Pagkatapos ng panganganak o habang nagbubuntis ang babae, mararanasan nila ang mahirap na pagkontrol sa kanilang ihi. Katulad sa mga sanggol, ihi ng ihi rin ang buntis sa yugtong ito. Nasa isa sa tatlong buntis ang hindi nakokontrol ang paglabas ng kanilang ihi.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Dahilan kung bakit walang kontrol at ihi ng ihi ang buntis
- Pag-aalaga sa pelvic floor
- Pelvic floor exercise
Maraming nanay ang tahimik na nagdudusa sa kondisyong ito. Kaya naman narito ang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong malaman.
Ihi ng ihi ang buntis, bakit hirap itong makontrol?
Ang “incontinence” ay ang kusang paglabas ng ihi o dumi sa katawan. Ito ay dahil sa paghina ng pelvic floor ng isang buntis. Hirap nilang kontrolin ang paglabas ng ihi hanggang sa sila’y nasa banyo na.
Karaniwang nararanasan ng mga babae habang at pagkatapos ng kanilang pagbubuntis ay ang problema sa pantog at pagdumi. Isang dahilan ng paglala nito’y ang menopause stage.
Ihi ng ihi ang buntis | Image from Unsplash
Hirap sa pagkontrol
Isa sa tatlong kababaihan ang may ganitong problema. Ibig sabihin, sa isang samahan ng mga nanay, mayroong ilan sa kanila ang kinakailangang magsuot ng incontinence pads.
Lumalapad ang ari ng babae kapag sila ay nanganak. Kasama rin nito ang ilang muscle at nerves na nakasuporta sa kanilang pantog at urethra. Malaki ang posibilidad na ito ay magkaroon ng sira. Kahit na ang mga babaeng sumailalim sa caesarian section ay maaari ring makaranas ng ganitong kondisyon.
Mataas naman ang tiyansa na makaranas ng parehong kondisyon ang mga nanay na nakaranas nito dati pa lamang. Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng malaking sanggol, forceps delivery, pagiging overweight ay mga risk factor ng incontinence.
Paano ko masasabi na mayroon akong incontinence?
- Kapag ikaw ay nakakaihi sa tuwing uubo, babahing, tatawa o mageehersisyo. Sa makatuwid, mararanasan ito kapag may mabigat na pressure sa iyong pelvic floor.
- Kung hindi mo mapigilan o makontrol ang iyong ihi. Kaya mong mapigilan ang ihi mo ng at least 300 hanggang 400 ml bago ka tuluyang pumunta ng banyo.
- Kung laging nababasa ng ihi ang iyong suot na pangbaba.
- Matinding pressure sa bandang ari.
BASAHIN:
Spotting: Ano ang ibig sabihin ng pagdudugo sa buntis?
Madalas na pag-ihi sa gabi, maaaring senyales ng DIABETES ng bata
Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?
Alagaan ang iyong pelvic floor!
Malaki ang ginagampanang papel ng iyong pelvic floor, isa na rito ang pagsuporta sa iyong pelvic organs. Maihahalintulad ito sa maliit na trampoline ng muscle a ligaments na siyang sumusuporta sa bladder, uterus at bituka. Kung ang pelvic floor ay biglang humina kasama na ang pagbuka ng bladder, ari at puwit nito, dito nangyayari ang “leakage” ng ihi. o dumi.
Maiiwasan ito kung sasanayin ang sarili sa iba’t ibang pelvic floor exercises. Sa ganitong paraan, mapapalakas natin ang pelvic floor at mapapabuti ito. Gaya ng ibang routine, kinakailangan ng sipag at tiyaga para makita ang resulta.
Ihi ng ihi ang buntis | Image from iStock
Ehersisyo para sa pelvic floor
Pwede mong gawin ang pelvic floor exercise kahit saan at anong oras. Pwedeng-pwede kung ikaw ay nakaupo, nakahiga o nakatayo. Nasa bandang pubic bone at base ng iyong spine ang pelvic floor.
Umupo ng tuwid at i-relax lang ang iyong balikat. Sundin lamang ito:
- Focus on your anus first and then lift and squeeze upwards and inwards as though you’re trying not to pass wind.
- Bring this lift forward to the front as if you’re trying to stop weeing.
Itaas lang ito habang pinipisil. Subukang ipatagal ito ng tatlo hanggang sampung segundo. Tandaan, i-relax lang ang buong katawan at ‘wag pigilan ang hininga sa routine na ito.
Magpahinga. Gawin ito ng tatlo hanggang limang hold sa isang set. Maaaring ulitin ng tatlong beses sa isang araw.
Mga hindi dapat gawin sa pelvic floor exercise
- Pagpigil sa ihi. Maaaring magkaroon ng impeksyon kung uugalin ito.
- Pagmamadali. Kinakailangan na naka-focus ka sa routine na ito para masiguradong tama ang bawat galaw.
- Paghihigpit sa iyong puwit. Ibang parte ng muscle ang nata-target mo sa pagkakataong ito.
- Pagpisil ng iyong dalawang binti.
- Pagpigil sa hininga.
- Biglang pagdagdag ng timbang.
- Pagkawala ng pag-asa.
Ihi ng ihi ang buntis | Image from Freepik
5 tips para sa iyong pelvic floor
1. Tanungin ang iyong doktor kung sino ang maaaring lapitan mong obstetric physiotherapist na makakatulong sa iyong kalusugan.
2. Iwasang pabayaan ang pagkawala ng kontrol saiyong ihi o dumi. Maraming kababaihan ang nagsasanay sa iba’t-ibang uri ng pelvic floor exercises.
3. Kumain ng pagkain na mayaman sa fibre para maiwasang maging constipated.
4. Subukang ‘wag dumalas ang pagpunta sa banyo
5. Bantayan ang iniinom na kape. Ang mga inumin na tsaa, tsokolate, energy drinks at kape ay mataas sa caffeine na siyang nagsisilbing “bladder stimulant”.
For more information about incontinence check:
Pregnancy and childbirth | Continence Foundation of Australia
Jane Barry has qualifications in general, paediatric, immunisation, midwifery and child health nursing. She holds a Bachelor Degree in Applied Science (Nursing) and has almost 30 years specialist experience in child health nursing. She is a member of a number of professionally affiliated organisations including AHPRA, The Australasian Medical Writer’s Association, Health Writer Hub and Australian College of Children and Young People’s Nurses.
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!