Ang Aking Pagbubuntis

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Share ko lang mga moms, noong unang nalaman ko na buntis ako, may halong saya at lungkot.

Malungkot kasi hindi ako natuloy abroad, going to Bahrain sana ako. Nakuha ko na passport ko this 2022. After non, bago ako mag-medical ay inaantay ko na magkaroon ako ng menstruation, pero hindi na ako nagkaroon.

Expected ko nang buntis ako.

Masaya din naman ako noong nalaman kong buntis ako, blessing ‘yan eh. Masaya ako dumating siya nang hindi ko inaasahan, bigay siya sa akin ng Diyos.

Alam kong mahirap itong pinagdadanan ko pero dahil sa baby ko, lumalakas ako. Mas nagiging matatag ako.

I have 3 children, 1 boy at 2 girls at itong pang-apat ko, hindi ko pa alam ‘yong gender. Going 7 months na kami ni baby pero sad to say, wala pa kong any laboratory na nagagawa. First time lang sa’kin mangyari to sa pang-apat ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dati, monthly nagpapa-check up ako pero ngayon sa hirap ng buhay, sabay-sabay na bayarin, gastusin at pagtaas ng bilihin, hindi ko alam paano pagkakasyahin ‘yong kakaunting sahod na binibigay ng asawa ko sa’kin dahil minsan wala silang work.

Sa totoo lang, kaka-resign niya lang sa work, sabay kami actually kaya ito, nganga ngayon.

Pa-extra-extra muna siya sa construction, sapat lang ang kita niya. Hindi naman ako mareklamo, kung ano meron, pagtitiyagaan ko. Kase wala naman akong magagawa kaya ito, nag-aantay magkaroon ng kontrata ang asawa ko nang may pang-check up kami ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Feeling ko buong buwan ng taon nag-suffer ako ng anxiety at depression. Kung dati ko pa ito nakita, madami na akong nai-share tungkol sa buhay ko.

Salamat sa theAsianparent app na ito kahit papaano, nakapaglalabas ako ng mga nararamdaman ko.

‘Yon lang, hanggang dito muna ang aking kwento. Salamat sa makakabasa at makaka-appreciate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laban lang mga mommies. Malalampasan din natin ‘tong pagsubok sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

ivy jane ereno