Andi Eigenmann, planong magkaroon ng 3 anak sa kanyang boyfriend na si Philmar

Soon to be mom na ulit si Mommy Andi! Ibinahagi rin niya ang kanyang pregnancy journey sa 3rd child nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang inanunsyo ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaniyang pagbubuntis sa 3rd baby nito. Ibinahagi rin niyang plano nilang magkaroon ng tatlong anak sa boyfriend na si Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann children | Image from Andi Eigenmann on Instagram

Andi Eigenmann is now pregnant with baby #3!

Sa pinakalatest na vlog ng celebrity mom na si Andi Eigenmann, masaya nitong inanunsyo na siya ngayon ay pregnant at expecting ang third baby sa susunod na taon!

Nagbigay rin ito ng mensahe para sa kaniyang boyfriend at sikat na surfer na si Philmar Alipayo.

“I hope you are also happy to have us in your life. To have me. I hope you’ll always be happy. And that you’ll always keep insipiring everyone to work hard everyday to achieve their dreams.”

Kaarawan kasi nito ngunit bigo nilang i-celebrate ang birthday ni Daddy Philmar dahil sila ay kasalukuyang nasa Manila. Ang vlog na ito ay nagsilbing regalo nila para kay Daddy Philmar.

Andi Eigenmann children | Image from Philmar Alipayo on Instagram

Ayon kay Mommy Andi, una niyang nalaman na siya ay buntis noong May. Hindi na siya sobrang nagulat dahil expected na nya ito. Dati pa man ay nasabi na niya sa kanyang boyfriend na si Philmar na nais niyang magkaroon ng tatlong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Before we had Lilo, Philmar and I really wanted to have two to three kids."

"After having her, I knew I was gonna have another one. Because of the pandemic, and because of everything that’s happening around us, it’s been scary."

Siya ngayon ay may dalawang anak na sina Ellie at bunsong si Lilo.

Samantala, blooming na humarap at nagpakita ng mama pose si Mommy Andi sa Metro Style. Kasama nito ang kaniyang dalawang chikiting. Dito siya nagbahagi ng kanyang mga karanasan sa pagbubuntis lalo na sa kanyang pangatlong anak.

"I don't believe in showering my kids with so many toys."

Ibininahagi ni Mommy Andi kung bakit hindi niya binibigyan ng maraming laruan o luho ang kanyang mga anak. Simula kasi ng tumira sila sa Siargao, nasanay na sila sa 'minimal life' kasama ang kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Mommy Andi, dahil lumalaki na si baby Lilo, hindi na ito parating natutulog katulad noon. Kaya naman ipinahiram nito ang mga lumang laruan ni Ellie kay baby Lilo.

Pero ang nakakagulat ay hindi ito nilalaro ni baby Lilo. Sanay kasi ito na ang laruan ay mga lumang buko at mga maninipis na kahoy.

"Lilo has been used to playing with whatever nature supplies us with- an old buko or a bunch of twigs! lol being on quarantine and unable to go out shopping, it made it clearer how even less our children really need to be happy."

Andi Eigenmann children | Image from Andi Eigenmann on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod rito, proud na proud din si Mommy Andi sa kanyang panganay na si Ellie dahil nagkukusa itong i-donate ang mga lumang laruan niya.

"I don't believe in showering my kids with so many toys (specially at this age). Although I wasn’t always this type of parent. But when I switched to a more minimal life. Ellie also decided to donate her toys to those in need. And I just love what kind of person it has helped her become."

Dito na-realized ni Mommy Andi na hindi kailangan ng madaming laruan ng kanyang anak para lang maging masaya. Ibinahagi rin niya na nakakatulong ito para sa kanyang mga kids na pahalagahan ang mga bagay na mayroon na sila.

Dahil sa quarantine, isang bagay ang naturo nito sa kanyang pamilya. Ang maging simple at hindi maghangad ng sobra-sobra.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. At ipinanganak din ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kanyang parter na si Philmar na sikat at professional surfer.

 

BASAHIN:

Andi Eigenmann, gulay at hindi bouquet ang natanggap mula sa boyfriend na si Philmar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano