X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Patrick Sugui at Aeriel Garcia ikinasal na: "You started sparks in me that no one else can forge."

5 min read
Patrick Sugui at Aeriel Garcia ikinasal na: "You started sparks in me that no one else can forge."

Alamin dito kung paano nagsimula ang love story ng newly-wedded couple na sina Aeriel Garcia at Patrick Sugui.

Dating Pinoy Big Brother (PBB) Housemate Patrick Sugui at Aeriel Garcia ginanap na ang wedding matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan. Matatandaan na naging engaged ang dalawa noong December 2020.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Patrick Sugui and Aeriel Garcia’s wedding
  • Matibay na relasyon nina Patrick at Aeriel
  • Paano nila hinaharap ang mga problema
patrick aeriel wedding

Larawan mula sa Nice Print Photo

Patrick Sugui and Aeriel Garcia’s wedding

Nitong April 20, 2022 ay ikinasal na ang longtime couple na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia. Ginanap ang garden wedding sa Forest Crest Nature Hotel & Resort sa Nasugbu, Batangas.

Ilan sa mga artistang namataan na dumalo sa espesyal na araw ni Patrick at Aeriel ay sina Vice Ganda, Julia Baretto, Marco Gumabao at Dominic Roque. Kasama rin sa espesyal na gabi sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ria Atayde, at Sam Concepcion.

Bago ang kanilang kasal, nagbigay ng mensahe si Patrick sa kay Aeriel, kung saan pinasilip din niya ang ilang prenup photos nila ng kanya ngayong misis.

“You started sparks in me that no one else can forge. And something inside me dances eternally that even I cannot understand.”
patrick aeriel wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Patrick Sugui

Matibay na relasyon nina Patrick at Aeriel

Sa isang podcast vlog na Figure It Out with Gabbi Garcia and Khalil Ramos na mapapanood sa YouTube, nakapanayam nila ang magkasintahang Patrick at Aeriel. Dito mas nakilala ng mga fan ang relasyon nina Patrick at Aeriel.

Ayon kay Patrick, bago pa nito makilala si Aeriel, ang hinahanap niya babae ay hindi na para i-date lamang. Dahil ang gusto nito ay ang kanyang mai-date ay ang kanya na ring papakasalan. At simula nang makilala nito si Aeriel ay lagi silang masaya at hindi nag-aaway.

Magkasama sa iisang bahay si Patrick at Aeriel, kaya naman ayon sa dating PBB Housemate ay naging isang malaking factor ito sa kanilang relasyon.

“Some would say na mahirap yon, yung kayong dalawa lang everyday lockdown, hindi pwedeng lumabas. Sinasabi nila magkakasawaan kayo, mag-aaway kayo yung ganon. Pero never naming na-feel yan eh, during lockdown.”

Hindi nagkakaroon ng conflict si Patrick at Aeriel pagdating sa mga gawaing bahay. Ito ay dahil parehas silang lumaki na walang yaya at sanay na gumawa ng mga gawaing bahay.

Ayon pa kay Patrick ay pagkagising pa lamang ay nagtatawanan na agad sila. Never din silang nag-struggle kahit na maraming pinagdaanang issues. At isa pa ito umano sa naging dahilan namagtulak kay Patrick na mag-propose kay Aeriel.

BASAHIN:

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: “Tanggal talaga pagod mo”

LJ Reyes shares heartfelt message to Aki: “Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak“

Karylle to Yael on their 8th wedding anniversary: “Love u clean or dirty! Only people who have to sort the laundry will understand!”

Paano nila hinaharap ang mga problema

Aminado naman ang influencer na may gusto na ito kay Patrick panahon pa lamang na nasa loob ito ng PBB House. At masayang masaya ito sa tuwing kasama ang kasintahang si Patrick, dahilan para pumayag itong magpakasal.

“Why not get married and figure the things out after, we’ll figure it out together.”

Ayon sa magkasintahang Patrick at Aeriel, nakakaramdam din sila ng pressure dahil alam naman nilang ang pagpapakasal ay isang malaking hakbang sa buhay ng adulting. Pero sabi nga nila, magpapakasal sila at haharapain ang mga hamon nang magkasama.

Aniya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Wala na rin umanong nakikita na ibang babaeng papakasalan si Patrick kundi si Aeriel lamang, kaya’t hindi na rin niya patatagalin na pakasalan ito.

“Living together but not sleeping in the same bed.”

Isa sa mga nakakamangha sa magkasintahang Patrick at Aeriel ay kahit magkasama na sila sa iisang bahay ay hindi sila nagtatabing matulog.

patrick aeriel wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Aeriel Garcia

Ayon kay Patrick, ang dahilan nito ay dahil matibay ang kanilang paniniwala sa Kristiyanismo. Aniya pa, ang pagsasama pa lamang nila sa iisang bahay ay hindi na naaayon sa kanilang paniniwala.

Kaya naman bago pa man magdesisyon si Patrick at Aeriel na magsama sa iisang bubong ay napagkasundunan na nilang hindi matulog sa iisang kama. Ito ay upang makaiwas na rin sa temptasyon hanggang sila ay maikasal.

Matatandaan na nabinyagan ng Kristiyanismo ang magkasintahan, April noong 2019.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Ayon kay Patrick Sugui, nagkaroon siya ng dark moments kung saan nagkakaroon ng mga pagkakataon na hindi na nito nakakasundo ang kanyang pamilya.

At dumating ang araw na na-realize ni Patrick na mali na ang kanyang ginagawa, dahilan para maghanap siya ng masasandalan.

Kwento pa ni Sugui, ang ikalawang date nila bilang magkasintahan ay naganap sa Christian Church. Kaya naman matapos nang araw na iyon, ay parehas na nilang hinahanap ang presensya ng Panginoon sa kanilang buhay.

Isa ito sa mga dahilan kaya napagdesisyunan ng magkasintahan ang magpabinyag sa Kristiyanismo. Ito ang pinakamalaki at importanteng sandalan ng kanilang matibay na relasyon ang kanilang paniniwala.

YouTube, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Shena Macapañas

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Patrick Sugui at Aeriel Garcia ikinasal na: "You started sparks in me that no one else can forge."
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.