X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?

4 min read
Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?

Ang madalas na pag ihi ng buntis ay dahil sa matinding pressure sa tyan pagsapit ng 3rd trimester. Pwedeng maiwasan ito sa tulong ng Kegel exercise. | Lead image from Shutterstock

Madalas na pag ihi ng buntis, ano ang dahilan?

Talaga namang maghirap ang journey ng isang pregnant mom. Marami ang kailangang alalahanin at laging tandaan para maging safe ang kanilang pagbubuntis. Bukod dito, isa pang pregnancy norm ay ang pagbabago ng katawan ni mommy. Hindi maiiwasan ito dahil sa paglaki ng kanilang tiyan lalo na kapag malapit nang lumabas si baby.

Mararanasan din sa pagbubuntis ang iba’t ibang weird na pakiramdam. Isa na riyan kapag ihi nang ihi ang buntis. Bakit nga ba nangyayari ‘to? Narito ang ilang paliwanag.

madalas-na-pag-ihi-ng-buntis

Madalas na pag-ihi ng buntis: Rason kung bakit nangyayari ito | Image from Freepik

Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?

Karamihan sa ating mga mom ang nakakaranas ng morning sickness at pananakit ng katawan. Kung sakaling nakakaranas nito, ‘wag mabahala mommies! Normal ito sa isang nagbubuntis. Isa pang madalas na usapan ay ang madalas na pag ihi ng buntis.

Sobrang uncomfortable nito para sa mga buntis dahil akala mo peaceful na ang iyong pagtulog pero bigla na lang makakaramdam na ikaw ay naiihi. Madalas itong nararanasan pagsapit ng 3rd trimester ng buntis.

Mga sintomas ng madalas na pag ihi ng buntis

Madali lang malaman kung ikaw ay nakaka-experience nito. Kung ikaw ay madalas umihi na hindi naman katulad ng dati, maaaring ikaw ay nakakaranas nito. Mayroon ding iba na dumadaan sa urinary leakage o bigla na lang maiihi. Ito ay kapag

  • Nage-exercise
  • Tumatawa
  • Pagkagulat
  • Bumabahing
  • Umuubo
madalas-na-pag-ihi-ng-buntis

Madalas na pag-ihi ng buntis: Rason kung bakit nangyayari ito | Image from Unsplash

Ngunit ang mga sintomas din na ito ay maaaring dulot ng UTI o urinary tract infection sa buntis. Ang mga moms ay kadalasang nagkakaroon ng UTI habang sila ay buntis. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga ito, mahalagang magpatingin agad sa iyong doktor para makaiwas sa iba pang seryosong kumplikasyon.

Narito ang ilang sintomas na ikaw ay may UTI:

  • Nakakaramdam ng sakit kapag umiihi
  • Matinding amoy ng ihi
  • Cloudy na ihi
  • Ang kulay ng ihi ay tila pula o pink

Mga dahilan kung bakit ihi nang ihi ang buntis

Ang madalas na pag ihi ng buntis ay isang sign ng pregnancy. Ito ay nangyayari dahil kapag nagdadalang tao ang isang babae, tumataas ang kaniyang hormones progesterone at human chorionic gonadotropin. Pagdating ng 2nd trimester, nagbabago ang uterus nila kaya nagkakaroon ng matinding pressure sa bladder ng buntis.

Bukod pa rito, kapag buntis ang isang babae, ang katawan nila ay naglalabas ng dobleng fluids. Pagdating ng 3rd trimester nila, lumalaki ang kanilang baby sa tiyan at dahilan para maipit ang kanilang bladder.

madalas-na-pag-ihi-ng-buntis

Madalas na pag-ihi ng buntis: Rason kung bakit nangyayari ito | Image from iStock

Paano makakaiwas dito?

Kahit na ang UTI at madalas na pag-ihi ay normal sa pagbubuntis, uncomfortable pa rin para ating mga mommies ang gumising ng ilang beses sa gabi para umihi lang. Pagkatapos manganak, saka lang ito mawawala.

Sa tulong ng Kegel exercise, magagawa nitong maituwid ang iyong bladder. Maaari mong gawin ang exercise na ito ngunit mas maganda kung magpakonsulta muna sa iyong doktor para mabigyan ng tamang advice sa pagsasagawa nito.

  1.  Bigyan ng matinding suporta ang muscle sa iyong pelvic.
  2. I-hold ang iyong muscle haggang sa 10 seconds o hanggang sa iyong makakaya.
  3. I-relax ang iyong muscles.
  4. Ulitin ito hanggang 15 times.

Bukod dito, maiiwasan din ang pag-ihi madalas ng buntis kung titigilan muna ang pag-inom ng caffeinated drinks. Iwasan muna rin ang pag-inom ng tubig bago matulog sa gabi.

Kung may iba pang concern, ‘wag magdalawang isip na magpakonsulta sa iyong doktor.

 

BASAHIN:

Balak sundan si junior pero hirap mabuntis? 5 tips para makabuo agad

Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?

Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
Commission on Women lauds P&G for advancing household equality with 8-week paternity leave
Commission on Women lauds P&G for advancing household equality with 8-week paternity leave
Cetaphil Baby talked about what skin says about baby's health
Cetaphil Baby talked about what skin says about baby's health
Nickelodeon SlimeFest is finally coming to the Philippines
Nickelodeon SlimeFest is finally coming to the Philippines
Nick Jr.’s Brand-new Preschool Series Blue’s Clues & You!
Nick Jr.’s Brand-new Preschool Series Blue’s Clues & You!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?
Share:
  • Ihi ng ihi ang buntis, ano nga ba ang dahilan nito?

    Ihi ng ihi ang buntis, ano nga ba ang dahilan nito?

  • 9 paraan kung paano matigil ang pag-ihi ng bata sa kama

    9 paraan kung paano matigil ang pag-ihi ng bata sa kama

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Ihi ng ihi ang buntis, ano nga ba ang dahilan nito?

    Ihi ng ihi ang buntis, ano nga ba ang dahilan nito?

  • 9 paraan kung paano matigil ang pag-ihi ng bata sa kama

    9 paraan kung paano matigil ang pag-ihi ng bata sa kama

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.