Angelica Panganiban nanganak na, Baby Amila pinasilip: "Bean waiting for you all my life."

Sobrang saya rin ng mga friends ni Angelica ngayong ganap na siyang mommy!

Sa wakas ay ipinanganak na ni Angelica Panganiban si Baby Amila, ang kanilang anak ni Gregg Homan.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Pasilip sa baby ni Angelica Panganiban
  • Kim Chiu biniro ni Angelica Panganiban tungkol sa mga regalo nito sa baby ng kaibigan
  • Angelica Panganiban may message sa kanyang mga kaibigan: “Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”

Pasilip sa baby ni Angelica Panganiban

Sa isang Instagram post ni Angelica Panganiban, sinabi niya na matagal na niyang hinihintay ang pagdating ni Baby Amila.

Base sa post ni Angelica Panganiban, si Baby Amila ay isinilang noong September 20.

“Bean waiting for you all my life.”

angelica panganiban baby amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

May pasilip na rin si Angelica sa mukha ng kaniyang baby, na makikita ang maganda nitong mata.

Maraming artista naman ang natuwa at kaagad nag-send ng kanilang congratulatory message kina Angelica at Gregg para sa kanilang family.

Sue Ramirez: “Congratulations, Ate Angge and Kuya Greg!”

Camille Prats: “Sis congratulations! She’s got your eyes.”

Bianca Gonzalez: “Aaaaw so precious! Congratulations Angelica and Gregg!!!!”

Kim Chiu biniro ni Angelica Panganiban tungkol sa mga regalo nito sa baby ng kaibigan

Masayang-masaya ang fans noong malamang nagdadalang-tao na si Angelica Panganiban. Matapos masaksihan ng kanyang mga tagapaghanga ang ilang sa heart break ng aktres. Sa wakas ngayon ay fulfilled na at nakabuo na rin siya sa wakas ng sarili niyang pamilya.

Bukod sa kanyang fans, hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng suporta ang kanyang malalapit na kaibigan maging sa larangan ng showbiz. Nangunguna na diyan ang kinuha niyang ninang na isa sa kanyang naging close sa larangan ng industriya na si Kim Chiu.

angelica panganiban kim chiu with bela padilla

Biniro ni Angelica Panganiban si Kim Chiu na baka raw kunin nito ang anak dahil sa dami ng gifts na ibinigay nito. | Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Kamakailan lamang ay nag-share si Angelica sa kanyang Instagram stories tungkol sa sandamakmak na regalo ni Kim Chiu para sa kanyang inaanak. Mapapanood sa video ang iba’t ibang baby dresses, swaddle, baby rocker, knittens, at iba pang gamit ng baby. Dahil dito nagbiro tuloy si Angelica na akala niya raw ay anak na ito ni Kim Chiu dahil sa dami ng aguinaldong ibinigay.

“Grabe yung ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya yung napag-iiwanan siya. Tingnan po ninyo, akala ko anak niya,”

Isang dagdag pa ni Angelica, naisip niya raw na baka kunin pa ni Kim Chiu ang anak niya kapalit ng mga ibinigay nito,

“Parang kinakabahan ako, parang ipinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata. Parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala.”

Bilang likas na palabiro si Angelica, sinabi niya pa na sana raw maging pag-aaral ng kanyang anak ay sinagot na rin ni  Kim.

“Baby mo ba to momsy? Thank you so much talaga. Ang dami-dami. It’s never ending. Thank you so much. We’re so happy parents. Sana pati educational plan ipinadala mo na. We love you,”

Marami tuloy sa netizens ang natuwa sa biruan ng magkaibigan. Labis-labis naman na natouch ang mag-asawang Angelica at Gregg dahil sa gifts na ibinahagi ni Kim Chiu para sa kanilang unang anak.

“Momsy @chinitapricess may contest po ba sa pagiging ninang?” hirit ni Angelica.

Angelica Panganiban may message sa kanyang mga kaibigan: “Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko”

angelica panganiban with friends

Angelica Panganiban thankful sa friends na sinamahan siya sa kanyang pregnancy journey. | Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Kakaibang saya nga naman ang makatanggap ng suporta mula sa mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan sa panahon ng pregnancy. Lalong malaking tulong ito kung first time mong sasabakin ang landas ng pagiging nanay. Kaya nga hindi naiwasang maging emosyunal ng aktres na si Angelica Panganiban. Dahil sa support na ipinadama sa kanya ng mga friends niya.

Dinala niya sa Instagram ang pasasalamat na ito nang magbigay siya ng short but very sweet na message para sa kanila. Bungad sa larawan ang dalawa sa pinakamalalapit niyang kaibigan na si Bella Padilla at Kim Chiu.

Ayon sa kanyang caption, alam niya raw na mayroong siyang nagawa na tama kaya sinwerte siya sa mga friends niya.

“Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”

Kasunod naman na mga picture ay iba pang larawan na makikita ang mga kaibigan niya. Ito ay sina Glaiza De Castro, Maxene Magalona, Bea Alonzo, Alyssa Valdez, Ketchup Eusebio. Kasama din sina Ryan Agoncillo, Angel Locsin, Anne Curtis, Dimples Romana, at iba pa.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!