Lara Quigaman shares asawa tips. Inaalala rin ng dating beauty queen ang mga panahong bagong kasal palang sila ng mister na si Marco Alcaraz.
Mababasa sa artikulong ito:
- Lara Quigaman shares asawa tips.
- Tips para sa masaya at healthy na buhay may asawa.
Lara Quigaman shares asawa tips
Image from Lara Quigaman’s Instagram account
Nito lamang Enero ay nag-celebrate ng kanilang 11 wedding anniversary ang celebrity couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz. Sina Lara at Marco ay unang ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ceremony sa Vancouver, Canada noong 2011. Sa sumunod na taon ay ikinasal naman sila dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Christian wedding ceremony.
Sila Lara at Marco ngayon ay mayroong tatlo ng anak. Nitong nakaraang araw sa kaniyang Instagram account ay nagbalik-tanaw si Lara noong mga panahong bagong kasal palang si Marco. Kalakip nito ang mga larawan ng kanilang bakasyon sa London noong 2011 matapos silang maikasal.
View this post on Instagram
Sa caption ng post ni Lara ay sinabi niyang noong una ay mainit ang ulo niya kay Marco. Pero nang makita niya ang mga old photos nila noon sa London ay nawala ang init ng ulo niya at pabirong sinabi na mas matutuwa pa siya sa asawa kung may dala itong pasalubong sa kaniya.
“Found photos from our London trip a few months after we got married in 2011…. kanina mainit ulo ko kay @marcoalcaraz but when I saw these, mejo nawala na. Lalo na siguro pag may pasalubong siya sa akin mamaya”
Ito ang bungad ni Lara sa kaniyang Instagram post.
Kasunod nito ay may ibinigay na asawa tip si Lara base sa karanasan niya. Payo ng dating beauty queen, normal lang sa mag-asawa na maiba ang tingin sa isa’t isa sa pagdaan ng panahon. Pero makakatulong umano na patuloy lang patawarin at mahalin ang isa’t isa magkaganoon pa man.
“Remember, you may not like your spouse’s right now and that’s okay, normal yan- just remember at the end of the day you are a team, make the decision to fight for each other, choose to forgive and love.”
Dagdag pa niya, makakatulong rin na balikan ang mga panahong nagsisimula palang ang pagmamahalan ninyo. Ganoon rin ang pag-alala sa kung anong nagustuhan ninyo sa isa’t-isa.
Sa huli ay sinabi ni Lara na mahal niya ang asawang si Marco kahit na siya ay inis dito.
“It also helps to look back and remember how you were before, what you love about each other… O ayan @marcoalcaraz #AsawaTips for us, love you kahit inis ako sayo #pasalubong.”
Ito ang asawa tips na ibinahagi ni Lara.
Image from Lara Quigaman’s Instagram account
Reaksyon ng mga netizens
May mga netizens naman ang naka-relate sa post na ito ni Lara. Nagpasalamat sila sa ibinigay na asawa tip ni Lara. Mayroon din namang nag-share ng experience nila sa kanilang buhay may asawa.
“Kakarelate ako dito. Thank you sa tips.”
“So true. May mga araw na naiinis ako sa asawa ko, kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Pero i can’t stop loving and caring for him.”
Ito ang komento ng netizens na asawa tips na ibinahagi ni Lara Quigaman.
BASAHIN:
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya
Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: “Just be yourself”
Marco Alcaraz’s asawa tips
Image from Lara Quigaman’s Instagram account
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng asawa tips ang mag-asawang sina Lara at Marco sa mga followers nila.
Nitong Enero sa kanilang 11 wedding anniversary ay may nakakatuwa at sweet na mensahe si Marco sa misis niyan si Lara.
Maliban sa pagbati ng happy wedding anniversary at pagsasabi ng mahal kita sa kaniyang misis, may sinabi si Marco na nanaising marinig ng kahit sino mang misis sa mundo. Ito rin ay ang asawa tip na payo naman ni Marco sa mga mister na tulad niya.
“Bago matapos ang araw na ito I wanna greet my gorgeous wife happy anniversary. Maraming salamat for loving us unconditionally.
You are the perfect wife and mother… I’m not perfect but Iahat ng sweldo ko sa ‘yo. Mahal na mahal kita. Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage.” #HappyWifeHappyLife and #asawatipsnimarco.”
Sa iba pang Instagram post ni Marco ay may iba pa siyang tips para sa mag-aasawa. Isa na nga rito ang pagpapalampas kung minsan ng mga nakakainis na kilos ni mister o misis. At syempre ang pagpapatawad at patuloy na pagmamahal sa isa’t-isa.
Dagdag pa niya, hindi pera ang batayan o ugat ng masayang pagsasama. Kung hindi ang pakikitungo at loyalty ng mag-asawa sa isa’t-isa.
“No Marriage is perfect. Those celebrating 30, 40, 50 years of togetherness, they’re celebrating forgiveness, tolerance, ignoring husbands stupidity, overlooking the wife’s misbehaviors. Money does not determine a better marriage but character and loyalty does.”
Ito ang sabi pa ni Marco.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!