X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: "Stay mabait and sweet my love"

4 min read
John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: "Stay mabait and sweet my love"

Anim na taon na ang panganay nina John Prats at Isabel Oli na si Feather!

Masayang ipinagdiwang ng mag-asawang sina John Prats at Isabel Oli ang ika-anim na taong kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Lily Feather Prats.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe nina John Prats at Isabel Oli sa anak nilang si Feather
  • Ano ang dapat malaman kung 6 years old na ang anak?

Mensahe nina John Prats at Isabel Oli sa anak nilang si Feather

Excited na ibinahagi ng mag-asawang sina John Prats at Isabel Oli ang kaganapan sa celebration nang ika-anim na taong kaarawan ng kanilang first baby girl at panganay na si Lily Feather Prats.

Sa Instagram account ng actor at comedian na si John Prats, proud daddy siyang ibinahagi ang past and present photo nila ng anak na si Feather.

Makikita na pinost niya ang larawan niyang karga-karga si Feather noong sanggol pa lamang at sinundan ito ng pagre-remake muli ng larawan kung saan karga naman na niya ang anak na malaki na.

Makikita sa dalawang larawan ang labis na saya ni John Prats sa pagbuhat sa kanyang anak. Nilagyan niya rin ito ng caption na nagpapakita ng kanyang pagmamahal kay Feather.

 
john prats isabel oli

Larawan mula sa Instagram account ni John Prats

“Blessed birthday my 1st born! Papa and Mama love you sooo much! Stay mabait and sweet my love”

Bukod dito ay ipinakita rin ni John Prats ang ilang kaganapan sa kaarawan ng kanyang anak kung saan makikita ang set-up ng playground para sa mga dumalong bisita at kaibigan ni Feather.

Pinost din niya ang kanilang family picture kasama ang misis na si Isabel Oli at ang tatlo nilang anak na sina Lily Feather, Forest, at Daniel Freedom Prats na kapwa nasa bubble pool.

 
john prats isabel oli

Larawan mula sa Instagram account ni John Prats

Sa Instagram account naman ng model at aktres na si Isabel Oli, ipinasilip niya rin ang 6th birthday party venue ng kanyang anak. Sa ipinost niyang video makikita ang makukulay na lobong nakaset-up at ang playground na talagang mai-enjoy ng bata.

Nakita rin dito na tinatakpan ni John Prats ang mata ng anak para sorpresahin at nang makita ang buong venue ay labis ang tuwa ni Lily Feather. Hindi naman kinalimutan ni Isabel na pasalamatan ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang birthday party ng kanilang anak.

“I really appreciate the help of my party suppliers for making my daughter’s birthday a memorable one. God bless you guys!!!”

Sabay isa-isang minention ang bawat party suppliers para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Feather.

Nakakatakam din na ipinost ni Isabel ang birthday cake para sa kanyang anak na si Feather. Super cute and fun ang design and colors ng cake kung saan nagpasalamat din siya sa nagbigay nito dahil mula pa raw noong unang birthday ni Feather ay ito na ang nagsu-supply sa kanila ng cake ng kanilang panganay.
 
john prats isabel oli

Larawan mula sa Instagram account ni Lily Feather Prats

 

Hindi lang ang parents na sina John Prats at Isabel Oli ang nagbahagi ng kuwento tungkol sa kaarawan ni Feather, siyempre hindi rin papahuli ang mismong birthday girl!
 
Sa Instagram account ni Feather, nag-post din siya patungkol sa masayang birthday party na naganap. Makikita ang kanyang larawan na nakasuot ng makulay na skirt na match sa colorful theme ng kanyang party.
 
Masayang nag-pose ang birthday girl kasama ang malaking ‘6’ sa kanyang likod. Katulad ng kanyang parents ay nagpasalamat din siya sa kanilang naging supplier upang magawa nang maganda ang pagdiriwang.

BASAHIN:

LOOK: Ziggy Dantes nagdiwang ng kaniyang 3rd birthday!

Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: “You are and will always continue to be God’s biggest blessing”

LOOK: Anne Curtis at Erwan Heussaff ipinagdiwang ang 2nd birthday at binyag ni Baby Dahlia

 

Ano ang dapat malaman kung 6 years old na ang anak?

Habang tumatanda ang inyong anak ay nadadagdagan din ang kanilang development. Bawat taon na sila ay magdiriwang ng kaarawan ay may mga pagbabagong magaganap sa physical, mental, at iba-iba pang areas.
 
Kung anim na taon na ang anak, ano-ano kaya ang mga pagbabagong ito? Narito ang ilan sa kanila:
  • Mas complex at may involvement na ng rules ang kanyang lalaruin dahil mayroon na siyang alam sa pagkontrol ng kanyang behavior at emotions.
  • Matututo na siyang magkaroon ng kaibigan at maging kaibigan.
  • Nago-grow na ang kanilang awareness kaya napapansin na nila ang mga balita tulad ng distressing news stories at problema sa paligid.
  • Magkakaroon ng mabuting pag-unawa sa cause and effect ng mga bagay-bagay.
  • Nagi-improve ang memory.
  • Mas nagkakaroon na ng mahaba at complex na conversations at nakakapag-voice out ng opinions.
  • Nade-develop ang morals and values.
 
Instagram, Raising Children
 
 
Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: "Stay mabait and sweet my love"
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.