Andrew Schimmer sa pagpanaw ng asawang higit isang taong na-coma: “Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi siya inabutan ng bunso namin.”

Nakatakda na sanang pakasalan ni Andrew ang asawa niya sa simbahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andrew Schimmer wife na si Jho Rovero pumanaw na. Ang mga huling sandali ng buhay ni Jho ikinuwento ni Andrew.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Andrew Schimmer wife Jho Rovero death.
  • Sakit ng asawa ni Andrew Schimmer.

Andrew Schimmer wife Jho Rovero death

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Andrew Schimmer nagluluksa sa pagpanaw ng asawang si Jho Rovero. Ito ay matapos ang higit isang taon nitong pagkaka-coma matapos ang mga komplikasyong naranasan dahil sa severe asthma attack.

Sa Facebook ay idinetalye ni Andrew ang mga huling sandali ng kaniyang misis. Ayon kay Andrew nasa taping siya ng Family Feud ng mawalan ng hininga si Jho. T

inawagan siya ng doktor nito at ibinalitang nawala ang BP at oxygen saturation ng asawa niya. Si Andrew kinailangang i-cancel ang taping na ginagawa at agad na sumugod pabalik sa ospital.

“Inabutan ko siya actually nire-revive ng ating mga doctors and nurses. They did everything they could, sakit lang.”

Ito ang kuwento pa ni Andrew sa video na ibinahagi niya sa Facebook.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Andrew hindi napigilang maiyak habang ikinukuwento ang sinapit ng asawa niyang si Jho. Mas naging masakit pa nga raw ang pagkawala nito dahil kaarawan rin ng kanilang bunsong anak ang death day nito.

“Masakit lang. Gusto ko lang ibalita sa inyo. Guys, maraming salamat sa mga nagdasal. Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi siya inabutan ng bunso namin.”

Ito ang sabi pa ng umiiyak na si Andrew.

Bago matapos ang video ay ipinakita ni Andrew ang asawa niya wala ng buhay bagamat hawak-hawak pa rin niya ang kamay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ito siya ngayon wala ng buhay ‘yong kamay niya. Ito ang ating sleeping beauty iniwanan na tayo mga kapatid.”

“Mahal na mahal ka namin love ko.”

Ito ang mensahe pa ni Andrew sa namayapang misis.

Ilang oras bago ibalita ni Andrew ang pagkasawi ng kaniyang misis ay nagbahagi siya ng larawan kung saan magkahawak ang kanilang kamay at suot ang wedding ring na sana ay para sa nalalapit nilang pagpapakasal.

“The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promise, together forever.”

Ito ang caption ng post ni Andrew.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Andrew papakasalan na sana sa simbahan ang asawa niya

Matatandaang nitong nakaraang linggo lang rin inanunsyo ni Andrew na handa na siyang pakasalan sa simbahan ang asawa niyan si Jho. Sabi pa niya ay bumubuti na raw ang kalagayan nito kaya tiwala siya na gagaling na ito soon.

“We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN very very.”

Ito ang sabi pa ni Andrew.

Ang kuwento ni Andrew at kaniyang asawang si Jho ay sinubaybayan ng mga netizens. Dahil si Andrew nagsilbing inspirasyon sa marami at hinahangaan sa ginagawa nitong pag-aalaga at hindi pagbitaw sa asawa sa kabila ng kalagayan nito.

“Bestfriend ko siya kaya masakit pag nakikita ko siyang ganun. Kaya parang ang nararamdaman ko unfair na okay ako, siya ganun. Kaya minsan kahit hindi tinatawid ko. Dinadasal ko sa Diyos bigyan niya ako ng lakas, wag niyang hayaang bumigay yung katawan ko. Kasi kailangan ako nung tao.”

Ito ang sabi noon ni Andrew sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz tungkol sa kaniyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ayokong tanggalin yung hope sa kanila kasi alam ko yung pakiramdam. Kasi namatay yung mother ko ng 10 years old ako. Nag-iwan siya ng hole sa puso ko na hindi niya napunan. I know the feeling kaya as much as possible ayokong ma-experience ng mga anak ko.”

“Kung totoong mahal mo kahit hopeless ilalaban mo ‘yan. Kahit sa hundred percent na hope ang natitira na lang 1, ilalaban mo yan.”

Ito ang sabi pa ni Andrew na paulit-ulit na sinasabing ang mga anak ang numero unong dahilan kung bakit hindi siya nawalan ng pag-asa.

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Sakit ng asawa ni Andrew Schimmer

Mahigit isang taon naring naka-confine ang misis ni Andrew sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City Taguig. Nobyembre ng nakaraang taon ng isugod ito sa ospital matapos makaranas ng matinding asthma attack. Ito ay nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia.

Nitong Oktubre ay saglit na nakauwi ang misis ni Andrew matapos bumuti ang kalagayan nito. Pero matapos ang isang linggo ay muli nitong binalik sa ospital ng muling lumala ang kondisyon nito.

Ang kuwento ni Andrew ng pakikipaglaban at pag-asa sa kalagayan ng kaniyang asawa ay umantig sa puso ng marami. Matapos ang pagbabahagi niya ng kaniyang kuwento ay bumuhos ang tulong para sa misis niyang si Johromy. Ito ay labis na ikinatuwa ng aktor at naging malaking tulong sa pagpapagamot ng asawa niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement