Angel Locsin’s dad on her marriage with Neil Arce: “I want you to be in good hands and nasa age ka na.”

Ama ni Angel Locsin sinabing masaya siya sa naging pagpapakasal ng anak kay Neil Arce.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angel Locsin ask her dad, “Sino sa mga ex ko ang pinakaayaw mo?” Narito ang naging sagot ng kaniyang ama at ang payo nito sa pagkakaroon ng masayang buhay may asawa.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Angel Locsin dad may payo sa pagkakaroon ng happy married life.
  • Thoughts ng ama ni Angel sa pagpapakasal niya sa businessman at ngayon ay mister ng si Neil Arce.

Angel Locsin dad Angel Colmenares

Image from Angel Locsin’s Official Facebook account

Nitong nakaraang Pebrero ay nagdiwang ng 95th birthday ang ama ni Angel Loscin na si daddy Angel Colmenares. Naging pribado at intimate ang naging kaarawan ng ama ng aktres na kung saan nito lamang March 5, Sabado nagpasilip si Angel sa naging selebrasyon nila.

Sa kanilang vlog ng mister na si Neil Arce, ay pina-experience ni Angel sa kaniyang ama ang isa sa ginagawa ng mga vloggers ngayon.

Ito ay ang paglalaro ng “Question and Answer” game na kung saan ang ama niya ang nasa hot seat at siya ang magbibigay ng mga tanong dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kanilang naging game at pag-uusap ay nagbahagi ng kaniyang mga experience ang ama ni Angel. Ikinuwento nito na 13-anyos siya ng maganap ang World War II.

Nagbahagi rin siya ng ilan sa hindi niya makakalimutang tagpo sa kaniyang kabataan noon. Kabilang na ang pakikipag-away sa isang bully at abusadong kamag-anak ng isang pulitiko na umabot sa pisikalan.

Naging memorable daw ito dahil sa pagtulong ng kaniyang kapatid na umagad na rumescue noong nalamang napa-rumble siya. Habang inaalala ang karanasan ay naluha ang ama ni Angel na agad namang napansin ng aktres.

“Naluluha-luha ka sa panggugulpi mo. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana yung iba sa mga anak mo.”

Doon inamin ni Angel na tulad ng kaniyang ama madalas rin siyang nakikipag-away noon pero ito naman ay para ipagtanggol rin ang mga kapatid niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang mga kaaway ko nun usually mga boys o kaya mga manliligaw ni Ate o kaaway ng kapatid ko, kapag binubully ganoon lang. Pero never akong nakipag-away ng physical.”

Ito ang kuwento ni Angel.

Angel Locsin Dad to the actress: “You are my best.”

Image from Angel Locsin’s Official Facebook account

Isa rin sa mga naitanong sa ama ni Angel ay kung sino sa mga anak niya ang pinaka-pasaway at pinaka-matigas ang ulo. Si Angel ay may dalawa pang kapatid na sina Ella at Angelo. Siya ay ang middle child o pangalawa sa tatlong magkakapatid.

Inakala ni Angel na siya ang sasabihin ng ama na may pinaka-matigas na ulo. Pero natawa siya at nagulat sa sagot nito na ang Ate Ella niya ang pinaka-pasaway at nagpakaba sa ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pero nagulat ako Daddy kasi akala ko ako ‘yong sasabihin mo. Kasi matitigas ulo namin.”

Ito ang sabi ng aktres na sinagot ng kaniyang ama ng mga linyang ikatutuwang marinig ng kahit sinong anak.

“You are my best” o si Angel ang pinaka-the best sa mga anak niya. Ito ang sabi ni Daddy Angel.

BASAHIN:

Angel Locsin on 94-year-old dad battling COVID: “It’s been a week of feeling helpless”

Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”

LOOK: Angel Locsin at Neil Arce, nakalipat na sa kanilang bagong bahay

Ama ni Angel inaming may ayaw siya sa mga naging ex-boyfriend ng anak

Isa rin sa mga tanong sa ama ni Angel ay kung sino ang pinakaayaw nito sa mga naging ex-boyfriend niya. Pagkasabi ng tanong ay agad ng sinabi ng ama ni Angel na sana ay huwag siyang magagalit. Bagama’t hindi rin naman nito napangalanan ang ex-boyfriend ni Angel na pinaka-aayawan niya.

“Huwag kang magalit, Nakalimutan ko pangalan”, sabi ni Daddy Angel sabay tawa.

Sa parehong vlog episode ay naikuwento rin kung paano nagpaalam si Neil sa daddy ni Angel bago ito mag-propose ng kasal sa aktres. Ang nakakatawang part ng istorya ay inakala ng ama ni Angel na business proposal ang tinutukoy nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Noong 2019, a week before Father’s day, right after kung bilhin ‘yong ring pumunta agad ako sa daddy niya. ‘Daddy ha, magpo-propose ako.’ ‘O anong proposal mo so akala niya may business proposal ako.”

Ito ang natatawang kuwento ni Neil. Nandoon daw noon ang ate ni Angel na si Ella na kung saan naglinaw sa ama na wedding proposal ang tinutukoy niya.

“Tapos sabi ni Ate Ella, ‘Daddy, magpapakasal na sila’. ‘Ay good, good, sabi niya. So parang nawala ‘yong burden sa shoulders ko dahil good yung sinabi ng daddy niya.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Neil.

Daddy ni Angel masaya sa naging pagpapakasal ng anak sa mister na si Neil Arce

Image from Angel Locsin’s Official Facebook account

Para naman sa daddy ni Angel, masaya siya sa pagpapakasal ng anak. Lalo pa’t alam niyang nasa tamang edad na ito.

“First of all I want you to be in good hands and nasa age kana.”

Ito ang sabi pa ng daddy ni Angel. May payo nga rin itong iniwan para magkaroon ng happy married life ang mga mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other day by day. And put Christ in the center of your life.”

Ito ang payo ng ama ni Angel na si Daddy Angel Colmenares.