X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Andi Eigenmann nalulungkot na iiwan ang anak na si Lilo upang mag-trabaho

4 min read
Andi Eigenmann nalulungkot na iiwan ang anak na si Lilo upang mag-trabaho

Kailangan bumalik sa trabaho ngunit nalulungkot na iwan si baby? Narito ang ilang tips na dapat mong gawin para harapin at malagpasan ito.

Andi Eigenmann second child na si Lilo pansamantala niyang iiwan para bumalik sa pag-aartista. Aktres umaming nalulungkot at nakakaramdam ng separation anxiety.

Andi Eigenmann Second Child

Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram account

Andi Eigenmann second child na si Lilo

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mahirap na sitwasyong kinahaharap ng mga nagtratrabahong ina.

Si Andi inaming masakit para sa kaniyang iwan si Lilo para bumalik sa limelight at magtrabaho.

“And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie. While I am stoked to be back in front of the camera, and to get another chance to bond with Ellie where it’s just her and me, it hurts to leave papa and my little one.”

Ito ang pahayag ni Andi sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on Jan 13, 2020 at 10:38pm PST

Andi feels separation anxiety

Dagdag pa niya, bagamat, isang buwan lang siyang malalayo sa kaniyang 6 months old na si Lilo, para sa kaniya ay napakatagal na nito.

“It will only be for a month, but that’s way too long for me to be away from my children. I know it will feel like forever. Specially because there’s a chance I’d miss out on some milestones.”

Pero laking pasalamat ni Andi na nariyan ang kaniyang boyfriend na si Philmar Alipayo upang alagaan ang kanilang anak na si Lilo. Pati na ang mga magulang nito at iba pang kamag-anak na siguradong hindi ito pababayaan. Kaya naman ipagpapatuloy ni Andi ang kaniyang karera na para rin naman umano sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“But I’m so grateful to have papa @chepoxz to count on, and Lilo’s lolo, lola and tita ninang @angie_alipayo to help him out too. I am gonna miss my little one soooo much!!! But I will be doing this for all of us! And after this will be so rewarding that we will all be complete again on the island hopefully in our new home sweet home!🏡🌸”

Ito ang pagtatapos ni Andi sa kaniyang Instagram post.

Andi Eigenmann Second Child

Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram account

Tips kung paano haharapin ang separation anxiety ng mga bagong panganak na Mommy

Ang separation anxiety na pinaghalong pag-aalala at kalungkutang nadarama ng isang ina kapag nawalay sa kaniyang bagong silang na anak ay normal lang na pakiramdam. Ngunit, kailangang matutunang harapin ito lalo na ng mga inang kailangang bumalik sa pagtratrabaho. Para unti-unting malagpasan ang separation anxiety na nararamdaman ay narito ang ilang tips na maaring gawin ng isang babaeng nakakaranas nito.

Humingi ng tulong o makipag-usap sa ibang ina na napagdaanan o pinagdadaanan ang pareho mong sitwasyon.

Kailangan mong harapin ang iyong nadarama at isiping ito ay normal lang. Dahil tulad mo ay nararanasan rin ito ng iba pang mga ina na kailangang bumalik sa trabaho. Kaya naman makakatulong na makipag-usap sa kanila. Ito ay upang malaman mo ang kanilang ginagawa para harapin ito. At para narin makapagpalitan kayo ng ideya sa kung paano ninyo ito malalampasan.

Bumuo ng routine kasama si baby bago ka tuluyang bumalik sa pagtratrabaho.

Bago ka pa man bumalik sa pagtratrabaho ay mabuting bumuo ka na ng routine ninyong magkasama. Tulad nalang ng oras niya ng pagtulog na kasama ka na maaring bago ka pumasok o pag-uwi mo ng bahay galing sa trabaho. Sa ganitong paraan ay may oras pa kayong mag-bonding at siya parin ay maalagaan mo.

Andi Eigenmann Second Child

Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram account

Pagsisiguro na may mapagkakatiwalaan kang mag-aalaga sa iyong baby habang ikaw ay wala sa tabi niya.

Para hindi lubusang mag-alala sa pagkawalay sa iyong anak ay mabuting siguraduhin mong may mag-aalaga sa kaniya ng maayos habang ikaw ay wala. Ito ay maaring isang malapit na kamag-anak o mapagkakatiwalaang kasambahay na mabibigay ang pag-aalagang kailangan niya. Siguraduhin din madali mo siyang matatawagan upang kamustahin ang iyong baby.

Makakatulong din ang pagdadala ng litrato ng iyong anak sa iyong trabaho. O ang paglalagay nito sa isang bagay o lugar na lagi mo siyang makikita at hindi mamimiss.

Sa tulong ng mga tips na ito ay unti-unti mong malalampasan ang separation anxiety. At unti-unti kang makakabalik sa pagtratrabaho para sa kinabukasan ng iyong pamilya at ni baby.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source: Family Education

Basahin: Going back to work after your baby: How to deal with separation anxiety

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Andi Eigenmann nalulungkot na iiwan ang anak na si Lilo upang mag-trabaho
Share:
  • Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

    Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

  • 5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

    5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

  • Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

    Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

    Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

  • 5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

    5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

  • Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

    Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.