Kamakailan, nag-post si Jake Ejercito ng madamdaming mensahe para sa kaniyang anak na si Ellie sa pagdiriwang ng ika-13 kaarawan nito. Ayon kay Jake, hindi niya maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon—tuwa, takot, at pananabik—habang pinapanood ang paglaki ng kaniyang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jake Ejercito sa pagiging teenager ni Ellie: “I also can’t wait to witness you grow”
- Paano ipakita ang suporta sa nagbibinata o nagdadalagang anak
Jake Ejercito sa pagiging teenager ni Ellie: “I also can’t wait to witness you grow”
Larawan mula sa Instagram ni Jake Ejercito
Isang sweet at heartwarming message ang ibinahagi ni Jake Ejercito sa Instagram kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang anak na si Ellie ng ika-13 kaarawan nito.
Aniya, “I’ll probably never stop wishing I could keep my baby girl as my baby girl forever, but truth is, I also can’t wait to witness you grow— wiser, kinder, bolder, and even more beautiful.”
Para sa mga magulang, ang pagharap sa ganitong pagbabago ay isang mahalagang bahagi ng pagiging magulang. Habang lumalaki ang anak, nagiging mas independent sila, at kasabay nito ang pagbabagong emosyonal at mental na kailangan nilang harapin.
Dagdag pa ni Jake Ejercito, “The next couple of years could be the best and most exciting of your life, but you’ll also discover new pains and the tough realities of this world… As always, just right here next to you through it all”
Larawan mula sa Instagram ni Jake Ejercito
Pagharap sa pagbabago: Paano ipakita ang suporta sa nagbibinata o nagdadalagang anak
- Makinig at maglaan ng oras. Huwag balewalain ang mga kwento o hinaing ng iyong anak. Ang simpleng pag-upo at pakikinig sa kanila ay isang mahalagang paraan upang maipadama na nandiyan ka para sa kanila.
- Magbigay ng gabay, hindi utos. Sa halip na magdikta, subukang magbigay ng payo na nagbibigay kalayaan sa kanilang magdesisyon. Ito’y nakakatulong sa pagbuo ng kanilang tiwala sa sarili.
- Igalang ang kanilang pagkatao. Habang lumalaki sila, unti-unti nilang natutuklasan ang kanilang mga hilig at personalidad. Suportahan ang kanilang mga pangarap kahit minsan ay naiiba ito sa inaasahan mo.
- Ipahayag ang pagmamahal. Sa mga simpleng salita o kilos, ipakita ang pagmamahal at pag-unawa. Ang mga teenager ay maaaring magmukhang matigas, pero mahalaga pa rin sa kanila ang pakiramdam ng pagiging tanggap at minamahal.
Larawan mula sa Instagram ni Jake Ejercito
Tulad ni Jake, ang pagbibigay ng suporta sa anak habang lumalaki ay mahalaga. Hindi madali ang proseso, pero ito ang nagiging pundasyon ng isang malalim at matatag na relasyon ng magulang at anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!