Bakit makati ang tiyan ng buntis?

lead image

Bakit makati ang tiyan ng buntis? Alamin kung normal ba ang pangangati na nararamdaman o sintomas na ng sakit na polymorphic eruption of pregnancy.

Nasa huling mga buwan ka na nang pagbubuntis. Marahil simula ka nang maghanda para sa pagdating ng iyong supling—iniimpake na ang hospital bag, itinayo na ang crib, at nalabahan na ang mga damit ni baby. Pati ang supling sa loob ng tiyan mo ay tila excited na rin at parang nagsisirko na sa iyong sinapupunan.

Ngunit ano ito? Bakit biglang sobrang kati ng tiyan at may rashes na? Normal ba ito?

Bakit makati ang tiyan ng buntis?

Nakagawian nang sabihin na kapag makati ang tiyan ng buntis, ibig sabihin malago ang buhok ni baby. Ngunit sa pagkakataong ganito, hindi buhok ng sanggol kundi isang kundisyon ang sanhi ng pangangati!

Ang rash na ito ay tintatawag na polymorphic eruption of pregnancy, o mas kilala bilang PUPPP (Pruritic Urticarial Papules and Plaques of Pregnancy).

Iba-iba ang klase ng polymorphic rash—mayroong mapulang pantal, mayroong mapulang spots, minsan mapulang patse. Hindi pa natutukoy kung bakit nagkakaroon ng PUPPP ang isang buntis, ngunit may mga teorya na tungkol dito. Pero bago ang lahat, alamin muna kung ito ba ang sanhi ng pangangati mo.

polymorphic eruption of pregnancy treatment

Image source: file photo

Facts tunkol sa PUPPP

  1. Pangkaraniwan itong nangyayari sa mga buntis. Isa sa bawat 160 na buntis ay pinagdaraanan ito.
  2. Sobra ang pangangati
  3. Nagsisimula ito mula sa belly button at kumakalat sa buong tiyan pati na rin sa pwet, hita, braso, at binti.
  4. Kadalasan lumalabas ito sa unang pagbubuntis. Halos hindi ito nangyayari sa mga susunod nang pagbubuntis.
  5. Mas pang karaniwan itp sa mga nagdadalangtao ng triplets at twins.
  6. Sakali man mangyari ito sa mga susunod na pagbubuntis, hindi na ito kasing lala.
  7. Kadalasan na nakakaranas nito ay ang mga lalaki ang baby.

Bakit nagkakaroon ng Polymorphic Eruption of Pregnancy?

polymorphic eruption of pregnancy treatment

Source: Heykerriann at English Wikipedia [Public domain], via Wikimedia Commons

Ang Polymorphic Eruption of Pregnancy, o PUPPP ay mukhang allergic reaction. Ngunit kagaya ng nasabi sa itaas, hindi pa tukoy kung bakit ito nangyayari. Ang dalawang teorya ng mga duktor ay:

Una, nangyayari lamang ito sa third trimester kung saan mabilis lumalaki ang bata. Marahil sa bilis ng paglaki ng bata, nagse-stretch tuloy ng balat ng tiyan kaya nagkakaroon ng rash.

Ang pangalawang teorya naman ay dahil daw napupunta raw ang mga cells ng baby sa dugo ng nanay kaya nagmumukha itong allergic reaction.

Hindi pa napapatunayan ang dalawang teorya kung ito nga ba ang sanhi kung bakit makati ang tiyan ng buntis.

Polymorphic Eruption of Pregnancy Treatment

Polymorphic eruption of pregnancy treatment ay symptomatic. Nakaka-apekto ito sa iba’t ibang bagay dahil sa sobrang kati nito sa tiyan ng buntis. Karaniwan na ginagamit pang-control ng rashes ay ang emollients at topical steroidal creams.

Ngunit huwag mag-alala dahil mawawala ito agad matapos manganak at hindi ito nakaka-apekto sa baby. Kung sakali man, mild rash lang sa baby at mawawala rin matapos ang ilang linggo.

Mums-To-Be, Please Read My Story Now

It was June 2016. My wife was pregnant with our son. One morning, while taking a bath, she noticed some sort of a rash on her tummy. She was almost 34 weeks pregnant. Both of us are doctors, but we were very very scared. Because, a) rashes in pregnancy are scary, and b) as doctors, we know a little too much!

 

Sources: British Association of Dermatology, Dermnet.nz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

Anay Bhalerao