X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?

5 min read
#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?

Ito ang sagot ng isang doktor na mahalagang malaman ng buntis para sa kapakanan ng kaniyang dinadalang sanggol.

Narito ang tamang diet ng buntis na dapat sundin para sa healthy growth and development ng kaniyang dinadalang sanggol.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ayos lang bang mag-diet o magpapayat habang buntis?
  • Sagot ng isang OB-GYN
  • Tamang diet o pagkain ng buntis ayon sa isang OB-GYN

Ayos lang bang mag-diet o magpapayat habang buntis?

Ang pagdadalang-tao ay maraming naidudulot na pagbabago sa katawan ng isang babae. Isa na nga rito ang pagkakaroon ng dagdag na timbang na hindi gusto ng marami sa atin. Kaya naman may mga buntis na nagpapatuloy o kaya naman ay sinusubukan pa ring mag-diet. Ito'y upang huwag sila masyadong tumaba at manatiling sexy pa rin pagkapanganak. O kaya naman ay upang makaiwas sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng labis na katabaan sa kanilang pagbubuntis.

Pero ayon kay Dr. Ramon Reyles, Chairperson ng Department of OB-GY ng Makati Medical Center, hindi dapat nagda-diet ang buntis. Ang mga diet tulad ng intermittent fasting o keto diet na ginagawa niya bago ang pagbubuntis ay dapat munang itigil. Ito ang paliwanag ni Dr. Reyles kung bakit.

tamang diet ng buntis

People photo created by yanalya - www.freepik.com 

Ang sagot ay HINDI.

Paliwanag ni Dr. Reyles,

“Hindi ka dapat nagpapayat during pregnancy. They should eat and make yourself healthy. Kasi kung well-nourished ang mom, well-nourished rin ang baby.”

“Masama 'yan. They should be eating 3 times a day with snacks in between. Kasi that keeps the mom well-nourished of course healthy. Kasi kailangan natin ng panggatong. Kapag hindi ka kumain kulang ang gatong o 'yung glucose, gagamitin 'yung muscle mo o 'yung fat. And usually, ang by-product ng metabolism nila is not good for the mom and also for the baby. Kasi bad chemicals 'yun kung tawagin. Kaya hindi healthy 'yun that is not good.”

Dagdag pa niya, wala ring uri ng diet o pagpapapayat ang mabuti para sa mga buntis. Sapagkat ang pagkaing kinakain ng buntis ang pinagkukunan ng mga nutrients na kailangan ng lumalaki niyang sanggol. Kaya naman mainam na kumain siya ng kumain ng masusustansyang pagkain.

Partner Stories
Why cleaning up is good for your health: MakatiMed experts cite five benefits
Why cleaning up is good for your health: MakatiMed experts cite five benefits
"Don't Pay Cash. PayMaya!" promotes better than cash benefits with new features and rewards
"Don't Pay Cash. PayMaya!" promotes better than cash benefits with new features and rewards
Father’s Day gifts your techie dad will love
Father’s Day gifts your techie dad will love
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby

“Relax muna habang buntis. Remember you are nourishing. Paano lalaki 'yung hindi mo nga makita sa ultrasound in early pregnancy then suddenly ang laki-laki. So kumbaga nagpapatayo ka ng building, kung hindi ka kukuha ng material sa hardware paano tatayo 'yung building mo? Saan kukuhanin 'yung semento? 'Yung kahoy, 'yung bakal? Ayan 'yung mga ingredient’s, 'yung protein, fats at carbohydrates. Andyan din 'yung mga vitamins at minerals. Andyan 'yung mga pako, turnilyo, mga adhesive. Saan manggaling 'yun? It’s from the food that mom eats kaya lumalaki 'yung baby.”

BASAHIN:

Pangangasim ng sikmura ng buntis, paano maiiwasan?

#AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis

Tamang diet ng buntis

Dagdag na paliwanag naman ng health website na Healthline, kung ang isang sanggol ay hindi makakakuha ng vitamins at minerals habang siya ay ipinagbubuntis, maari siyang makaranas ng problema sa kaniyang growth at development. Mahalaga na makakuha siya ng vital nutrients tulad ng sumusunod:

Vitamin D at calcium

tamang diet ng buntis Food photo created by user18526052 - www.freepik.com 

Ang vitamin D at calcium ay kailangan ng sanggol para magkaroon ng matibay na mga buto at ngipin. Kung may kakulangan sa calcium ang katawan ng isang buntis ay kukunin mula sa kaniyang mga buto ang kailangang calcium ng kaniyang sanggol. Kaya naman para masigurong may sapat na calcium at vitamin D siya sa kaniyang katawan ay dapat kumain siya ng mga pagkaing mayaman sa mga ito. Gaya ng milk, yogurt, cheese, calcium-fortified juices, sardines o salmon na mayroon pang buto at mga leafy vegetables tulad ng pechay.

Iron

Mahalaga rin na may sapat na iron sa katawan ang isang buntis. Mahalaga kasi ito sa paggawa ng mas maraming dugo na magsu-supply ng oxygen sa kaniyang sanggol. Kung may kakulangan sa iron, maaring maging anemic ang isang buntis. Ito'y magdudulot sa kaniya ng fatigue at increased risk na makaranas ng impeksyon. Para magkaroon ng sapat na iron sa kaniyang katawan, dapat kumain ng karne, poultry, fish, dried beans at peas, at iron-fortified cereal ang isang buntis.

Protein

Para naman sa pag-bubuild ng organs ni baby, tulad nalang ng kaniyang heart at brain ay mahalaga ang protein sa isang buntis. Makukuha ito sa mga pagkaing tulad ng meat, poultry, fish, dried beans at peas, eggs, nuts at tofu.

Folic acid o folate

Napaka-importante naman ng folic acid o folate para sa healthy brain at spinal cord development ng sanggol. Upang makaiwas din siya sa neural tube condition na kung tawagin ay spina bifida. Maliban sa supplements, makakakuha ng kailangan niyang folate o folic acid ang isang buntis sa mga pagkaing tulad ng leafy green vegetables, fortified o enriched cereals, breads at pastas. Pati na sa mga beans at citrus fruits tulad ng ponkan at dalandan.

Tamang diet ng buntis sa araw-araw

tamang diet ng buntis Food photo created by onlyyouqj - www.freepik.com 

Sa pangaraw-araw, para makuha ang mga nasabing nutrients at iba pang vitamins at minerals ay ito ang tamang diet ng buntis na dapat sundin.

  • Limang servings ng fresh fruits and vegetables.
  • Anim na servings ng enriched na whole-grain breads at cereals.
  • Three servings ng nonfat o low-fat milk o iba pang milk products.
  • Two to three servings ng extra-lean meats. Tulad ng karne ng manok na walang balat, isda at cooked dried beans at peas.
  • Walong baso ng tubig.
Ang nabanggit ay isang gabay lamang ng tamang diet para sa mga buntis. Para masiguro na makakakuha ka kailangang nutrients sa pagbubuntis ay mainam na magpa-konsulta sa iyong doktor.   Source: Healthline, Live Science, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?
Share:
  • #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

    #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

  • #AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

    #AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

app info
get app banner
  • #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

    #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

  • #AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

    #AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.