X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vaginal discharge ng buntis: Normal ba ito?

8 min read

Normal ba ang white mens ng buntis? Basahin ang mga dapat mong malaman tungkol sa vaginal discharge ng buntis.

Ang pagbubuntis ay isang maselang bahagi ng buhay ng isang babae, kung kaya’t importanteng malaman ang mga senyales ng pagbubuntis at ano nga ba ang dapat gawin kapag buntis.

Buntis ba kapag may white mens?

Sanhi nang pagbabago sa kaniyang hormones at paghahanda sa panganganak, maraming pagbabago ang mapapansin ng babae sa kaniyang katawan – isa na rito ay ang pagkakaroon ng white mens sa buntis.

Ang vaginal discharge ng buntis ay magkakaiba sa lapot, sa kulay, sa amoy, sa dalas ng discharge, at kahit sa dami ng discharge na nailalabas.

Talaan ng Nilalaman

  • Dapat mong malaman sa white mens ng buntis
  • Discharge kulay senyales ng buntis white mens
  • White mens ng buntis – ano ang normal at hindi?
  • Ihi kulay senyales ng buntis white mens
  • Kailan kailangan kumonsulta sa doktor?

Dapat mong malaman sa white mens ng buntis

white mens sa buntis

Image from Freepik

Ang isa ‘di umano sa senyales ng pagbubuntis ay ang pagdami ng kaniyang vaginal discharge at ito nga ay tumatagal sa kabuuan ng pagbubuntis ng mga kababaihan.

Para naman sa normal na discharge ng buntis, kilala ito sa tawag na leukorrhea. Ang leukorrhea ay malabnaw, milky white, at kadalasang walang amoy. 

1 week delayed senyales ng buntis white mens

Kahit isa o dalawang linggo pa lamang matapos mabuo ang bata sa loob ay magkakaroon na ng pagbabago sa discharge ng buntis.

Tumatagal sa kabuuan ng pagbubuntis ang nasabing vaginal discharge at mas dumarami pa ito lalo sa huling trimester. Maaari namang maglagay ng unscented na panty liner habang mayroon ka nito.

Normal ang pagkakaroon ng white mens senyales ng pagbubuntis. Sa katunayan, nakakatulong ito para maiwasang makarating ang mga impeksyon mula sa vagina papunta sa ating sinapupunan.

Ang discharge ng buntis sa huling linggo ng pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng makapal na mucus at kaunting dugo na tinatawag na “bloody show” pero hindi naman kailangang mabahala dito sapagkat normal lang ito na senyales ng labor.

Nagkakaroon ng pagbabago sa discharge ng buntis tulad ng kulay senyales ng buntis white mens dahil nagbabago rin ang hormones ng babae lalo na kapag nagbubuntis ito. Isa na nga ring pagbabago sa pagbubuntis ay ang cervix.

Sapagkat kapag ito ay medyo lumambot ang katawan nga raw ng nagbubuntis ay naglalabas ng labis na discharge upang maiwasan ang impeksiyon.

Discharge kulay senyales ng buntis white mens

White mens senyales ng pagbubuntis? Ang paglabas ng discharge ng babae ay naglalaman ng mga patay na selula at bakterya, at ang proseso ng discharge ay nakakatulong na panatilihing malinis at malusog ang ari.

Sa dami at hitsura ng discharge ay natural na nagbabago sa buong cycle ng pagreregla. Ang cycle na ito ay may ilang yugto, kahit na ang maraming pagbabagong kinasasangkutan ay kadalasang nagsasapawan o nangyayari nang sabay.

Lumalapot naman ang lining ng matris, bilang tugon sa mga pagbabago sa mga hormone, at ang katawan ay naghahanda sa ibang mga paraan para sa isang potensyal na pagbubuntis.

Sa kalagitnaan ng cycle, ang isang obaryo ay naglalabas ng isang itlog. Sa huli, kung ang tao ay hindi nabuntis, ang lining ng matris ay magsheshed, kasama ang itlog. It ang simula ng menstruation.

White mens ng buntis – ano ang normal at hindi?

white mens sa buntis

Image from Freepik

Inilarawan naman ni Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center ang pagkakaroon ng discharge kulay senyales ng buntis white mens, na kadalasang napapansin sa ikalawang trimester.

“Usually you have this discharge during the second trimester of pregnancy. It is usually whitish mucoid. Parang saliva siya pero minsan whitish. It is not foul-smelling and it doesn’t cause irritation.”

Buntis ba kapag may white mens? Kapag napansin mong nag-iba ang kulay senyales ng buntis white mens, narito ang maaring ibig-sabihin nito:

  • White mens ng buntis na mas malapot at parang may buo-buo

Kapag napansin mo na mas malapot at parang may mga namumuo sa iyong vaginal discharge, at may kasamang pangangati at kaunting sakit kapag umiihi, maaaring senyales ito na mayroon kang yeast infection.

Kadalasang nangyayari ang yeast infection sa mga buntis dahil sa pagbabago sa kanilang hormones.

Bagama’t ang pagkakaroon ng white mens ng buntis sanhi ng yeast infection ay hindi naman delikado para sa nanay, maaari naman itong mapasa sa baby, at maaaring magdulot ng komplikasyon dahil sa mahinang immune system ng sanggol.

  • Green o yellow

Hindi normal ang pagkakaroon ng ganitong kulay ng vaginal discharge sa mga buntis. Maaring senyales ito ng isang sexually transmitted infection (STI), gaya ng chlamydia o trichomoniasis.

