X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: "You are and will always continue to be God's biggest blessing"

5 min read
Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: "You are and will always continue to be God's biggest blessing"

Itinuturing ni Judy Ann Santos na "God's biggest blessing" ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Pinakilig ni Judy Ann Santos ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo para sa pagdiriwang ng 43rd birthday ng TV host.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Judy Ann’s message for Ryan Agoncillo
  • Pag-iibigan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
  • Paano napapanatili ni Ryan at Judy Ann ang kanilang harmonious relationship

Judy Ann’s message for Ryan Agoncillo

Pinagdiwang ni Ryan Agoncillo ang kanyang 43rd birthday nitong Linggo.

Kaya naman sa Instagram post ng kanyang misis na si Judy Ann Santos ay may sweet message ito para sa kanya.

Ayon kay Juday, si Ryan ang tinuturing niyang kanyang “my life, my heart, my soul”. Isa ring mabuting ama si Ryan para sa kanilang tatlong anak na sina Lucho, Yohan at Luna.

“My life, my heart, my soul.. a wonderful father to our 3 beautiful, amazing children.”

“You are and will always continue to be Gods biggest blessing.. I love you forever.”

Napa-react naman si Ryan sa birthday post ng kanyang misis, nag-comment si Ryan ng tatlong heart emoji para ipakita ang appreciation kay Juday.

Samantala, ilang celebrity pa ang bumati kay Ryan tulad nina China Cojuangco, Gladys Reyes, Beth Tamayo, Bianca Gonzales, at Pia Guanio.

ryan agoncillo birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Sa ilang serye ng Instagram story ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay makikita ang pag-celebration ni Ryan. Present ang dalawang celebrity sa pagdiriwang ng kaarawan ng Eat Bulaga host.

Sa naturang video, kasama ni Ryan Agoncillo ang kanyang misis na si Judy Ann at kanilang mga anak sa pag-awit ng ‘Happy Birthday’ song.

May ilan ding cake sa table na sinubukang patayin ni Ryan ang apoy mula sa birthday candle sa pamamagitan lang ng pagpalakpak.

BASAHIN:

Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: “Just be yourself”

Lara Quigaman shares asawa tips: “Look back and remember how you were before, what you love about each other.”

Jessy Mendiola may hiling sa kanyang Lebanese father: “Please just come home with me”

Pag-iibigan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos

Taong 2020 ay gumawa ng Instagram series si Ryan Agoncillo na pinangalanang #storiesforlucho. Ito ay para magkaroon sila ng ikukwento sa kanilang mga anak hanggang sa kanilang pagtanda.

Doon nabanggit ni Ryan ang unang beses na nakita niya si Judy Ann noong magkaroon sila ng pictorial bilang celebrity.

2001 noong una niyang makita ni Ryan si Judy Ann. Kwento ni Ryan, nang ayain siya ng photographer para sa test shot ay nasa dulo ng studio si Juday.

Lakas loob na binati ni Ryan si Judy Ann, ngunit huli na noong kanyang ma-realize na hindi nga pala sila magkakilala noon.

“The moment the word left my lips, our eyes locked in the mirror. SH@T, Di Nga pala Kami magkakilala! I smiled, and ran to the nearest exit.”

ryan agoncillo birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Sa interview naman ni Karen Davila kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, naikuwento ni Juday na una pa lang ay nahulog na siya sa kanyang mister.

Wika ni Judy Ann, ang pagiging honest ni Ryan ang isa sa katangian na kanyang nagustuhan dito. Tinuturing din ni Judy Ann na ang kanyang relasyon kay Ryan ang maituturing na “first serious relationship” na kanyang pinasok.

Si Ryan din ang tinuturing niyang missing piece sa kanyang buhay ayon kay Judy Ann. Aniya, simula noong kanyang makilala si Ryan ay naramdaman niyang ito ang binigay sa kanya ng Diyos.

“I prayed for a partner who would show me what life is. And then when Ryan came along, I saw na this is the life that I’m missing, this is the life that I want.”

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
ryan agoncillo birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Paano napapanatili ni Ryan at Judy Ann ang kanilang harmonious relationship

Taong 2009 noong ikasal sina Ryan at Judy Ann. Ispesyal ang naging proposal ni TV host para kay Judy Ann, na kinukunsidera bilang isa sa pinakasikat na Filipina celebrity.

Lahad ni Ryan, humiling sa kanya noon si Judy Ann na sumama sa shooting ng pelikulang Ploning para makagawa ng libro para sa behind the scenes.

Doon na inilagay ni Ryan ang kanyang proposal kay Judy Ann. Sa dulo ng isang kopya ng libro ay nilagyan niya ito ng “Will you marry me?” na may singsing nang kasama.

Yes naman ang naging sagot ni Judy Ann, at ikinasal sila ni Ryan sa isang pribadong ceremony sa San Juan de Nepomuceno Church sa Batangas.

Ayon naman sa dalawa, ang pinakamahalagang parte ng kanilang pagsasama ay ang communication. Ito umano ang sikreto para hindi na lumaki ang mga issue nila sa isa’t isa.

Para naman sa mga finances, mayroon silang joint account. Ngunit nagkasundo din ang mag-asawa na magkakaroon sila ng hiwalay na pera para sa kanilang mga gustong pagkagastusan.

“Even before pa kahit noong bagong kasal kami, ang usapan namin “sa pagsasama natin ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko.”

Ito ang pahayag ni Judy Ann pagdating sa pag-handle ng kanilang mga finances.

Wala namang problema kay Judy Ann sa kung anong gustong bilhin ni Ryan basta’t magbigay ito ng parte sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Instagram, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: "You are and will always continue to be God's biggest blessing"
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko