Andrea Brillantes mom sinagot ang isang netizen na kumuwestyon kung paano niya pinalaki ang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andrea Brillantes mom na si Belle Brillantes.
- Pagtatanggol ni Belle Brillantes sa anak na si Andrea laban sa mga bashers nito.
Andrea Brillantes mom na si Belle Brillantes
Larawan mula sa Instagram account ni Andrea Brillantes
Lingid sa kaalaman ng marami, ang ina ni Andrea Brillantes ay isa ring celebrity. Hindi nga lang sa larangan ng entertainment business pero sa larangan ng sports. Si Belle Brillantes o Mabel Gorostiza ay isang four-time national record holder sa freediving at maraming beses ng nagbigay ng karangalan sa bansa.
Sa latest niyang Instagram post ay ibinahagi ni Belle ang bago niyang achievement. Ang post niyang ito may caption patungkol sa hate at negativity na kumakalat daw ngayon.
“So much hatred in the net these days. We turned into bunch of savages. Spread all that hate and lies, these negativity will not break my spirit. I am thankful for being alive, my kids and my mom being healthy. Im surrounded by people with so much love and compassion. Hate is baggage, life is too short to be angry all the time.”
Ito ang sabi ni Belle sa kaniyang IG post.
Larawan mula sa Instagram account ni Belle Brillantes
Pagtatanggol ni Belle Brillantes sa anak na si Andrea laban sa mga bashers nito
Hindi man niya ipinunto na ang tinutukoy niya ay ang pangbabash sa anak na si Andrea, ang mga netizens mabilis na nagkomento sa post na ito ni Belle. May isa ngang tinanong kung paano kaya pinalaki ni Belle ang anak niya.
“Paano mo kaya pinalaki si andrea no?”, sabi ng netizen.
Si Belle ito ang sagot na may pagtatanggol sa anak niya.
“Paano?Napagtapos nya sa school mga kapatid nya, nakapag pagawa ng bahay, may sariling negosyo, ikaw anong ambag mo sa mundo?”
Larawan mula sa Instagram account ni Belle Brillantes
Si Andrea Brillantes ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kaya naman ang mga fans ng Kathniel na labis na nasaktan sa nangyari ay sinisisi si Andrea sa breakup ng mga idol nila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!