Andi Eigenmann at Philmar Alipayo binuksan na ang kanilang bagong business, isang snack bar at surfing school sa Siargao.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Andi Eigenmann at Philmar Alipayo busy sa kanilang bagong business
- Paano pinalalaki ni Andi at Philmar ang mga anak nila.
Andi Eigenmann at Philmar Alipayo busy sa kanilang bagong business
Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram account
Sa kaniyang Instagram account ay pormal ng inanunsyo ni Andi Eigenmann ang pagbubukas ng bagong negosyo nila ni Philmar Alipayo sa Siargao. Ito ay ang snack bar at surfing school na ayon kay Andi ay first business venture nilang dalawa.
Si Andi umano ang nagpapatakbo sa snack bar. Habang si Philmar naman ang in-charge sa surfing school kung saan siya ay nagtuturo rin.
Maliban sa pagtuturo ng surfing, mayroon rin silang surf shop na kung saan may mga itinitindang silang mga surfing outfits at iba pang surfing needs.
Ayon kay Andi, napaka-meaningful ng pagbubukas nila sa kanilang naturang negosyo. Dahil maliban sa pinapatakbo nila itong magkasama, ay katuparan daw ito ng isa sa mga pangarap nila ni Philmar.
“Both our first business venture, although separate, we’re doin it together!”
“Symbolic of how far we’ve come, from constant conversations about our dreams, helping each other and taking steps to achieve them. This is one of them materialized.”
Sabi pa ni Andi, hindi man daw tulad ng ibang magkarelasyon ang naging simula ng pagsasama nila ni Philmar ay masaya siya na ito ang kinahinatnan nila. At ito ay dahil narin sa mga anak nila na naging inspirasyon nila para maabot ang kanilang pinapangarap.
“Our relationship didn’t go in the same order as most others’, but hey there is no rule book on this, right?? Our children, whom we owe all this to, are the very reason why we made it this far.”
Pag-amin ni Andi, hindi rin naman daw naging madali ang pinagdaanan nila. Pero nagpapasalamat siya na ngayon ay naisakaturapan na nila ni Philmar ang pangarap nila ng magkasama.
“This life was and is never just always bathed in sunshine, but I am grateful things happened the way they all did because I wouldn’t have it any other way. I am more than happy to be sharing this with them all.”
Base sa Instagram post ni Andi ang bago nilang negosyo ni Philmay ay pinangalanan nilang Kanaway Surf School, Shop at Snack Bar.
Ang kanaway sa salitang Ingles ay nangangahulugang seagull o ibong dagat.
Image from Kanaway Surf School’s Instagram account
Ang kanilang surf school ay ginawa upang makapagturo ng surfing sa mga locals o turistang interesadong matutunan ang sport. Ito ay binubuo ng mga ISA/SISA certified surfing instructors kung saan nabibilang si Philmar. Para sa mga beginners ang surfing lesson nila ay nagsisimula sa P600 rate kada oras.
Sa kanila namang snack bar na pinapatakbo ni Andi ay may available na mga iba’t-ibang cool beverages para sa mga bumibisita sa isla o estudyante na nagte-take ng lessons sa surfing school nila.
Sa isa sa mga naunang post ni Andi tungkol sa binuksang bagong negosyo ay sinabi niyang hindi niya magagawa ito kung hindi sa tulong ng kaniyang fiancé na si Philmar. Pati narin sa pagiging focus nila na abutin ang goal nila sa buhay na magkasama.
“Grateful for all. The ups and even the downs. In bliss to be at this point where we are beginning to live our dream and more. By keeping our focus on the goal, while we enjoy the journey, timing of course, and each other. Wouldn’t be here without you mahal, @chepoxz!”
BASAHIN:
LOOK: Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa, sinubukan ang surfing!
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata
Paano pinalalaki ni Andi at Philmar ang mga anak nila
Image from Kanaway Surf School’s Instagram account
Samantala, bilang parehong love na love ni Andi at Philmar ang surfing ay sa batang edad palang ng kanilang mga anak na sina Lilo at Koa ay tinuturuan na nila ang mga ito.
Para kay Andi, sa pagtuturo ng bagong skill sa mga bata ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng freedom. Tulad nalang ng ginagawa nila ni Philmar sa mga anak na sina Koa at Lilo.
View this post on Instagram
“I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simply by letting them have a go at it! Trust them as they explore their capabilities and support them as they push themselves to try. Lilo has been leveling up on her swimming skills by the day. And I see that its having playmates around and being able to do fun activities in the water that motivate her to do so. Like surfing!
It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. That’s what makes life more enjoyable after all. But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature.”
Ito ang pahayag ni Andi tungkol sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak ni Philmar.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!