X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann

5 min read
Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann

Netizens may sari-saring reaksyon sa trending post na ito ni Jake Ejercito.

Jake Ejercito may pa-throwback photo ni Andi na ikinumpara sa present larawan ngayon ng daughter nila na si Ellie. Netizens hindi napigilang kiligin at hangaan si Jake sa ginawa niyang ito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jake pinakilig ang netizens sa na-upload niyang larawan nila ni Andi at Ellie na magkapareho ang pose
  • Paano pinalalaki ni Jake Ejercito ang daughter niyang si Ellie

Jake pinakilig ang mga netizens sa na-upload niyang larawan nila ni Andi at Ellie na magkapareho ang pose

jake ejercito daughter

Larawan mula sa Facebook account ni Jake Ejercito

Trending ngayon sa Twitter ang post ng aktor na si Jake Ejercito kung saan makikita ang larawan ng daughter niyang Ellie at ex na si Andi Eigenmann na magka-pareho ang pose. Ang larawan ni Andi ay kuha noong 2013 noong nagde-date pa sila ni Jake.

Habang ang kay Ellie naman ay tila bago lang. Ang caption ni Jake sa post niyang ito ay nagpapahiwatig kung gaano kabilis ang takbo ng panahon at ang anak niya ng si Ellie ang kasama niya ngayon.

“Does it ever drive you crazy, just how fast the night changes.”

Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann

Larawan mula sa Twitter account ni Jake Ejercito

Ang mga netizens, may sari-saring reaksyon sa post na ito ni Jake. May ibang kinilig, habang ang iba naman ay mas hinangaan ang single dad sa ginagawa nitong pagpapalaki sa anak at sa relasyon nila ni Andi kahit sila ay magkahiwalay na.

“TOTGA yata ni Jake. kaso in such circumstances fate lead where they both today. Because Ellie is the fruit of their love. and they both happy na pareho.”

 “Wish you’ll find a good partner in life who will make you the happiest because you deserve to be loved. @unoemilio.”

“Awwe. Cute, dalaga na si Ellie. Sana makahanap ka din ng special someone na mamahalin si Ellie ng buong buo. God bless.”

“Siguro mananatili ung love and respect nya for andi dahil nanay yun ng anak nya. Pero mag move on na tayo, respect nadin kay Philmar hehe.”

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

BASAHIN:

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!’”

Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: “Grabe ‘yong takot niya.”

LOOK: Nakakakilig na mga prenup photos nina Jason Abalos at Vickie Rushton!

Paano pinalalaki ni Jake Ejercito ang daughter niyang si Ellie

Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann

Larawan mula sa Facebook account ni Jake Ejercito

Samantala, sa mga nakaraang interview ni Jake ay ibinahagi niya kung paano nabago ng anak na si Ellie ang buhay niya. Mula nga daw sa pagiging mabarkada at mahilig sa mga night outs ay naging responsableng ama na si Jake sa anak na si Ellie. Ito daw ay payong nakuha niya mismo sa amang si dating Presidente Joseph Estrada.

“May anak ka na, kailangan mo ng tumino. Hindi lang sarili mo ang kailangan mong isipin. So ‘yong dumating si Ellie, talagang one hundred eighty degrees. I had to man up and take responsibility.”

Ito rin umano ang dahilan kung bakit as much as possible ay sinusulit niya ang oras niya kasama si Ellie. At ginagawa niya ang lahat para maiparamdam dito ang pagmamahal at presensya niya bilang ama kahit may kaniya-kaniyang buhay na sila ng ina nitong si Andi Eigenmann.

“I am just trying to be the best father that I could be for my daughter.”

Marami ang humahanga sa set-up na ginagawa ni Andi at Jake sa pagpapalaki sa anak nilang si Ellie. Pero pagbabahagi ni Jake, mukhang mang easy kung titingnan, marami daw muna silang pinagdaanan ni Andi bago magkasundo para sa ikakabuti ng anak nilang si Ellie.

“Hindi siya madali and marami kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to that we find the right balance.”

“Marami kaming ups and downs parang roller coaster. Kasi when we became parents 21 lang kami pareho. And then syempre ‘yong pride, immaturity. It took a while, years bago kami dumating sa point na ito na inuuna na namin yung welfare ni Ellie.”

Ito ang sabi pa ni Jake.

Jake Ejercito at Andi Eigenmann co-parenting set-up

Larawan mula sa Instagram account ni Jake Ejercito

Dagdag niya pa, para sa anak na si Ellie, walang mahirap at hindi niya gagawin. Dahil sa ngayon hindi nalang sarili niya ang iniisip niya. Mula ng dumating si Ellie ay niyakap niya na ang bagong responsibilidad na ito ay arugain at alagaan.

Kung isasalarawan nga daw ang pagiging magulang, ito daw ay fulfilling. Lalo na sa tuwing nakikita niyang lumalaki ng isang mabuting bata si Ellie sa kabila ng hindi normal na set-up ng kanilang pamilya.

“I guess yung different joy na nararamdaman ng magulang is habang lumalaki yung anak, nakikita mo yung progress e. And alam mong part ka noon, na it’s because of you. Kaya yung person that your child is becoming is somehow because of you. Fulfilling siya. Very fulfilling.”

Ito ang sabi pa ni Jake sa pagiging ama sa anak niyang si Ellie na sampung taong gulang na ngayon.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.