Nakakaiyak na mensahe ng aktor na si Andrew Schimmer ang ibinahagi nito sa social media tungkol sa condition ng kaniyang wife na si Jorhomy ‘Jho’ Rovero.
Mababasa sa artikulong ito:
- Andrew Schimmer to his wife: “Someday you will smile again”
- Brain hypoxia: Mga dapat malaman sa condition ng wife ni Andrew Schimmer
Andrew Schimmer on his wife’s condition: “Someday you will smile again”
Puno ng pinagsamang lungkot at pag-asa ang mensahe ng aktor na si Andrew Schimmer sa kaarawan ng kaniyang wife na si Jho Rovero. Matatandaang noong 2021, nanawagan ng tulong si Andrew Schimmer sa mga kapwa celebrity at sa mga fan ukol sa condition ng kaniyang wife.
Dahil umano sa severe asthma attack ay dumanas ng cardiac arrest at brain hypoxia condition ang wife ni Andrew Schimmer. Agad na sinugod ito noon sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center. At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maayos ang condition ng wife ni Andrew Schimmer. Patuloy pa rin itong nakikipaglaban sa nasabing karamdaman.
Sa Facebook post ni Andrew Schimmer, makikita ang picture ng wife niya habang nakahiga sa hospital bed. Aniya, hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya.
“‘Wag ka pong mainip, alam ng Panginoon lahat, nakikita n’ya lahat ng paghihirap mo. Promise, someday you will smile again. I will hear you laugh again,” saad ni Andrew Schimmer sa kaniyang post.
Nakiusap din ito sa asawa na huwag munang sumuko at patuloy sanang lumaban.
“Please, fight more. Don’t give up yet. I will always have your back, no matter what.”
Nangako rin si Andrew Schimmer na mananatili siya sa tabi ng kaniyang wife at magkasama nilang lalabanan ang pagsubok na hatid ng condition nito.
Brain hypoxia: Mga dapat malaman sa condition ng wife ni Andrew Schimmer
Maaaring dumanas ng brain hypoxia ang isang tao dahil sa kakulangan ng oxygen sa utak. Mahalaga ang uninterrupted flow ng oxygen sa utak para makapag-function ito nang maayos. Pwedeng mangyari ang brain hypoxia sa mga taong nalulunod, nasasakal, naso-suffocate, o tulad ng sa kaso ng asawa ni Andrew Schimmer, kung saan ay inatake ito ng matinding asthma at cardiac arrest.
Ang sintomas ng naturang kondisyon ay maaaring mild o severe. Kabilang sa mga sintomas ng mild brain hypoxia ay ang pansamantalang pagkawala ng memorya. Aside from that, pwede ring mahirapang gumalaw, mag-focus, o magdesisyon ang isang taong dumaranas nito.
Kung malala o severe naman ang kaso ng brain hypoxia, mas seryoso rin ang sintomas na maaaring danasin. Kabilang dito ang seizure, brain death, at pagka-comatose.
Kinakailangan ang agarang paggamot sa brain hypoxia upang maibalik ang maayos na pagdaloy ng oxygen sa utak. Sa mga severe case ng kondisyon na ito, kailangang mabigyan ng emergency care ang pasyente at makabitan ito ng ventilator o breathing machine.
In addition, kailangan ding masuportahan ang puso ng pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng blood products at fluids na padadaanin sa intravenous tube. Mahalaga ang agarang paggamot para maiwasan na humantong sa brain damage ang brain hypoxia.
Furthermore, maaaring bigyan ang pasyente ng prescription ng doktor bilang bahagi ng treatment. Ilan sa mga gamot na pwede nitong irekomenda ay ang mga sumusunod:
- Medication para sa blood pressure issues
- Gamot para sa pagkontrol ng heart rate
- Seizure-curbing medicines
- Anesthetics
Samantala, mayroon pang ibang maaaring maging sanhi ng kakulangan ng oxygen sa utak na pwedeng humantong sa pagkakaroon ng brain hypoxia:
- Pag-akyat sa matataas na lugar na may altitude na higit 8,000 feet
- Injury sa utak
- Hypotension o sobrang babang blood pressure
- Komplikasyon sa anesthesia
- Pagkalanghap ng carbon monoxide o usok
Mataas din ang risk na magkaroon ng brain hypoxia ang mga naglalaro ng sports na karaniwan ang head injuries tulad ng boxing at football. Additionally, at risk din ang mga swimmer at divers dahil karaniwang pinipigilan nila ang paghinga kapag nasa ilalim ng tubig. At syempre, mataas din ang risk ng mga mountain climbers.
Moreover, bukod sa asthma at hypotension, pwede ring magkaroon ng brain hypoxia ang mga may amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Ito ay sakit na nakaaapekto sa mga ugat ng utak at spinal cord. Nalilimitahan ng kondisyon na ito ang pagdaloy ng oxygen sa utak ng tao dahil pinahihina nito ang breathing muscles.
Paano maiiwasan ang brain hypoxia?
Maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng brain hypoxia sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Iwasang pumunta sa matataas na lugar kung susceptible ka sa altitude sickness
- I-monitor ang iyong health conditions
- Magpakonsulta agad sa doktor kung masyadong mababa o mataas ang iyong blood pressure
- Palaging dalhin ang inhaler kung mayroong asthma
Para naman sa mga nasa unexpected situation kung saan ay maaaring mahirapang huminga tulad ng pagkalunod o kaya ay kapag nasa sunog, bigyan ito ng agarang cardiopulmonary resuscitation (CPR). Makatutulong ito para maiwasan na lumala ang condition.