TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya

3 min read
Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya

Narito kung paano ipinaramdam ni Marco Alcaraz ang kaniyang pagmamahal sa kaarawan ng misis niyang si Lara Quigaman.

Lara Quigaman birthday celebration binigyang kilig at saya ng isang simpleng mensahe mula sa kaniyang asawang si Marco Alcaraz.

Lara Quigaman birthday celebration, naging sobrang saya!

Ngayong araw Enero 3, ay ipinagdidiwang ng dating beauty queen na si Lara Quigaman ang kaniyang ika-37 na kaarawan. Hindi nga pinalampas ng kaniyang mister na si Marco Alcaraz ang importanteng araw na ito at binati ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Kalakip nga ng pagbati ni Marco Alcaraz sa misis ay isang nakakakilig na mensahe na paniguradong gustong marinig ng kahit sinong maybahay mula sa kanilang mister.

Ang mensahe ni Marco sa kaniyang misis ay ito.

“To The Best Wife, Best Mom, Best Daughter, Best Friend, Best Actress ???????????????? Happy Happy Birthday!! Enjoy your working birthday and continue to inspire people. We Love you and marami nagmamahal sayo ❤️ P.S. ATM ko nasa wallet mo pa kaya withdraw ka lng at bilin mo kahit ano gusto mo. Hehehe”

lara quigaman birthday celebration

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Hindi lang ito ang unang beses na ipinakita ni Marco kung gaano niya ini-spoil ang asawa sa kaniyang pagsuporta at pagmamahal. Dahil ilang araw bago pa ang kaarawan ni Lara Quigaman ay pinagdiwang din nila ang kanilang 9th wedding anniversary. At sa pamamagitan parin ng isang Instagram post ay isang mensahe ang ibinigay ni Marco kay Lara na siguradong ang masasambit lang ng sinumang misis na makakarinig ay “sana all”.

Lara Quigaman and Marco Alcaraz wedding anniversary

“IS THIS A DREAM? ????

Tomorrow is 2020.. It marks 9 years that I’m married to this amazing woman. Feel so blessed waking up beside her everyday, the most beautiful woman I know even without make up. She’s the best Mom to Noah & Tobias.

And she’s also The BEST actress for me. Congrats Tita Alice!! Happy Anniversary and I LOVE you Forever. Sayo na lahat ng Pera ko ☺️”

lara quigaman birthday celebration

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Ngunit kahit walang mahalagang okasyon ay hindi parin naman mapipigilan si Marco Alcaraz na ipakita ang pagmamahal niya sa kaniyang misis. Pagmamahal na may kalakip na sense of humor at birong lahat ng misis ay makakarelate.

marcoalcaraz

Ang tawa nya nung nakuha nya lahat ng sweldo ko ????
ang d nya alam kaya nakangiti rin ako.. may konte akong kupit????

lara quigaman birthday celebration

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Maliban nga sa mga sweet posts at messages na ito ay makikita rin ang sobrang pagmamahal ni Marco sa asawa sa mga byahe nilang magkasama sa iba’t-ibang lugar sa mundo. Sa mga malalagkit na titig palang ni Marco kay Lara ay mararamdaman mo na pagka-proud at pagmamahal niya sa asawa.

lara quigaman birthday celebration

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Lara Quigaman and Marco Alcaraz family

Lalo na sa pagiging mabuting ina sa kanilang dalawang anak na sina Noah, 7 at Tobias, 1. Dagdag pa nga ni Marco kahit dalawa na ang anak nila ay hindi parin nagbabago ang kaniyang asawa na sexy at napakaganda parin sa paningin niya.

Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya

Image screenshot from Marco Alcaraz Instagram account

Bago maikasal si Marco Alcaraz at Lara Quigaman ay naging magkasintahan muna sila sa loob ng tatlong taon. At noong January 1, 2011 ay una silang ikinasal sa Vancouver, Canada sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Sinundan ito ng isang Christian wedding ceremony noong July 8, 2012 sa Hacienda Isabela sa Tagaytay.

Source:

ABS-CBN News

LOOK: Cute photos ng pamilya ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko