LOOK: Anak ni Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla Jr., magdidiwang na ng 7th birthday

Pasilip sa pre-birthday shoot ng anak ni Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla Jr. na si Ayesha Zara na magce-celebrate ng 7th birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nalalapit nang mag-celebrate ng 7th birthday ang anak ni Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla Jr. na si Ayesha Zara.

Last year nga nung nag-celebrate ng 6th birthday ang anak, binigyan ng surprise birthday party si Ayesha nila Yasmien at Rey sa Clark, Pampanga.

Nagbigay pa ng message si Yasmien sa anak sa kaniyang Instagram account, “Happy 6th Birthday #AyeshaZara 💕 You are such a positive, charming, and cute baby girl💕 I Love You So Much!!! #birthdaygirl #6thbirthday”

Anak ni Yasmien Kurdi, malapit nang mag 7th birthday!

Ngayon ngang nalalapit ng mag-pitong taong gulang ang anak sa ika-22 ng Nobyembre, nagkaroon nga ng pre-birthday shoot si Ayesha kasama ang inang si Yasmien at ama na si Rey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Six years ago nga noong first birthday ni Ayesha ang Nice Print din ang nag-shoot para sa kaniya at ngayon ding magse-seven na siya.

Sadyang napaka-sweet nga ng mga litrato nila Yasmien at Rey kasama ang anak.

May suot-suot na lavender ruffle gown ang anak na si Ayesha na wari’y mala-little princess.

Si Yasmien naman ay naka-one shoulder red gown at ang asawang si Rey naman ay naka-coat and tie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mala-fairytale nga ang feels ng shoot ni Ayesha kasama ang kaniyang inang reyna na si Yasmien at amang hari na si Rey.

Mag-BFF

Itinuturing nga ni Yasmien Kurdi at Ayesha Zara ang isa’t-isa na mag-bestfriends.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya nga sa isa sa kaniyag mga post sa Instagram, “BFF 👯 #ayeshazara 💋😘😍🥰 Mahal kita! 🙈🐵🙉🙊”

Kahit sa busy schedule ni Yasmien, sinisigurado niya na kapag day-off siya nagde-date sila ng anak niyang si Ayesha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lumalabas ang mag-ina—nagbo-bonding  at nagca-catch-up ang dalawa sa mga na-miss nila sa isa’t-isa.

Source: Nice Print Photography

Basahin: How to plan your kid’s 7th birthday party

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement