X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Andrew Schimmer sa birthday ng kaniyang misis na may sakit: "Please, fight more. Don't give up yet."

5 min read
Andrew Schimmer sa birthday ng kaniyang misis na may sakit: "Please, fight more. Don't give up yet."Andrew Schimmer sa birthday ng kaniyang misis na may sakit: "Please, fight more. Don't give up yet."

Dumaranas ang wife ni Andrew Schimmer ng kondisyong brain hypoxia.

Nakakaiyak na mensahe ng aktor na si Andrew Schimmer ang ibinahagi nito sa social media tungkol sa condition ng kaniyang wife na si Jorhomy ‘Jho’ Rovero.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Andrew Schimmer to his wife: “Someday you will smile again”
  • Brain hypoxia: Mga dapat malaman sa condition ng wife ni Andrew Schimmer

Andrew Schimmer on his wife’s condition: “Someday you will smile again”

Puno ng pinagsamang lungkot at pag-asa ang mensahe ng aktor na si Andrew Schimmer sa kaarawan ng kaniyang wife na si Jho Rovero. Matatandaang noong 2021, nanawagan ng tulong si Andrew Schimmer sa mga kapwa celebrity at sa mga fan ukol sa condition ng kaniyang wife.

Dahil umano sa severe asthma attack ay dumanas ng cardiac arrest at brain hypoxia condition ang wife ni Andrew Schimmer. Agad na sinugod ito noon sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center. At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maayos ang condition ng wife ni Andrew Schimmer. Patuloy pa rin itong nakikipaglaban sa nasabing karamdaman.

andrew schimmer wife condition

Larawan mula sa Facebook ni Andrew Schimmer

Sa Facebook post ni Andrew Schimmer, makikita ang picture ng wife niya habang nakahiga sa hospital bed. Aniya, hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya.

“‘Wag ka pong mainip, alam ng Panginoon lahat, nakikita n’ya lahat ng paghihirap mo. Promise, someday you will smile again. I will hear you laugh again,” saad ni Andrew Schimmer sa kaniyang post.

Nakiusap din ito sa asawa na huwag munang sumuko at patuloy sanang lumaban.

“Please, fight more. Don’t give up yet. I will always have your back, no matter what.”

Nangako rin si Andrew Schimmer na mananatili siya sa tabi ng kaniyang wife at magkasama nilang lalabanan ang pagsubok na hatid ng condition nito.

andrew schimmer wife condition

Larawan mula sa Facebook ni Andrea Schimmer

Brain hypoxia: Mga dapat malaman sa condition ng wife ni Andrew Schimmer

Maaaring dumanas ng brain hypoxia ang isang tao dahil sa kakulangan ng oxygen sa utak. Mahalaga ang uninterrupted flow ng oxygen sa utak para makapag-function ito nang maayos. Pwedeng mangyari ang brain hypoxia sa mga taong nalulunod, nasasakal, naso-suffocate, o tulad ng sa kaso ng asawa ni Andrew Schimmer, kung saan ay inatake ito ng matinding asthma at cardiac arrest.

Ang sintomas ng naturang kondisyon ay maaaring mild o severe. Kabilang sa mga sintomas ng mild brain hypoxia ay ang pansamantalang pagkawala ng memorya. Aside from that, pwede ring mahirapang gumalaw, mag-focus, o magdesisyon ang isang taong dumaranas nito.

Kung malala o severe naman ang kaso ng brain hypoxia, mas seryoso rin ang sintomas na maaaring danasin. Kabilang dito ang seizure, brain death, at pagka-comatose.

andrew schimmer wife condition

Larawan mula sa Facebook ni Andrew Schimmer

Kinakailangan ang agarang paggamot sa brain hypoxia upang maibalik ang maayos na pagdaloy ng oxygen sa utak. Sa mga severe case ng kondisyon na ito, kailangang mabigyan ng emergency care ang pasyente at makabitan ito ng ventilator o breathing machine.

In addition, kailangan ding masuportahan ang puso ng pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng blood products at fluids na padadaanin sa intravenous tube. Mahalaga ang agarang paggamot para maiwasan na humantong sa brain damage ang brain hypoxia.

Furthermore, maaaring bigyan ang pasyente ng prescription ng doktor bilang bahagi ng treatment. Ilan sa mga gamot na pwede nitong irekomenda ay ang mga sumusunod:

  • Medication para sa blood pressure issues
  • Gamot para sa pagkontrol ng heart rate
  • Seizure-curbing medicines
  • Anesthetics

Samantala, mayroon pang ibang maaaring maging sanhi ng kakulangan ng oxygen sa utak na pwedeng humantong sa pagkakaroon ng brain hypoxia:

  • Pag-akyat sa matataas na lugar na may altitude na higit 8,000 feet
  • Injury sa utak
  • Hypotension o sobrang babang blood pressure
  • Komplikasyon sa anesthesia
  • Pagkalanghap ng carbon monoxide o usok

Mataas din ang risk na magkaroon ng brain hypoxia ang mga naglalaro ng sports na karaniwan ang head injuries tulad ng boxing at football. Additionally, at risk din ang mga swimmer at divers dahil karaniwang pinipigilan nila ang paghinga kapag nasa ilalim ng tubig. At syempre, mataas din ang risk ng mga mountain climbers.

Moreover, bukod sa asthma at hypotension, pwede ring magkaroon ng brain hypoxia ang mga may amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Ito ay sakit na nakaaapekto sa mga ugat ng utak at spinal cord. Nalilimitahan ng kondisyon na ito ang pagdaloy ng oxygen sa utak ng tao dahil pinahihina nito ang breathing muscles.

Paano maiiwasan ang brain hypoxia?

Maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng brain hypoxia sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Iwasang pumunta sa matataas na lugar kung susceptible ka sa altitude sickness
  • I-monitor ang iyong health conditions
  • Magpakonsulta agad sa doktor kung masyadong mababa o mataas ang iyong blood pressure
  • Palaging dalhin ang inhaler kung mayroong asthma

Para naman sa mga nasa unexpected situation kung saan ay maaaring mahirapang huminga tulad ng pagkalunod o kaya ay kapag nasa sunog, bigyan ito ng agarang cardiopulmonary resuscitation (CPR). Makatutulong ito para maiwasan na lumala ang condition.

Facebook, Healthline

Partner Stories
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Andrew Schimmer sa birthday ng kaniyang misis na may sakit: "Please, fight more. Don't give up yet."
Share:
  • Kitkat on being a first time mom: "No ligo, bleeding nipples... but I will never trade this for anything else."

    Kitkat on being a first time mom: "No ligo, bleeding nipples... but I will never trade this for anything else."

  • Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak

    Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak

  • 9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

    9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

app info
get app banner
  • Kitkat on being a first time mom: "No ligo, bleeding nipples... but I will never trade this for anything else."

    Kitkat on being a first time mom: "No ligo, bleeding nipples... but I will never trade this for anything else."

  • Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak

    Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak

  • 9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

    9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.