Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ni baby

Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ni baby

Mga mommy, mabuting alamin ang best food para sa mga babies na makakatulong sa kanilang brain at neurological development!

Marami ang nangyayari sa unang buwan ng katawan ng isang baby. Dahil sa pagbabagong ito, ang mga kinakain ng isang bata ay may mahalagang puwang sa kanyang neurological development. Kaya bilang isang ina, mahalagang malaman ang mga best food for babies brain.

Ngayon, maaaring marami ka nang nabasang mga artikulo tungkol sa mga pagkaing masustansya kay baby. Ngunit ang artikulong ito ay tumatalakay sa bagong research sa mga tamang ihahain na pagkain kay baby na makakatulong sa kanyang utak.

best-food-for-babies-brain

Best food for babies brain | Image from Unsplash

Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ni baby

Naglabas ang ‘The American Association of Pediatrics (AAP)’ ng mga recommendation para sa mga pagkaing makabubuti sa isang bata. Siguradong makakatulong ito para sa kanilang neurological at brain development sa loob ng kanyang 1000 days. Sa artikulong ito, pinaliwanag rin nila kung bakit mahalaga ang mga pagkaing ito sa kanyang early years.

Dagdag nila,

“Child and adult health risks, including obesity, hypertension, and diabetes, may be programmed by nutritional status during this period. Calories are essential for growth of both fetus and child but are not sufficient for normal brain development,”

Best food for babies brain

Ayon sa Apex agency, ang lahat ng nutrients ay kailangan ng isang baby para sa kanilang brain development. Ngunit may ilan pa rin na mahalga para sa kanilang neurodevelopment. Ito ang mga:

best-food-for-babies-brain (3)

Best food for babies brain | Image from Unsplash

  • Protein (ito ay matatagpuan sa powdered milk, porridge, pureed vegetables, meat at cereal)
  • Zinc (ito ay matatagpuan sa whole grain cereals, nuts, potatoes, red meat at mushrooms)
  • Iron (ito ay matatagpuan sa green vegetables, spinach, chard, beetroot, winter squash, sweet potatoes, beef, chicken, turkey, mushrooms at prune juice)
  • Choline (ito ay matatagpuan sa egg yolk, yogurt, garbanzo and lima beans, lentils, almonds, cauliflower, bok choy, cabbage at broccoli)
  • Folate (ito ay matatagpuan sa avocado, spinach, garbanzo beans, lentils, beetroot at asparagus)
  • Iodine (found in sea vegetables like arame, hiziki, kombu, wakame, cranberries, yogurt, cheese at potatoes as well as salt)
  • Vitamin A, D, B6, B12 (ito ay matatagpuan sa carrots, sweet potato, salmon, fortified yogurt, orange juice, fortified milk, banana, papaya, lentils, garbanzo or chickpeas, low-fat dairy, cheese at eggs)

Ayon sa kanila,

“Failure to provide key nutrients during this critical period of brain development may result in lifelong deficits in brain function despite subsequent nutrient repletion.”

Dagdag rin ni Dr. Sarah Jane Schwarzenberg, associate professor ng Pediatrics, University of Minnesota Masonic Children’s Hospital at myembro rin ng AAP Committee ay mahalagang malaman ng mga magulang na ang breastmilk pa rin ang pinakamabuting ibigay ni baby sa loob ng kanyang first 6 months.

Mahalagang kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron at zinc. Dahil ang brestmilk ng isang ina ay kulang sa ganitong sustansya na kailangan ng isang bata sa kanyang paglaki. Ang mga pagkaing ito ay:

  • Fruits and vegetables rich in vitamins at minerals
  • Pureed lean meat (chicken, fish, turkey, beef)
  • Infant cereals

“Infants are very vulnerable in the first few months of life to [nutrient] deficiencies. Their brains are developing at a rapid pace between one and two years, so we want pediatricians to be recommending a healthy spectrum of foods and not simply telling parents to give their babies certain foods. We want to make a positive statement about providing lean meats and fruits and vegetables, and also push back on the idea of superfoods,”

Dagdag rin ni Dr. Schwarzenberg na ang isang pagkain ay hindi sapat para mapunan ang mga nutrition na kailangan ng isang baby.

Best food for babies brain: Ano ang mga dapat tandaan sa pagpili

Ayon kay Dr Schwarzenberg, narito ang mga dapat tandaan ng isang magulang.

best-food-for-babies-brain

Best food for babies brain | Image from Unsplash

1. Ibigay ng tama ang mga masustansyang pagkain sa loob ng kanyang 2 years

“If you miss the opportunity to meet developmental milestones during the first 1,000 days of life, then there’s not an opportunity to go back and revisit them.”

Dahil ang neurological development ng isang bata ay paunti-unti nang nadedevelop. Kasama na ang kanyang utak at kung paano ito bumibilis.

2. ‘Wag hayaan na maging boss ang iyong anak

“We all have a tendency to pick one or two things the child likes and not stray too much from them. But if you are really looking to developing good brain health, then you really have to look at a variety of foods,”

Madaling kainin ng isang baby ang mga gustong nilang kainin. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay palagi mo silang hahayaan sa kanilang gusto. Piliin ang best food for babies brain sa loob ng kanyang unang taon. Pagkatapos nito, maaari mo nang ibigay ang mga bagay na kanyang gustong kainin.

 

If you want to read the english version of this, click here.

 

Source: AAPPublications

BASAHIN: 10 brain-boosting foods to help your toddlers grow smarter

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner