Nakararanas ka ba o ang iyong anak ng pakiramdam na masakit ang tiyan at parang nasusuka? Maraming sanhi ang pananakit ng tiyan at pakiramdam na naduduwal.
Maaaring ang dahilan ay gastrointestinal issues, labis na pagkain, o anxiety. Ano nga ba ang gamot sa sakit ng tiyan at pagsusuka? Mayroon bang home remedy kung masakit ang tiyan at parang nasusuka?
Iba’t ibang sanhi ng masakit na tiyan at parang nasusuka
Mayroong dalawang uri ng pananakit ng tiyan at pagsusuka na maaari mong maranasan. Ang una ay tinatawag na acute stomach pain and nausea. Saglit mo lang na mararanasan ang mga sintomas at mawawala rin paglaon.
Ang mga sanhi ng acute na sakit ng tiyan at pagduwal ay ang mga sumusunod:
Nagdudulot ito ng masakit na tiyan at parang nasusuka. Dulot ito ng impeksyon sa bituka. Karaniwang sanhi ng viral gastroenteritis ay ang norovirus. Sa mga bata at baby naman ay rotavirus ang kadalasang may dala ng impeksyon na ito.
Ilan pa sa mga sintomas na maaaring maranasan bukod sa masakit na tiyan na parang nasusuka ay ang mga sumusunod:
- Pagtatae o tubig ang dumi
- Pagsusuka
- Lagnat
Ayon sa artikulo ng Medical News Today, karaniwang gumagaling din naman ang sakit na ito nang wala pang isang linggo. Kahit na hindi lapatan ng gamot.
Subalit maaaring magdulot ng dehydration ang pagkakaroon ng diarrhea at madalas na pagsusuka. Kaya naman para matiyak ang paggaling ay mabuti pa rin na magpatingin sa doktor lalo na kung bata ang naapektuhan nito.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sora Shimazaki
Maaari ding magdulot ng viral gastroenteritis ang pagkain contaminated food. Magdudulot ng pananakit ng tiyan at posibleng pagsusuka ang harmful bacteria, viruses, at parasites na makukuha sa sirang pagkain.
Kaugnay rito, ang food poisoning at viral gastroenteritis ay may parehong sintomas at pareho ring maaaring makuha sa pagkain ng contaminated na pagkain.
Kung makaranas ng dehydration o matinding pag-atake ng mga nabanggit na sintomas, agad na kumonsulta sa doktor para malapatan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan at pagsusuka.
Puwede ring makaranas ng masakit na tiyan at pakiramdam na parang nasusuka pero hindi ang sinuman dahil sa stress at anxiety. Karaniwan ito sa mga bata.
Kung makaranas ng masakit na tiyan ang iyong anak bago ang exam o kompetisyon sa paaralan, maaaring senyales ito na nakararamdam siya ng anxiety.
Mahalagang matulungan ang iyong anak paano mag-cope sa stress at anxiety. Ito ang magsisilbing gamot niya sa masakit na tiyan na parang nasusuka pero hindi naman.
Bukod pa rito, maaari din kumonsulta sa doktor kung madalas itong mangyari. Puwedeng irekomenda sa iyo na patingnan sa mental health professional ang iyong anak at nang matingnan kung mayroon ba itong anxiety disorder. Tandaan din na hindi lang bata ang maaaring makaranas ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka dahil sa axiety at stress.
Ang indigestion ay kondisyon kung saan ay hirap sa pagtunaw ng pagkain sa iyong tiyan. Ilan sa mga karaniwang sanhi nito ay:
- Pagkain nang masyadong mabilis
- Labis na pag-inom ng alcohol o caffeine
- Stress
Bukod sa masakit ang tiyan at parang nasusuka, maaari ding makaramdam ng paninigas ng tiyan, mabigat na pakiramdam sa tiyan, pagdighay, at burning feeling sa bituka at lalamunan.
Samantala ang ikalawang uri ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ay tinatawag na chronic stomach pain and nausea.
Ito ang madalas at pabalik-balik na pagsakit ng tiyan. Marami ring iba’t ibang sanhi ito tulad ng mga sumusunod:
5. Functional gastrointestinal disorders
Halimbawa ng mga disorder na ito ay ang irritable bowel syndrome (IBS) at dyspepsia.
Bukod sa masakit ang tiyan at parang nasusuka, ang mga sintomas na mayroon kang irritable bowel syndrome ay ang mga sumusunod:
- Bloating
- Pagtatae
- Constipation
Habang ang sintomas naman na mayroon kang dyspepsia ay:
- Pananakit ng taas na bahagi ng tiyan o upper abdomen
- Pagduwal
- Pagsusuka
6. Gastritis
Pamamaga ng lining ng bituka ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng gastritis. Bukod sa masakit na tiyan at pagduwal, maaari ding makaranas ng pagsusuka kapag mayroong gastritis.
