Busy sina Andi Eigenmann at kanyang fiancé na si Philmar Alipayo sa pagtatayo ng kanilang bagong business sa isla ng Siargao. Narito ang ilang detalye sa pinagkakaabalahan ng couple.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bagong business nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
- Simpleng pamumuhay sa Siargao nina Andi at Philmar
- Why Andi chose island life
Bagong business nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
Binahagi ni Andi Eigenmann ang pinagkakaabalahan nila ngayon ng kanyang mister na si Philmar Alipayo sa Siargao. Sa bagong vlog ni Andi sa kanilang ‘Happy Islanders’ YouTube channel, binahagi ng aktres ang update sa kanilang buhay.
Ayon kay Andi, tutuparin na ni Philmar ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling business na surf school at surf shop. Si Philmar ay isa sa mga kilalang surfer sa Pilipinas na nagwagi na sa ilang competition.
“We are spending the morning here while waiting for papa who’s busy there working because finally he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop.”
Nakipag-partner na rin si Philmar sa Kanaway Surf School para masakatuparan ang kanyang minimithing surf school.
Sambit ni Andi, pagsapit ng Holy Week ay maaari nang mag-book ang mga interested na turista para maturuan ni Philmar at iba pang local surfer sa Siargao.
“It would be, obviously, a great help to the surf instructors here kasi ‘yan ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism.”
Mapapansin sa video na kumokolekta ng mga kahoy at yero si Philmar para gamitin sa kanilang bagong negosyo.
Bukod sa surf school ay magtatayo rin si Andi Eigenmann ng isa pang business na snack bar. Katabi raw ito ng negosyo na itatatag ng kanyang mister.
“So you can have your pre and post-surf snacks or palamig there at our snack bar opening very soon!”
Sa dulo ng video, makikitang halos buo na ang istruktura para sa surfing lesson ni Philmar matapos ang dalawa’t kalahating linggo. Pipinturahan na lang raw ito at malapit na ring magbukas.
“We’re excited to reveal the finished outcome of our shops.”
BASAHIN:
Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: Just be yourself
Simpleng pamumuhay sa Siargao nina Andi at Philmar
Sa pareho ring vlog, makikitang nakikipaghalubilo ang mga anak nina Andi at Philmar sa kanilang mga kapitbahay sa Siargao.
Nilibot din ni Andi ang kanyang mga tsikiting malapit sa dalampasigan, at game na nag-swing sa isang parte ng isla.
Pagdating naman ng tanghali ay nagtungo sa isang karinderya si Philmar para bumili ng kanilang pwedeng kainin. Sa meryenda naman ay natakam sila sa donut at ice cream.
Game din na nakipaglaro si Philmar ng volleyball. Suportado naman siya ni Andi at kanilang mga anak na nanonood sa laro ng kanilang haligi ng tahanan.
Lampas tatlong buwan ding hindi nakauwi sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Ito’y dahil sa nangyaring pagtama ng bagyong Odette sa isla.
Noong Marso ay nakumpirma sa isang Instagram post ni Philmar na sila’y nakabalik na sa Siargao. Kaagad silang nag-bonding sa dagat, habang aminado naman si Andi na siya’y nahirapan habang wala sa isla.
“Been having a tough time assessing how I feel but I realize, nevermind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for.”
Ito ang mensahe ni Andi noong hindi pa nakakauwi sa Siargao dahil sa pinsalang dinulot ng malakas na bagyo sa isla.
Sina Andi at Philmar rin ay isa sa mga nanguna para matulungan ang Siargao na makabangon. Matatandaan na sa isang vlog ni Andi, inanunsyo niya na parte ng kikitain niya sa YouTube ay kanyang ido-donate para sa mga nasalanta ng bagyo.
Why Andi chose island life
Sa dating interview kay Andi Eigenmann sa ‘Rated K’, binahagi niya ang dahilan kung bakit pinili niyang tumira sa Siargao.
Kahit nami-miss niya ang dating buhay bilang aktres ay hindi pa rin niya ipagpapalit ang pamumuhay sa isla, ayon kay Andi.
Isa sa mga reason kung paano siya nakumbinsi na tumira sa isla ay dahil sa kanyang nobyo na si Philmar. Pero paglilinaw ni Andi, dati pa niyang pinangarap na tumira malapit sa karagatan.
Naikuwento rin ni Andi sa naturang interview kung paano niya nakilala si Philmar. Madalas raw siyang magbakasyon sa Siargao, at kasama si Philmar sa grupong nagto-tour sa kanya sa isla.
“I met Philmar because, whenever I visit the island, there is a small community that would tour me around and Philmar was one of them.”
Doon na lumalim ang pag-iibigan nina Andi at Philmar. Sa ngayon ay happy sila kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa Siargao.