translated with permission from theAsianparent Malaysia and translated in Filipino by Marhiel Garrote.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!