May iba’t ibang sanhi kung bakit nakararanas ng pamamaga ng lining ng stomach:
- Impeksyon dulot ng bacteria na tinatawag na helicobacter pylori
- Damage sa stomach lining dulot ng pag-inom ng alcoholic beverage
- Madalas na paggamit ng non-steroidal inflammatory drug tulad ng ibuprofen at aspirin.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Andrea Piacquadio
7. Intestinal obstruction
Maraming posibleng dahilan ang obstruction o pagkasira ng bituka. Ilan dito ay ang cancer, diverticulitis, at inflammatory bowel disease. Gayundin ang tinatawag na adhesions kung saan may namuong bands ng tissues sa bituka matapos ang surgery.
Bukod sa pananakit ng tiyan at pagsusuka, puwede ring makaranas ng bloating at constipation kapag may instestinal obstruction. Mahalagang magpatingin sa doktor para malaman ang tamang gamot sa masakit ang tiyan at parang nasusuka na dulot ng intestinal obstruction. Ang kondisyong ito ay delikado at maaaring humantong sa seryosong komplikasyon kung hindi magpapagamot.
Dagdag pa sa mga nabanggit naa kondisyon, maaari ding magdulot ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka ang heart attack, gall bladder attack, kidney stones, at appendicitis.
Gamot sa sakit ng tiyan at pagsusuka
Mayroong mga gamot na makagagaling sa sakit ng tiyan at pagsusuka pati na rin sa pakiramdam na naduduwal o ‘yong parang nasusuka pero hindi. Nakadepende nga lamang ang tamang gamot sa kung ano ang underlying issue at kung bakit nakakaranas ng sakit ng tiyan at pagsusuka.
Mahalagang kumonsulta sa doktor para malaman kung ano ang akmang gamot para sa iyong kondisyon.
Maaari kang resetahan ng gamot o medication ng iyong doktor kung ang mga sumusunod ang dahilan ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka:
Puwede namang magrekomenda ng pagbabago sa diet kung ikaw ay may:
- IBS
- Gall bladder attack
- Kidney stones
Samantala, surgery naman ang kailangan sa mga sumusunod na kondisyon:
- Abdominal adhesions
- Cancer
- Appendicitis
- Heart attack
- Gall bladder attack
Home remedy sa masakit ang tiyan at parang nasusuka
Mahalagang malapatan ng tamang gamot ang underlying issue kung bakit nakakaranas ng pagsakit ng tiyan at nausea o pakiramdam na tila nasusuka.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Pixabay
Sa kabilang banda, mayroon namang mga home remedy para pansamantalang maibsan ang masakit na tiyan at pakiramdam na parang nasusuka:
1. Peppermint tea
Isa ang peppermint tea sa mga tradisyonal na remedy sa pakiramdam na parang nasusuka. Soothing ito sa bituka at mayaman sa bitamina, minerals, at antioxidants.
Para makagawa ng peppermint tea, maglagay ng 1 teaspoon ng pinatuyong peppermint leaves sa isang tasa ng kumukulong tubig. Makalipas ang 10 minutong pagpapakulo, salain ito. Maaari nang inumin kapag sapat na ang init nito at hindi na nakapapaso.
2. Uminom ng sapat na dami ng tubig
Mahalagang manatiling hydrated kung nakararanas ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka. Importante ito lalo na kung hindi pa kaya ng bituka na makatanggap ng pagkain. Mahalagang uminom ng tubig.
Bukod dito, puwede ring humigop ng mga liquid na may asukal, asin, at iba pang nutrients na kailangan ng katawan. Halimbawa ay: clear broth, kape o tsaa na walang gatas, ginger ale, clear sports drinks, lemon-lime soda, clear juices, at club soda.
Bukod pa rito, iwasan muna ang pag-inom ng alcoholic na inumin, smoothies, at vegetable juices.
Kilala ang luya o ginger na madalas gamitin bilang herbal medicine. Isa nga ito sa matagal nang ginagamit bilang remedy sa pananakit ng tiyan at pagsusuka. May mga pag-aaral na rin na nakatutulong ang luya para maibsan ang pagduwal na dulot ng chemotherapy.
Ayon sa WebMD, ligtas din itong remedy para sa pananakit ng tiyan at pagsusuka na dulot naman ng pagbubuntis o morning sickness. Maaaring mag-take ng luya bilang tsaa o capsule na supplement. Mayroon din namang iba na nginunguya lang ang mismong luya.
Mommies and daddies, tandaan lang na ikaw man o si baby ang nakararanas ng matinding pagsakit ng tiyan at pagsusuka, mahalagang magpatingin sa doktor para malaman ang ugat ng sakit. Lalo na kung pabalik-balik o paulit-ulit mo itong nararanasan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!