Andi Eigenmann sa teenager na ngayong anak na si Ellie: “I am sooo freakin' lucky to be your Mother! I feel super cool!?”
Paano nga ba magpalaki ng isang responsible teenager? Narito ang ilang tips.
Andi Eigenmann may sweet na mensahe sa ngayon ay teen daughter niya ng si Ellie. Ayon sa celebrity mom, maswerte siya na magkaroon ng anak na tulad ni Ellie.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andi Eigenmann message to teen daughter Ellie.
- Paano magpalaki ng isang teenager?
Andi Eigenmann message to teen daughter Ellie
Ganap na isang teenager na ang panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Nitong November 23 ay nagdiwang ito ng kaniyang 13th birthday. Makikita na sa kaniyang birthday celebration ay kumpleto ang kaniyang pamilya. Muli ring nagkasama ang mga magulang niyang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito para ipagdiwang ang kaarawan niya. Present rin sa birthday celebration niya ang mga kapatid na sina Lilo at Koa.
Sa Instagram ay hindi pinalampas ni Andi ang pagkakataon na batiin ang anak. Nagbigay rin siya ng sweet na mensahe kay Ellie na tinawag niyang unbothered teen. Dahil dito si Andi feeling cool and blessed na maging ina ni Ellie.
View this post on Instagram
“Happy 13th Birthday to my darling Elle!
To be able to raise you, know you, and to see you grow into this easy going, supa cool, very beautiful, smart and ~unbothered~ TEEN, is such a blessing & a privilege, and I am sooo freakin’ lucky to be your Mother! I feel super cool!🤪”
Ito ang bahagi ng post ni Andi para sa 13th birthday ng anak niyang si Ellie.
Paano ba nga magpalaki ng isang teenager na anak?
Ang pagpapalaki ng teenager ay parehong challenging at rewarding. Dahil ito sa dumadaan sila sa maraming pagbabago—pisikal, emosyonal, at ang paghahangad ng pagiging independent. Narito ang ilang mga tips na makakatulong kung paano maayos paring palakihin ang iyong teenager na anak.
- Magkaroon ng open communication at makinig ng mabuti sa iyong anak. Iparamdam sa kanila na naiintindihan mo sila nang walang paghusga o agad na nagbibigay ng solusyon.
- Bigyan rin sila ng safe space.Hikayatin silang magbahagi ng kanilang saloobin at damdamin sa paraang komportable at walang takot.
- Maglagay ng maayos na rules o alituntunin sa iyong anak.
- Maging malinaw tungkol sa kung ano ang inaasahan at ang maging punishment ng iyong anak kung nilabag niya ito. Dapat ay maging consistent, fair at makatarungan sa pagpapatupad ng mga alituntunin na ginawa mo.
- Igalang ang kanilang pagtatangkang maging independent. Bigyan sila ng pagpipilian: Hayaan silang gumawa ng desisyon upang ma-praktis ang kanilang responsibilidad. At iparamdam na naniniwala ka sa kakayahan nilang gampanan ang mga tungkulin.
- Maging mabuting halimbawa o maging role model sa iyong anak. Ipakita ang respeto, kabaitan, at magagandang gawi. At syempre maging magpakumbaba sa pag-amin ng sariling pagkakamali.