X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angelica Panganiban ipinakita na ang mukha ng kaniyang baby na si Amila Sabine

5 min read
Angelica Panganiban ipinakita na ang mukha ng kaniyang baby na si Amila Sabine

Aktres naging emosyonal habang ipinagdidiwang ang unang buwan sa mundo ng anak niyang si Baby Amila.

Angelica Panganiban ipinakita na sa publiko ang mukha ng kaniyang baby. May mensahe rin itong inalay para sa anak isang buwan matapos niya itong maisilang.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban ipinakita na sa mundo ang mukha ng baby niyang si Amila Sabine.
  • Mensahe ni Angelica Panganiban para sa anak.

Angelica Panganiban ipinakita na sa mundo ang mukha ng baby niyang si Amila Sabine

angelica panganiban baby face

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Hindi na nga napigilan ng proud first time mom na si Angelica Panganiban na ipakita na sa publiko ang mukha ng kaniyang baby. Si Angelica ginawa ito isang buwan matapos manganak at bilang pagdiriwang sa first month ng buhay ng kaniyang baby Amila Sabine.

“Hello world! It’s been a month. Mom and dad are finally ready to share me with you. So, here I am.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Angelica kung saan ibinida niya ang napaka-cute niyang baby.

Ang mga celebrity friends naman ni Angelica sobrang saya at giliw na giliw sa kaniyang baby. Dahil maliban sa tumatawang larawan nito na ibinahagi ng aktres ay agaw pansin ang kulay gray nitong mga mata.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

beaalonzo Grabe!! sobrang cute.
mariajolina_ig
Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sa ‘kin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaaay eyes!!!!!!

itspokwang27 apaka gandaaaaa!!!! pwera usog naman.

Ito ang ilan sa komento ng mga celebrity friends ni Angelica sa pag-rereveal nito ng mukha ng anak niya.

Mensahe ni Angelica Panganiban para sa anak

Dahil isang buwan na nga ang nakalipas ng maipanganak ang kaniyang baby, si Angelica hindi napigilang magsentimyento. Sa Instagram pa rin ay nag-alay siya ng isang mensahe para sa kaniyang baby.

Ang aktres nag-iwan ng pangako niya para sa anak na si Amila. Nangunguna na nga rito ang pagbibigay sa mga anak ng mga bagay na hindi niya naranasan o naramdaman. At ang pag-aalay sa anak hanggang siya ay nabubuhay sa mundo.

“Pangakong ibibigay ko sa ‘yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sa ‘kin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sa ‘yo.”

angelica panganiban message to her baby face

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Dagdag pa ng aktres hindi lang siya basta magiging isang ina para sa kaniyang anak. Kung hindi isa ring kaibigan na makakasama niya sa lahat ng oras lalo na sa pagtupad ng mga pangarap nito.

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sa ‘yo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.”

Sa huli ay nagpasalamat si Angelica sa anak dahil siya ang naging ina nito.

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.

Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sa ‘kin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.”

Ang mga celebrity friends ni Angelica na mommies narin sa ngayon ay hindi mapigilang ma-touch sa emotional message niyang ito. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila sa mensahe ni Angelica kay baby Amila.

loveangelinequinto ❤❤❤😭😭😭 Ang sarap maging nanay, at ang sarap mabasa ito.

lizzzuy Ang ganda ❤❤❤😭😭😭😭😭😭

Karanasan ni Angelica Panganiban bilang first time mom

angelica panganiban as first time mom

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Samantala, sa pinakabagong vlog episode ni Angelica at fiancé na si Gregg Homan ay ibinahagi ng aktres ang karanasan niya bilang first time mom. Realization ng aktres hindi madali ang pagiging ina lalo na ang pag-aalaga ng isang newborn.

“Parang puyat na ako ever since six years old ako pero iba pala ‘yong puyat pag may inaalagaan kang bata. Meron kang ganoon kalaking responsibilidad.

Parang wala kang ibang naririning kung hindi ‘yong hikbi niya, ‘yong mga konting mga tunog, sounds na gagawin niya talagang magigising ka.”

Ito ang pagkukuwento ni Angelica Panganiban sa experience niya bilang isang first time mom.

Maliban sa pagpupuyat para maalagaan ang kanilang anak ay hindi rin din daw biro ang pagpapasuso sa kaniyang baby. Sa ngayon, ay pinapadede na ni Angelica ang kaniyang baby sa bote na ang laman parin naman ay breastmilk niya.

Dahil pagbabahagi ni Angelica ang nipples niya ay nagsusugat na dahil sa breastfeeding. Sabi pa nga ni Angelica ay mas mahirap pa nga daw ang pagpapasuso kesa sa pagle-labor. Kaya naman sa ngayon ay mas humanga siya sa mga breastfeeding moms na tulad niya.

“’Yong breastfeeding kasi parang mas mahirap siya sa labor kasi ‘yong labor alam mo may katapusan. Alam mong parang 24 hours maximum siguro tapos ka na di ba?

Pero ‘yong breastfeeding parang wow ilang taon to? Ilang taon tong commitment na gagawin mo. ‘Yong discipline, ‘yong commitment, ‘yong pain na titiisin mo para mapakain ‘yong anak mo.”

“So napakasaludo talaga ako sa lahat ng padede moms dahil nakakabilib ‘yong ginagawa nila.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban ipinakita na ang mukha ng kaniyang baby na si Amila Sabine
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.