Xian Lim pabor na magkaroon sila ng prenup agreement ni Kim Chiu sa oras na sila ay magpakasal na. Bagamat paglilinaw ni Xian wala pa silang plano ni Kim na lumagay sa tahimik soon.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Xian Lim and Kim Chiu on prenup agreement
- Ano ang prenup agreement?
Xian Lim and Kim Chiu on prenup agreement
Image from Xian Lim’s Facebook account
Isa sa sinusundang showbiz couple sa bansa ay ang aktor at aktres na si Xian Lim at Kim Chiu. Dahil sa may katagalan narin ang relasyon nila, isa sa laging tanong sa kanila ay kung kailan sila lalagay sa tahimik at bubuo ng kanilang pamilya.
Sa online presscon ng bagong programa ni Xian sa GMA 7 ay sinagot niya ang tanong na ito. Kuwento ni Xian ay napag-uusapan naman nila ni Kim ang future nila bagamat wala pa ang kasal sa mga pinaplano nilang gawin soon.
Pero dagdag ni Xian, kung sakali mang dumating na ang oras na mapagdesisyunan na nila ni Kim na magpakasal, pabor daw siya na magkaroon sila ng prenup agreement.
Paniniwala ng aktor, mahalaga na ‘maplantsa’ muna ng magkapareho ang usaping pera bago tuluyang bumuo ng pamilya. At dapat handang-handa ang magkapareho sa oras na nagdesisyon silang magpakasal at bumuo ng pamilya.
“I strongly believe na dapat plantasado lahat iyan before pumasok at you take that leap of faith, in having a baby or getting married.”
Ito ang sabi ni Xian na ayon lang naman daw sa opinyon niya. Mas mabuti daw kasi na maiwasan ang problema sa pera sa oras na kasal na ang dalawang tao. Kaya naman mas mainam na pag-usapan ito bago pa ang kasal at ma-plantsa na.
“But I think na parang, you don’t want na yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, pag once nandoon na kayo sa point na yun na magkakagulo kayo, and it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.”
Ito ang dahilan ni Xian Lim kung bakit pabor siya na magkaroon sila ni Kim Chiu ng prenup agreement sa oras na sila ay magpapakasal na. Hindi nga lang daw basta pera ang dapat pag-usapan sa prenup agreement. Kung hindi pati narin ang commitment ng dalawang magkapareho sa pamilyang kanilang bubuuhin.
“I think, bank accounts, and even how you will settle bills, and even, kanina pa namin sinasabi na spiritually dapat handa kayo na your heart dito, dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage, or even na parang you want what’s best for your kid, dapat na pag-usapan talaga.”
Ito ang sabi pa ni Xian.
Image from Xian Lim’s Facebook account
BASAHIN:
LOOK: Angelica Panganiban ipinasilip ang kaniyang baby bump sa beach
Ogie Alcasid sa birthday ni Regine Velasquez: “You are the air that I breathe, my rock, my heart and soul.”
Patrick Sugui at Aeriel Garcia ikinasal na: “You started sparks in me that no one else can forge.”
Ano ang prenup agreement?
Ang usapin ng prenup agreement ay naging mainit na usapin nang ilang known Filipino couples ang umaming nagkaroon sila nito bago maikasal. Isa na nga rito ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero.
Ang pre-nuptial o prenup agreement ay isang paraan para maprotektahan ang mga ari-arian o investments ng taong magpapakasal pa lamang. Paghahanda ito kung sakaling masira ang kanilang pagsasama at mauwi sa hiwalayan. Sa paningin ng iba ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement ay pagpapakita ng hindi pagtitiwala sa isa’t-isa.
Pero para sa pananaw ng mag-asawang Heart at Chiz, ito ay paraan upang hindi na rin magkaroon ng isyu sa pera ang kanilang pagsasama. May kalayaan si Heart na ilaan ang kinikita niya sa kung saan man niya gusto.
Isa pa sa mga celebrity couples na natanong rin kamakailan lang tungkol sa kung mayroon pa silang prenup agreement ay ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ito ay sinagot naman ng aktres.
“So many people ask me and Derek this and this is a very personal question. Let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek o si Derek di sa lugi nako. So, patas ang show!”
Ito ang sagot ni Ellen sa tanong kung may prenup agreement ba sila ni Derek Ramsay. Sa salitang Tagalog ang ibig sabihin nito ay “hindi siya lugi kay Derek at hindi rin lugi si Derek sa kaniya”.
Si Ellen ay mula sa mayamang pamilya sa Cebu na nagmamay-ari ng mga hotels at iba pang negosyo. Habang si Derek naman ay mula sa pamilyang nagmamay-ari ng napakaraming real estate properties. Idagdag pa ang kinita niya sa pagiging modelo at artista.
Sa kaso naman nila Kim at Xian, sila ay parehong may magandang pangalan sa showbiz industry. Sila rin ay kabilang sa ilang mga artista na pinaka-in demand sa ngayon.
Image from Xian Lim’s Facebook account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!