Angelica Panganiban ipinakita na ang mukha ng kaniyang baby na si Amila Sabine

Aktres naging emosyonal habang ipinagdidiwang ang unang buwan sa mundo ng anak niyang si Baby Amila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban ipinakita na sa publiko ang mukha ng kaniyang baby. May mensahe rin itong inalay para sa anak isang buwan matapos niya itong maisilang.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban ipinakita na sa mundo ang mukha ng baby niyang si Amila Sabine.
  • Mensahe ni Angelica Panganiban para sa anak.

Angelica Panganiban ipinakita na sa mundo ang mukha ng baby niyang si Amila Sabine

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Hindi na nga napigilan ng proud first time mom na si Angelica Panganiban na ipakita na sa publiko ang mukha ng kaniyang baby. Si Angelica ginawa ito isang buwan matapos manganak at bilang pagdiriwang sa first month ng buhay ng kaniyang baby Amila Sabine.

“Hello world! It’s been a month. Mom and dad are finally ready to share me with you. So, here I am.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Angelica kung saan ibinida niya ang napaka-cute niyang baby.

Ang mga celebrity friends naman ni Angelica sobrang saya at giliw na giliw sa kaniyang baby. Dahil maliban sa tumatawang larawan nito na ibinahagi ng aktres ay agaw pansin ang kulay gray nitong mga mata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

beaalonzo Grabe!! sobrang cute.
mariajolina_ig
Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sa 'kin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaaay eyes!!!!!!

itspokwang27 apaka gandaaaaa!!!! pwera usog naman.

Ito ang ilan sa komento ng mga celebrity friends ni Angelica sa pag-rereveal nito ng mukha ng anak niya.

Mensahe ni Angelica Panganiban para sa anak

Dahil isang buwan na nga ang nakalipas ng maipanganak ang kaniyang baby, si Angelica hindi napigilang magsentimyento. Sa Instagram pa rin ay nag-alay siya ng isang mensahe para sa kaniyang baby.

Ang aktres nag-iwan ng pangako niya para sa anak na si Amila. Nangunguna na nga rito ang pagbibigay sa mga anak ng mga bagay na hindi niya naranasan o naramdaman. At ang pag-aalay sa anak hanggang siya ay nabubuhay sa mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pangakong ibibigay ko sa 'yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sa 'kin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sa 'yo.”

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Dagdag pa ng aktres hindi lang siya basta magiging isang ina para sa kaniyang anak. Kung hindi isa ring kaibigan na makakasama niya sa lahat ng oras lalo na sa pagtupad ng mga pangarap nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sa 'yo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.”

Sa huli ay nagpasalamat si Angelica sa anak dahil siya ang naging ina nito.

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.

Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sa 'kin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.”

Ang mga celebrity friends ni Angelica na mommies narin sa ngayon ay hindi mapigilang ma-touch sa emotional message niyang ito. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila sa mensahe ni Angelica kay baby Amila.

loveangelinequinto ❤❤❤??? Ang sarap maging nanay, at ang sarap mabasa ito.

lizzzuy Ang ganda ❤❤❤??????

Karanasan ni Angelica Panganiban bilang first time mom

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa pinakabagong vlog episode ni Angelica at fiancé na si Gregg Homan ay ibinahagi ng aktres ang karanasan niya bilang first time mom. Realization ng aktres hindi madali ang pagiging ina lalo na ang pag-aalaga ng isang newborn.

“Parang puyat na ako ever since six years old ako pero iba pala ‘yong puyat pag may inaalagaan kang bata. Meron kang ganoon kalaking responsibilidad.

Parang wala kang ibang naririning kung hindi 'yong hikbi niya, 'yong mga konting mga tunog, sounds na gagawin niya talagang magigising ka.”

Ito ang pagkukuwento ni Angelica Panganiban sa experience niya bilang isang first time mom.

Maliban sa pagpupuyat para maalagaan ang kanilang anak ay hindi rin din daw biro ang pagpapasuso sa kaniyang baby. Sa ngayon, ay pinapadede na ni Angelica ang kaniyang baby sa bote na ang laman parin naman ay breastmilk niya.

Dahil pagbabahagi ni Angelica ang nipples niya ay nagsusugat na dahil sa breastfeeding. Sabi pa nga ni Angelica ay mas mahirap pa nga daw ang pagpapasuso kesa sa pagle-labor. Kaya naman sa ngayon ay mas humanga siya sa mga breastfeeding moms na tulad niya.

“'Yong breastfeeding kasi parang mas mahirap siya sa labor kasi ‘yong labor alam mo may katapusan. Alam mong parang 24 hours maximum siguro tapos ka na di ba?

Pero 'yong breastfeeding parang wow ilang taon to? Ilang taon tong commitment na gagawin mo. 'Yong discipline, ‘yong commitment, ‘yong pain na titiisin mo para mapakain 'yong anak mo.”

“So napakasaludo talaga ako sa lahat ng padede moms dahil nakakabilib 'yong ginagawa nila."

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement