Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga sa tatlong children niyang sina Ellie, Lilo at Koa. Binahagi rin ni Andi ang
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Andi Eigenmann on taking care of her 3 children.
- Paano isinasalarawan ni Andi ang mga anak niyang sina Ellie, Lilo at Koa.
Andi Eigenmann on taking care of her 3 children
Sa pinakabagong Instagram post ng aktres na si Andi Eigenmann ay inamin ng mom of three na minsan ay naloloka rin siya sa pag-aalaga ng kaniyang mga anak. Pero hindi daw siya nagsisi dahil ito ang ginusto niya. At mahal niya ang mga anak sa kung sino at ano sila.
Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
“On days that I feel like I am going crazy with all these kids, I just tell myself, “ginusto mo yan!”
“But kidding aside, yes, I did ask for this! I wanted this. Just as that saying goes:
I hope for the wild children with their bare feet and eyes that sparkle. The restless climbers. The ones that use outside voices, that sing like no one is around. These wonder- filled glorious mess makers dreaming of mountains and mud, aching through a field of stars. My little wildlings! Love them just as they are.”
Ito ang caption ng IG post ni Andi na kung saan makikitang magkasamang naglalaro sa tubig at buhangin ang tatlo niyang anak na sina Ellie, Lilo at Koa.
Ang mga mommy netizens, naka-relate sa post na ito ni Andi. Sabi nila, tulad ni Andi ay naloloka rin sila sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Pero ang makita silang lumalaking maayos at malusog lahat daw ng hirap at sakripisyo ay worth it. Pinaabot rin nila kay Andi kung paano sila naiinspire ng aktres sa mga post nito tungkol sa kaniyang mga anak at pamilya.
“Our children are priceless. I have four, so I can super relate. I had those moments too. Continue creating beautiful memories with them while they’re young. You are a great Mom Andie, you’re doing just fine.”
“Be inspired all the time. I know that feeling so well when you feel tired but keep on going. You are Blessed and you are a Blessing to people around you. I’m a big fan.”
Ito ang ilan sa nasabi ng mga netizen sa post na ito ni Andi tungkol sa kaniyang mga anak.
BASAHIN:
LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!
Andi Eigenmann grateful to Philmar Alipayo: “Wouldn’t be here without you, mahal!”
Zeinab Harake inaming hiwalay na sila ni Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”
Paano isinasalarawan ni Andi ang mga anak niyang sina Ellie, Lilo at Koa
Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
Samantala, sa kaniyang mga nakalipas na IG post ay isa-isang isinalarawan ni Andi ang mga anak niyang sina Ellie, Koa at Lilo. At kung paano ang bawat character ng mga ito ay na-inspire at ginawa siyang mas mabuting version ng kaniyang sarili.
Para sa panganay niyang si Ellie, isinalarawan ito ni Andi bilang kaniyang ‘little light’ na nakasama niyang matunton ang paraisong tinitirhan nila ngayon sa Siargao.
“It has been an amazing journey so far with this little light of mine. It was her tiny little hands that held mine and led us both here, where we found life on paradise.”
Ito ang sabi ni Andi tungkol sa anak niyang si Ellie.
Para sa pangalawa niyang anak na si Lilo na kapansin-pansing laging fun at jolly sa mga post ni Andi ay hindi niya daw pinipigilan ito sa mga bagay o experience na gusto niyang subukan. Dahil sa ganitong paraan, alam niyang ito ay mas may matutunan.
“A child’s mind isn’t built to sit and be taught. It’s built to explore, play and learn.”
“I love witnessing my children learn, and getting to learn more about what’s in their soul through imaginative play! Here is Lilo on top of a fallen tree trunk taking me on a spontaneous adventure. “Ahoy, Mateys!”, she shouts.”
Ito ang caption ng post ni Andi sa larawan kung saan si Lilo ay makikitang naglalaro sa tabing dagat at may hawak na binoculars.
Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
Sa bunso niya namang anak na si Koa at kaniyang only son ay mas ispesyal ang pagtingin dito ni Andi. Dahil hanggang sa ngayon ay inoobserbahan pa rin daw niya ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa mga ate niyang sina Ellie at Lilo.
Pero isa lang daw ang sigurado, nai-enjoy niya ang sweetness nito sa kaniya. At unti-unti niyang napapansin ang mga developments nito bagamat hanggang ngayon ay tuloy parin daw ang bonding nilang mag-ina sa pamamagitan ng pagbe-breastfeed dito.
“I thought nothing would compare to being a girl mom but having a boy for my youngest is just the cherry on top for me. His sweetness is just on another level! And now at 15 mos I feel like another little birdy is slowly making his way to explore the big world without mama so much by his side.”
“Babyhood flew by way too quickly for this one. Thankful for this strong and special bond of still being able to nurse him at this point.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!