Ang ganitong kulay ng vaginal discharge ay maaaring may kasamang pananakit at pamumula ng iyong ari.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis ang mga sexually transmitted infections. Puwede itong makaapekto sa development ng sanggol sa iyong sinapupunan.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast
  • Gray   

Kung ganito naman ang kulay ng iyong vaginal discharge na may kasamang masangsang na amoy at pangangati ng ari, maaring mayroon kang vaginal infection na tinatawag na bacterial vaginosis.

Mahalagang kumonsulta agad sa iyong OB-GYN kapag ganito ang kulay ng iyong vaginal discharge dahil kapag hindi naagapan, maaari itong humantong sa mga komplikasyon sa iyong pagbubuntis, kabilang na ang preterm labor.

  • Brown

Ang kulay brown na vaginal discharge ay maaaring senyales ng pagbubuntis kapag nangyari ito sa mga unang linggo. Subalit kung naranasan mo ng magkaroon ng kulay brown na discharge sa kalagitnaan ng iyong pagbubuntis, ipagbigay-alam agad sa iyong doktor.

  • Pink

Maaaring magkaroon ng kulay pink na vaginal discharge maaga sa iyong pagbubuntis, o kapag malapit ka nang maglabor. Pero kung nararanasan ito sa kalagitnaan ng iyong pagbubuntis, makipag-ugnayan agad sa iyong OB dahil maaari itong senyales ng ectopic pregnancy o miscarriage.

  • Red

Kung pula ang kulay ng iyong vaginal discharge habang nagbubuntis, lalo na kung matindi ang pagdurugo at may kasamang pananakit ng puson, kailangan mo agad tawagan ang iyong doktor.

Sa mga unang linggo ng pagbubuntis, maaaring senyales lang ng implantation bleeding ang kulay pulang discharge, pero ayon kay Dr. Lapitan, mas maigi kung kumonsulta ka sa iyong doktor.

“It would be best to inform your OB-GYN, because she will examine you and get your history if it’s really implantation bleeding and not anything else.” 

Kung hindi implantation bleeding, maaaring mas seryoso ang sanhi ng pagdurugo gaya ng placenta previa o placental abruption, at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Ihi kulay senyales ng buntis white mens

Maraming mga buntis ang makakaranas ng mga pagbabago sa kanilang ihi kulay senyales ng buntis white mens sa buong panahon ng kanilang pagbubuntis. 

Marami rin ang maaaring mapansin na sila ay umiihi nang mas madalas kaysa sa normal kahit na bago sila hindi nasagot sa kanilang unang regla o kumuha ng pagsubok sa pagbubuntis, ayon sa Cleveland Clinic. 

Nangyayari ito dahil ang katawan ay nagsisimulang gumawa ng pregnancy hormone o hCG pagkatapos ng pagtatanim ng embryo sa matris. Ang hormone na ito ay maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi.

Maaari ring magbago ang kulay at amoy ng iyong ihi kapag buntis ka.

Ang iyong ihi ay mukha bang mas dark at mas puro? Ito ay maaaring isang senyales na ikaw ay dehydrated, ayon sa Cleveland Clinic. Ang mga buntis na kababaihan ay kailangang uminom ng mas maraming tubig kaysa sa normal. Samantala, ang kulay ng iyong ihi ay makakatulong sa iyo na matukoy kung nakakakuha ka ng sapat na likido. 

Kailan kailangan kumonsulta sa doktor?

white mens sa buntis

Image from Freepik

Kapag napansin ang mga sintomas na ito habang nagbubuntis, kailangan nang kumonsulta sa iyong doktor:

  • ibang kulay maliban sa puti na vaginal discharge
  • masangsang o fishy odor
  • may pamumula o pangangati, maaari ring may kasamang pamamaga
  • may kasamang cramps o pananakit ng puson

Narito naman ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang pagkakaroon ng yeast infection habang buntis:

  • iwasan ang masisikip na damit, lalo na mga underwear at pang-ibaba
  • magsuot ng cotton na underwear para makahinga ng maayos ang iyong vagina
  • ugaliin ring magpalit ng underwear madalas, o kaya magsuot ng unscented panty liners para maiwasan ang impeksyon
  • siguraduhing tuyo ang iyong vagina matapos maligo, lumangoy, o kahit na matapos mag-ehersisyo
  • iwasan ang mga pagkaing maraming sugar, na maaring pagmulan ng yeast infection
  • kumain din ng yoghurt o kahit anong fermented na pagkain sa iyong diet

Ang abnormal na discharge ng buntis ay maaari ring dulot ng sexually transmitted disease o STD. Kumonsulta agad sa iyong doktor upang mapa-test kung may STD o wala. Kung positive sa STD, siguraduhin sabihin ito sa iyong doktor upang maagapan at hindi maipasa sa iyong sanggol.

Paalala ni Dr. Lapitan, kung mayroon kang napapansing kakaiba o may katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis, huwag mahihiyang kumonsulta sa iyong doktor.

“When in doubt – in everything that you feel and see in your baby, it’s best to see an OB-GYN. Don’t leave it to yourself.

It’s best that they can see you so that you really have a doctor’s advice when in doubt, especially the first time moms.”

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Healthline, Medical News Today, Medical News Today, Everyday Health, CDC

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

Inedit ni:

Margaux Dolores

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Vaginal discharge ng buntis: Normal ba ito?
Share:
  • May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

    May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

  • Leukorrhea: Discharge na lumalabas kapag buntis

    Leukorrhea: Discharge na lumalabas kapag buntis

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

    May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

  • Leukorrhea: Discharge na lumalabas kapag buntis

    Leukorrhea: Discharge na lumalabas kapag buntis

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.