X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

3 min read

Bilang isang ina, mahalaga sa iyo ang kalusugan ng iyong anak. At siyempre, hindi lang physical development ang kailangang pagtuunan ng pansin kundi pati na rin ang brain development ng baby mo.

Pero anu-ano nga ba ang mga epektibong paraan upang matulungan mo ang brain development ni baby? Heto ang ilang epektibong paraan na sobrang simple lang at hindi mo kailangang pagkagastusan!

7 Tips para matulungan ang brain development ng baby mo!

brain development ng baby

Malaking tulong ang paglalaro pagdating sa brain development ng baby mo! | Source: pxhere

1. Sa pamamagitan ng paglalaro

Hindi lang para sa entertainment ni baby ang paglalaro! Mahalaga itong bahagi ng kaniyang growth at development, at maraming eksperto na ang nagsabi na importanteng maglaan ng oras sa paglalaro para sa brain development ni baby!

Bukod dito, nakakabuo rin sila ng matibay na relasyon sa kanilang mga magulang.

2. Kapag nagpapadede kay baby

Kung ikaw ay nagpapasuso kay baby, o kung bottle-fed siya, puwede mo itong gamiting pagkakataon para patibayin ang brain development ng baby mo!

Kapag nagpapadede ka, siguraduhing makipag eye-contact sa iyong anak at gumawa ng iba’t-ibang facial expressions, at kausapin mo siya. Nakaka-stimulate ito ng utak ni baby sa pamamagitan ng paggawa ng connections ng mga neurons sa kaniyang utak.

3. Ilabas mo ang iyong dila!

Nakakatawang isipin, pero nakakatulong ang paglabas ng iyong dila sa brain development ng anak mo!

Ito ay dahil kapag ginagawa mo ito, susubukan ka ding gayahin ni baby. Dahil dito, matututo siyang ilabas ang kaniyang dila na makakatulong upang mapadali ang kaniyang pagsasalita. Ito ay malaking tulong sa kaniyang speech development at sa kaniyang utak.

4. Kwentuhan at kantahan mo si baby!

Habang nagpapalit ka ng diaper ni baby, subukan mong ikwento sa kaniya ang ginagawa mo. Isa-isahin mo ang mga steps, at kausapin mo lang si baby. Kapag palagi mo itong ginagawa, masasanay si baby sa boses mo at matututo rin siya ng iba’t-ibang mga salita.

Puwede mo ring kantahan si baby habang siya ay pinapaliguan, dahil dito natututo sila ng mga rhyme. Mahalaga ang pag rhyme dahil nakakatulong ito sa pagbabasa ng iyong anak paglaki nila.

5. Mahalaga ang ‘tummy time’ para kay baby

Ang tinatawag na ‘tummy time’ o ang pagpapadapa kay baby ay nakakatulong upang palakasin sila at para maging malakas ang kanilang coordination.

Bukod dito, maganda ring paraan ang tummy time upang tabihan ang iyong baby at turuan siyang magsalita. Puwede ka ding maglabas ng mga toys ng iba-ibang kulay at ituro kay baby ang mga kulay at hugis ng mga ito.

6. Ilabas mo ng bahay si baby

Maraming mabuting maitutulong ang paglabas ng bahay kasama si baby. Bukod sa naaarawan sila at nararanasan ang preskong hangin, nakakatulong din ang paglabas para sa mga senses ni baby.

Puwede mo ring ituro kay baby ang iba’t-ibang mga bagay sa labas, at puwede mo ring turuan ng iba’t-ibang salita ang iyong anak.

7. Maglaro ng peek-a-boo!

Ang paglalaro ng peek-a-boo o kaya tagu-taguan ay siguradong magpapasaya kay baby at makakapagpatibay din ng kaniyang brain development.

Kahit kailan ay puwede mo itong simulan, pero mas nakikinabang ang iyong anak kapag sila ay 9 months old. Natututo sila ng tinatawag na object permanence o ang pag-intindi na kahit hindi nila nakikita ang isang bagay, hindi nito ibig sabihin na nawawala na ito, o hindi ito totoo.

 

Sources: Healthline, Today’s Parent

Basahin: 3 crucial habits for better brain development in kids

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?
Share:
  • Breast milk malaking tulong sa brain development!

    Breast milk malaking tulong sa brain development!

  • Girls' brains develop faster than boys, says study

    Girls' brains develop faster than boys, says study

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Breast milk malaking tulong sa brain development!

    Breast milk malaking tulong sa brain development!

  • Girls' brains develop faster than boys, says study

    Girls' brains develop faster than boys, says study

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.