7 sex positions na puwedeng gawin kahit buntis

lead image

Sa pamamagitan ng mga sex positions kapag buntis na ito, siguradong hindi mawawala ang init ng samahan ninyo ni mister, kahit pa nagbubuntis ka.

Alam niyo ba na kapag nagbubuntis, mas tumataas ang hormones ng mga babae, kaya't sila ay mas naghahanap ng sex? Ngunit siyempre, nakakatakot ito minsan dahil baka mayroong mga sex positions kapag buntis na posibleng makasama sa baby.

Kaya't gumawa kami ng listahan ng iba't-ibang mga sex positions kapag buntis na safe gawin ng mga mag-asawa!

Sex positions kapag buntis na safe gawin

Sa first trimester:

1. Edge of couch missionary

Dahil hindi pa gaanong malaki ang iyong tiyan, puwede pa kayong mag-missionary position ng iyong asawa. Ang edge of couch missionary ay isang variation sa missionary position kung saan nakahiga ka sa upuan, at ang iyong mga paa ay naka flat sa sahig. Sa ganitong posisyon, mas madaling makakapasok ang iyong asawa, at mas malalim din ang kaniyang penetration.

2. X-files

Ang x-files ay isa ring variation sa missionary position. Sa x-files, nakahiga ka at itataas mo ang iyong mga paa at ipapatong sa balikat ng iyong asawa. Sa posisyon na to, mas malalim ang pasok, at mas nakokontrol din niya ang pace at paggalaw.

Magandang sulitin na ang 1st trimester, dahil pagkatapos nito hindi na kayo puwedeng mag missionary position ng iyong asawa.

Sa second trimester:

3. Doggy style

Ang doggy style ay isa sa pinaka-safe na sex positions, lalong-lalo na sa 2nd trimester. Bukod sa simple lang gawin ang position na ito, siguradong magugustuhan din ito ng iyong asawa dahil kakaiba at exciting ang position na ito.

4. Leap frog

Ang position na ito ay variation sa regular na doggy style. Sa ganitong posisyon, iaangat mo lang ang iyong puwit, upang maging mas malalim ang pagpasok ng iyong asawa. Puwede mo rin i-control ang bilis at lalim ng pasok niya gamit sa posisyon na ito.

5. Hot seat

Sa hot seat na position, ang asawa mo ay nakaupo sa dulo ng kama, o upuan, at ikaw ay papatong sa kaniya ng patalikod. Sa posisyon na ito, nasa'yo ang control, kaya't ikaw ang bahala kung gaano kabilis o kalalim mo gusto gawin.

Sa third trimester:

6. Spooning

Sa third trimester naman ay medyo mas limitado na ang inyong magagawang sex positions. Bukod sa mahirap ito gawin para sa katawan mo, ang ibang positions ay posibleng makasakit o makasama sa baby.

Ang spooning ay isang mainam na position, dahil parehas kayong komportable ng iyong asawa, at hindi ito masyadong nakakapagod o kaya magiging sanhi ng strain para sa'yo.

7. Reverse cowgirl

Ang reverse cowgirl ay variation sa woman on top na position. Sa halip na nakaharap ka sa iyong asawa, ay nakatalikod ka naman. Sa posisyon na ito, may kontrol ka sa bilis at lalim ng pagpasok, kaya't mas madadalian ka na magkaroon ng orgasm.

 

Source: Women's Health

Basahin: 15 tips at sex positions para mas malaki ang chance na mabuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner