X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

5 min read
11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

Tulungan si baby na maibsan ang constipation sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga pagkaing sinasabing gamot sa constipation ng baby ayon sa mga eksperto.

Narito ang mga maaring ihandang pagkain para sa constipation ng baby o kapag siya ay hirap na dumumi.

Gamot sa constipation ng baby

Ayon kay Dr. Jay L. Hoecker, isang pediatrician mula sa Mayo Clinic, ang constipation ay madalas na nararanasan ng mga sanggol kapag sila ay nagsimula ng kumain ng mga solid foods. Malalaman ngang may constipation ang isang sanggol kung ito ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas:

pagkain para sa constipation ng baby

Image from Freepik

  • Matigas at maliliit na dumi.
  • Hirap dumumi na nagdudulot ng sakit o pag-iyak ng sanggol.
  • Mas madalang na pagdumi dahil sa siya ay hirap o nasasaktan sa pagdumi.
  • Dugo sa dumi na palatandaan na siya ay umiiere ng sobra para lang makadumi.
  • Matigas na tiyan dahil sa bloating o pressure na dulot ng constipation.
  • Pag-iwas sa pagkain dahil ang mga baby na constipated ay mabilis mabusog.

Para nga malunasan ang constipation sa isang sanggol, ang isa sa inirerekumendang gawin ng mga doktor ay palitan ang mga pagkaing kaniyang kinakain. At sa halip ay bigyan siya ng pagkain para sa constipation ng baby o mga pagkaing magpapalambot ng kaniyang mga dumi.

Ang mga pagkaing para sa constipation ng baby na inirerekumenda ng mga doktor ay ang sumusunod:

Pagkain para sa constipation ng baby

pagkain para sa constipation ng baby

Image from Freepik

1. Prunes

Para matulungang lumambot ang dumi o maibsan ang constipation ng baby ay ipinapayong bigyan siya ng mga fiber-rich foods. Isa na nga rito ang prutas na prunes na great source ng fiber at multivitamins. Ang kailangang lang ay ibabad ito sa tubig ng magdamag at ibigay kay baby sa umaga sa kaniyang paggising. Maaring painumin si baby ng prune juice na mabisang gamot rin sa constipation.

2. Beans

Ang mga beans ay high in fiber rin na makakatulong sa bowel movements at constipation ni baby.

3. Green peas

Ang pinakuluan at dinurog na green peas rin ay mabisang gamot sa constipation ng baby. Lagyan lang ito ng konting seasoning at ipakain kay baby.

4. Apricots

Isa ring mabisang gamot o pagkain para sa constipation ng baby ang prutas na apricot. Maaring ipakain kay baby ang dried nito o kaya naman maari rin siyang painumin ng juice nito na mabibili sa mga supermarket.

5. Oatmeal

Ang kilalang rich in fiber food rin na oatmeal ay mabisang gamot sa constipation ng baby. Siguradong mai-enjoy rin ni baby ang texture at lasa ng pagkain na ito.

pagkain para sa constipation ng baby

Image from Freepik

6. Pears

Tulad ng apricot at prunes, ang prutas na pear ay mabisang gamot rin sa constipation ni baby. Maaring ipakain sa kaniya ang prutas nito o kaya naman ay painumin siya ng juice nito. Maliban sa fiber ay rich in vitamin C rin ito na nakakatulong sa digestion.

7. Broccoli

Ang broccoli na paborito ng mga baby ay hindi lang puno ng vitamins at nutrients. Pinoprotektahan rin nito ang tiyan at tinutulungan ito sa digestion. Bigyan lang ng steamed florets nito si baby na siguradong magugustuhan niya.

8. Sweet Potatoes

Good for digestion at gamot sa constipation din ang sweet potatoes o kamote sa mga baby. Maliban sa essential nutrients nito na kailangan ng katawan ni baby ay good source rin ito ng carbohydrates na kailangan ni baby for added energy.

9. Berries

Ang mga masasarap na berries rin tulad ng raspberries, blackberries, blueberries, at strawberries ay kabilang sa mga pagkain para sa constipation ng baby. Dahil maliban sa pagiging good source ng antioxidants, ang mga berries ay rich in fiber na gamot sa constipation.

pagkain para sa constipation ng baby

Image from Freepik

10. Whole Grain Bread

Ang high fiber content ng mga whole wheat bread ay makakatulong rin na maibsan ang constipation ni baby. At hindi lang ito good para sa kaniyang tiyan, good din ito para sa kaniyang heart.

11. Spinach

Ang fresh spinach na inihalo sa fruit smoothie ay effective constipation remedy rin para sa mga baby. Dahil sa ito ay loaded ng fiber at vitamins.

Mga pagkaing dapat iwasan na nagdudulot ng constipation sa baby

Kung may mga dapat ihandang pagkain para sa constipation ng baby, may mga pagkain ring dapat iwasan na makakapagdulot nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Cheese
  • Bananas
  • Cereal
  • Processed foods tulad ng cookies, crackers at white bread.
  • Carrots
  • Potatoes
  • Apples

Ibang maaring gawin para malunasan ang constipation sa baby

Maliban sa pagbibigay ng fiber-riched food, may iba pang maaring gawin para malunasan ang constipation ni baby. Ito ay ang mga sumusunod:

  • I-encourage siyang uminom ng dagdag na fluid o tubig. Makakatulong ito upang lumambot ang dumi ni baby.
  • Galaw-galawin o i-exercise ang legs ni baby habang siya ay nakahiga. Nakakatulong ito para sa kaniyang bowel movements.
  • Ang pagbibigay kay baby ng warm bath ay nakakapagrelax sa kaniyang abdominal muscles. At nakakatulong na maibsan ang kaniyang constipation.
  • Masahiin ang tiyan ni baby. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot ng iyong fingertip sa kaniyang tiyan.

Kung sa pamamagitan ng mga nabanggit na paraan ay hindi parin naibsan ang constipation ni baby ay mabuting dalhin na siya sa doktor.

 

Source:

Medical News Today, Baby Food, Taste of Home, Healthline

Basahin:

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

Ang inakalang constipation ng 3-anyos, sintomas na pala ng kanser!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • 11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby
Share:
  • 5 gamot sa constipation para sa mga buntis

    5 gamot sa constipation para sa mga buntis

  • 5 ways to relieve constipation in toddlers

    5 ways to relieve constipation in toddlers

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • 5 gamot sa constipation para sa mga buntis

    5 gamot sa constipation para sa mga buntis

  • 5 ways to relieve constipation in toddlers

    5 ways to relieve constipation in toddlers

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.