Maraming benefits ang mga prutas para sa iba’t ibang sakit. Sa usapin ng cardiovascular disease maibibida natin diyan ang avocado. Alamin sa study na ito kung bakit nakatutulong daw ang avocado para mapababa ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Avocado nakakatulong daw para mapababa ang risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso ayon sa mga experts
- Mga dapat gawin para maiwasan ang sakit sa puso
Avocado nakakatulong daw para mapababa ang risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso ayon sa mga experts
Mga benepisyo ng avocado. | Larawan mula sa Pexels
Sikat sa mga Pilipino ang prutas na avocado. Kadalasan kasing ginagamit itong flavor para sa mga panghimagas tulad ng shake o ice cream. Bukod sa sarap na lasang taglay ng prutas, alam mo bang mabuting benepisyo rin ito sa kalusugan?
Ayon sa bagong pag-aaral sa Journal of the American Heart Association isang peer-reviewed journal ng Americal Heart Association, nakatutulong daw ito sa puso.
Ang pagkain daw ng 2 o higit pang servings nito ay maaaring makapagpababa ng tiyansang magkaroon ng cardiovascular disease. Maaari rin daw itong i-substitute sa mga pagkain tulad ng butter, cheese o processed meat na pare-parehong may fats.
Mayroon daw dietary fiber, unsaturated fats, at iba pang components ang prutas na avocado kaya maganda para sa puso. Nakita sa isinagawang clinical trials na ang mataas daw na consumption nito ay mabuti para sa cardiovascular health. Isa rin sa benepisyo ng avocado ay nakatutulong ito para maiwasan ang coronary heart disease pati na rin ang stroke.
“Our study provides further evidence that the intake of plant-sourced unsaturated fats can improve diet quality and is an important component in cardiovascular disease prevention,”
Pahayag ni Lorena S. Pacheco, Ph.D., M.P.H., R.D.N., pangunahing nagsulat ng pag-aaral hinggil sa benepisyo ng avocado sa puso.
Mayroong humigit kumulang 68,780 kababaihang na may edad 33 hanggang 55 taong gulang at 41,700 kalalakihang may edad 40 hanggang 75 taong gulang ang pinag-aralan sa loob ng 30 taong.
Binuo ang assessment ng kanilang diet sa pamamagitan ng food frequenct quiestionnaires na ibinigay sa simula ng taon at binabalikan kada apat na taon. Dito nila inalam kung gaano karami at kadalas ang kinakain na avocado.
Larawan mula sa Shutterstock
Sa pag-aaral, nakita nila sa mga participants na kumain ng at least 2 servings of avocado ay mas bumaba sa 16% ang risk ng cardiovascular disease habang 21% naman sa coronary heart disease kumpara sa mga hindi kumakain nito.
Mula naman sa statistical modeling, nakakababa rin ng tinatayang 16% hanggang 22% ang pagpalit ng half serving ng margarine, butter, egg, yougurt, cheese at processed food sa avocado. Wala namang nakitang benepisyo ang avocado sa pagpalit nito sa olive oil, nuts at iba pang plant oils.
Dagdag pa ni Pacheco,
“Replace certain spreads and saturated fat-containing foods, such as cheese and processed meats, with avocado is something physicians and other health care practitioners such as registered dietitians can do when they meet with patients, especially since avocado is a well-accepted food,”
Maganda rin daw na may dalang benepisyo ang avocado dahil isa ito sa mga prutas na accessible ayon kay Pacheco,
“Although no one food is the solution to routinely eating a healthy diet, this study is evidence that avocados have possible health benefits.
This is promising because it is a food item that is popular, accessible, desirable and easy to include in meals eaten by many Americans at home and in restaurants.”
BASAHIN:
May butas sa puso si baby? 7 importanteng impormasyon tungkol sa congenital heart disease
8 surprising na sintomas ng sakit sa puso na dapat mong malaman
8 sintomas na maaaring dulot na pala ng sakit sa puso
7 na dapat gawin para maiwasan ang sakit sa puso
Mga dapat gawin para maiwasan ang sakit sa puso
Bukod sa pagkain ng avocado, marami pa ang maaaring gawin para maiwasan ang sakit sa puso. Ang ilan dito ay aming inilista:
- Iwasan ang paninigarilyo dahil nakasisira ang mga kemikal nito sa puso, oxygen at blood vessels ng tao.
- Regular na mag-ehersisyo upang makontrol ang labis na timbang na sanhi ng high blood pressure, high cholesterol, at type 2 diabetes.
- Magkaroon ng healthy diet at kumain ng maraming prutas at gulay na good for the heart
- Panatalihin ang tamang body mass index (BMI) o tamang timbang.
- Matulog nang sapat sa tamang oras.
- I-manage nang tama ang stress at problema para hindi mauwi sa overthinking.
- Ugaliing kumonsulta parati para sa mga regular screening tulad ng pagkuha sa blood pressure, cholesterol levels, at type 2 diabetes.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!