Narito ang mga tips mula kay Andi Eigenmann kung paano mapapalaking hindi materialistic ang iyong anak.
5 Andi Eigenmann tips on how to raise non-materialistic kids
Sa kaniyang pinaka-latest na vlog ay ibinahagi ni Andi Eigenmann kung gaano kaimportante sa kaniya ang pamumuhay ng simple. Isang bagay na gusto niya ring maituro sa kaniyang mga anak na kaniyang ginagawa, una sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila na hindi maging materialistic.
“Living simply is very important to me it is basically what changed my life and made it better. An aspect of that I really give importance to is being able to raise my kids to not be materialistic.”
Ito ang pahayag ni Andi sa kaniyang vlog. Pero ayon pa rin sa kaniya, ang pagtuturo sa kanila ng hindi pagiging realistic ay hindi lang basta pagsasabi na hindi dapat sila mahilig sa mga mamahaling gamit o bagay. Dapat ay matuto rin silang maging grateful o thankful sa kung anong mayroon sila. Upang mai-share ito sa iba pati na ang happiness na kanilang nadarama.
“Teaching them to not be materialistic isn’t also equivalent to hating on all of these luxuries or all of these material items. It is just raising them to learn to be grateful and appreciative and to find happiness in experiences, in other people, and in themselves. And not have to rely on materials things to get motivation, to be happy.”
Kaya naman sa pamamagitan parin ng kaniyang vlog ay ibinahagi ni Andi ang 5 tips kung paano mapapalaking hindi materialistic ang iyong anak. Ang mga tips niyang ito ay ang sumusunod:
1. Maging magandang halimbawa sa iyong anak.
Ayon kay Andi, para epektibo mong maituro sa iyong anak ang isang bagay na nais mong matutunan niya ay dapat ipakita mo ito sa kaniya. O maging mabuting halimbawa na kaniyang magagaya.
Andi Eigenmann with kids./Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram account
“Number 1 for me and most important is of course to lead by example. I always write about it in my Instagram posts. I always write about wanting and striving to be the best person that I can be, so that I can influence my children to be the same so that I can be a good role model.”
Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbili lang ng mga bagay na mahalaga at kailangan niya. Pagtuturo sa kaniyang mga anak na may mas mahalaga kaysa sa mga materyal na bagay. Ito ay ang pagiging masaya, pagkakaroon ng maayos na relasyon sa iba at paggawa ng mga memories na mai-tretreasure mo habang buhay.
“In the past, I feel like, you know, I relied on material things. Retail therapy all the time to make myself feel better or as a way to reward myself when I have had a busy workweek. And then I realized this isn’t true. This is not working. In my opinion, money does not buy happiness. I just learn to keep or strive to have the things that I feel I really need. As my kids grow up, they see that in me.”
“Philmar is also a big aspect of this. He was the person that made me realized how much more important it was to live the moment and build meaningful relationships. And spending your money creating all these memories rather than things you probably won’t remember.”
2. Imbis na laruan ay i-reward sila ng magagandang karanasan.
Ayon kay Andi, para sa ating mga anak mas mahalaga o mas mai-enjoy nila na mag-spend ng quality time na tayo ay kasama. Kaya naman sa oras na birthday niya o mataas ang grades ng iyong anak sa school, imbis na bilhan siya ng nire-request niyang laruan ay mabuting lumabas kayo at gumawa ng mga bagay na mai-enjoy niya. Dahil hindi natin mapapansin sa pagdaan ng panahon ay lalaki na ang ating mga anak. Sa kanilang paglaki ay mas pipiliin nilang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanila ng mag-isa o kaya kasama ang mga kaibigan nila. Kaya habang maaga pa ay dapat sulitin natin ang bawat oras o minuto na makasama sila.
“Spending as much time with your kids as you can. I really value time with my children. I know when they grow older, they are going to prefer being with their friends or doing their own thing.”
3. Huwag agad ibibigay ang request o gusto ng iyong anak.
Para daw maturuan si Ellie na pahalagahan ang mga gamit o bagay na mayroon siya ay hindi niya agad ibinibigay ang hinihiling nito. Sa halip ay hinahayaan niya itong mag-ipon para rito. Sa pamamagitan nito’y natutunan niya kung paano niya makukuha ang mga gusto niya ng mag-isa. Mas pag-iingatan ang mga ito dahil sa ito ay pinaghirapan niya.
“I would like to teach her the value of what these things she’s asking for are and for her to learn to work for these things. Maybe save money so that when she finally gets them, she’ll be able to appreciate it more.”
4. Turuan sila ng acts of kindness tulad ng pagiging generous o pagtulong sa iba.
Ayon kay Andie, itinuro niya ito kay Ellie sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lumang laruan niya sa ibang bata. Nang makita nga raw ni Ellie kung paano siya nagpasaya ng iba dahil sa kaniyang ginawa ay ginusto niya itong maulit pa. Sa katunayan, minsan ay ito pa nga umano ang nagpapaalala sa kaniyang ina na si Andi na dapat na nila itong muling gawin.
“When she saw how happy the person who got it, it became her thing na. So, when she sees me decluttering, wala pa akong sinasabi, she’s like, ‘Mom, me also. I have stuff to give away.’”
“Ngayon, siya pa iyong nagpapaalala sa akin na, ‘When are we going to prepare boxes, so that we can send them to donate?’”
“For me, parang, ang saya kasi nakikita ko na naiintindihan niya na iyong mga bagay na ito, magagandang laruan, hindi mo kailangan ng maraming ganyan. Kailangan ko lang sakto for me, the rest I can share it with others.”
5. I-practice at turuan silang maging thankful.
Ayon kay Andii, dapat ay maturuan natin ang ating mga anak na magpasalamat sa mga bagay na mayroon sila. Kahit na sa mga negative emotions na kanilang nararamdaman. Dahil kailangan nilang maintindihan na bawat bagay ay may positive na bahagi o epekto sa ating buhay. Kaya dapat ay lagi tayong maging thankful o blessed sa ating bawat na karanasan.
“It is healthy to be sad, to be upset, or to express these feelings. But it’s also nice to take action for yourself afterward. Choose to focus on the good things and be grateful for everything that you have. No matter how simple or little it is. At the end of the day, we are still blessed, we are still lucky.”
Sa ngayon, ayon kay Andi, ay sinusubukan nilang mabuhay ng kaniyang mga anak ng simple lang. Isang bagay na nais niya maibahagi sa iba dahil narin sa kakaibang kaligayahan na naibibigay nito sa kaniya.
Photo:
Instagram
BASAHIN:
LOOK: Andi Eigenmann, ibinahagi ang secret sa kaniyang pagiging fit habang buntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!