Andi Eigenmann ito ang reaksyon sa viral video ng fiancé na si Philmar Alipayo na may kasamang ibang babae.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Viral video ni Phimar Alipayo na may kasamang ibang babae.
- Reaksyon ni Andi Eigenmann sa viral video ni Philmar.
Viral video ni Phimar Alipayo na may kasamang ibang babae
Viral ngayon sa TikTok ang video ng professional surfer na si Philmar Alipayo kausap ang isang babae. Sa video makikitang titig na titig si Philmar sa babae habang sila ay nag-uusap at mukhang lasing. Si Philmar nakahubad ng kaniyang t-shirt na pang-itaas na tila very comfortable sa kaniyang kausap. Sa dulo ng video ay makikita pa nga ito tila pabirong sinipa ang babae habang hinahawakan ito sa kaniyang bewang.
Ang viral video may background music na “Weak” at ang caption ng nagpost ay ito.
“For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!!! 😭”
Ang mga netizens agad na nag-react sa viral video. Lalo pa’t nitong nakaraan ay naagaw rin ang kanilang pansin ang hindi pagsama ni Philmar sa bakasyon ni Andi at mga anak sa Japan. Kaya naman, komento ng mga netizens mukhang may problema sa kanilang relasyon sina Andi at Philmar.
Dagdag pa dito ang pag-anunsyo rin ni Andi na hindi muna matutuloy ang kasal nila ngayong taon. Pero paliwanag ng celebrity mom, ito ay dahil naman sa naging biglaang pagkamatay ng kaniyang inang si Jaclyn Jose na hanggang ngayon ay kaniyang pinagluluksa.
Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
Reaksyon ni Andi Eigenmann sa viral video ni Philmar
Samantala, kaugnay sa viral video ay nagbigay si Andi ng kaniyang reaksyon sa sa Instagram. Dito ay pinabulaanan niya ang sinasabi ng mga netizens tungkol sa long-time partner at fiancé na si Philmar. Ayon kay Andi, walang masama sa paglabas ni Philmar at pag-inom kasama ang kaniyang mga kaibigan.
“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.”
Ito ang sabi ni Andi.
Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
Kung may mali daw sa viral video, ito ay ang pagpopost ng video na may kasamang malisya para lang mapansin sa social media.
“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity; just for some social media attention.”
Ito ang sabi pa ni Andi.
Ayon sa mga reports ay humingi naman daw na ng paumanhin ang nagpost ng video. Bagamat ang naturang video ay mapapanood parin sa TikTok.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!