X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"

5 min read
McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"

Kahit pagod galing sa trabaho ay kaagad itong nawawala kapag nasisilayan na ni McCoy de Leon ang kanyang mag-ina.

McCoy de Leon hindi nadadama ang pagod dahil kina Elisse Joson at Baby Felize. Ito’y kahit pa busy sa pagkayod ang aktor para sa kanyang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Message ni McCoy de Leon kina Elisse Joson at Baby Felize
  • 1st birthday ni Baby Felize

Message ni McCoy de Leon kina Elisse Joson at Baby Felize

Gagawin ng isang padre de pamilia ang lahat para sa kanyang pamilya. Isa sa nakaka-relate diyan ay si McCoy de Leon, na humuhugot ng lakas mula sa kanyang mag-ina.

Maraming netizen ang kinilig sa naging message ni McCoy de Leon para sa kanyang mag-ina na sina Elisse Joson at Baby Felize.

Binahagi ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon ang nadatnan niya sa bahay pag-uwi galing sa trabaho. Makikita sa Instagram post ni McCoy na mahimbing na natutulog sina Elisse at Felize sa kama.

May hawak pang dede si Baby Felize habang nakalapit ang ulo nito sa kanyang mommy. Si Elisse naman ay nakatalukbong sa kumot at tahimik na natutulog.

mccoy de leon elisse felize

Larawan mula sa Instagram account ni McCoy de Leon

Ayon kay McCoy, hindi niya alintana ang pagod sa kanyang nadatnan sa kanyang pag-uwi kahit pa naging busy sa pagtatrabaho.

“Kung ganto ba naman bungad sayo pag uwi mo galing trabaho… Tanggal talaga pagod mo.”

Lahad sa caption ni McCoy na nilagyan pang hashtag na #mylife.

Samantala, natuwa naman ang mga netizen sa pagpapakita ni McCoy ng pagmamahal kina Elisse at Baby Felize. Heto ang ilan sa kanilang naging reaksyon:

“Totoo Yan Mccoy masaya at proud kami makita how you and Elisse is so happy living a contented loving and healthy committed famiy life with your daughter FELIZE DE LEON.”

“Deserve nyo ang happiness and fulfilment nyo as family because you both a good and kind person.”

“Mccoy ganoon tlga kapag pamilyado ka na every single day with them is always a happy feeling and precious gift given by God.”

mccoy de leon elisse

Larawan mula sa Instagram account ni McCoy de Leon

Matatandaan na sa isang panayam kay Elisse, nasabi niya na nagpapasalamat siya dahil si McCoy ang naging partner niya in life.

Ito’y dahil sobrang responsable ni McCoy bilang tatay sa kanilang anak. At kahit may mga obligasyon ito sa trabaho ay sinisiguro pa rin ni McCoy na may time siya para kay Felize.

“I am thankful na si McCoy ang partner ko in all. Every day, kahit di ko nasasabi sa kaniya, nakikita ko yung pagiging responsible niya na tatay.”

“Lagi ko ngang sinasabi kay Felize kahit hindi niya pa naiintindihan. She’s very lucky to have McCoy as her dad. He’s very responsible, very hands on and he’s really working hard para kay Felize, para sa amin.”

BASAHIN:

Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”

John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: “Stay mabait and sweet my love”

Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I’d experienced.”

mccoy de leon elisse felize birthday celebration

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

1st birthday ni Baby Felize

Noong April 10 ay magkasamang ipinagdiwang nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang unang kaarawan ng kanilang anak na si Baby Felize.

Sa Instagram post ni McCoy, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang anak. Doon niya sinabi na nagpapasalamat siya kay Baby Felize dahil sa pagiging masaya nito palagi.

Ayon pa kay McCoy, hindi niya alam kung papaano maisosoli sa anak ang sayang dulot nito sa kanyang buhay. Nangako din ang aktor na forever niyang mamahalin si Baby Felize.

“Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan. Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak. Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghabangbuhay.”

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Hiniling din ni McCoy na sana ay mabasa ng kanyang anak ang liham nito para malaman ni Baby Felize na handang gawin ng kanyang daddy ang lahat para sa kanya.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe si Elisse kay McCoy. Kung saan sinabi ng aktres na mahal na mahal niya rin ang kanilang anak ni McCoy.

“Mommy loves you so much, Felize. We love you!!! Happy birthday my one year old.”

Sa panibagong YouTube post ng talent manager na si Ogie Diaz, pinasilip nito ang ilang kaganapan sa nangyaring birthday party para kay Baby Felize.

Present sa naturang birthday event ang ilang malalapit sa mag-partner. Katulad nina Hashtags member na sina Wilbert Ross, Zeus Collins at Ryle Santiago. Naging miyembro si McCoy ng grupo na dating sumasayaw sa noontime show na ‘It’s Showtime’.

Nandoon din ang couple na sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Ayon kay Ogie Diaz, magkakaroon siya ng separate na interview kina McCoy at Elisse para sa kanyang YouTube channel. Sambit pa ng talent manager, may isang tanong kung saan mangiyak-ngiyak si McCoy.

YouTube, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.