Anne Curtis at Erwan Heussaff, sabay na ipinagdiwang ang 2nd birthday at binyag ng kanilang unica hija na si baby Dahlia Amelie.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baby Dalhia 2nd birthday at binyag
- Anne Curtis bilang happy mom kay baby Dahlia
- mother-daughter bonding ideas
Baby Dalhia 2nd birthday at binyag
Ibinahagi ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang pagdiriwang ng 2nd birthday at binyag ng kanilang anak na si baby Dahlia.
Higit na naging espesyal ang araw na iyon dahil hindi lamang isa kundi dalawang celebration ang kanilang ginawa at pinaghandaan para sa kanilang unica hija.
Pagbabahagi ng aktres na si Anne Curtis,
“Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amélie and welcomed her to the Christian world.”
Kagaya lamang ng ilang mga magulang, dalangin nila para sa anak ay ang mapanatiling ligtas ang kanilang anak mula sa kahit anong kapahamakan habang ito ay lumalaki. Ibinahagi ni Anne kung ano ang kaniyang panalangin para sa anak na si baby Dalhia.
Ayon sa kaniya,
“We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up.”
Hindi rin niya nakalimutang sabihin kung gaano niya ka-mahal ang kaniyang anak.
“On t’aime tellement notre petite fleur,” sambit niya at ang ibig sabihin ay “We love you so much, our little flower.”
Makikita sa litrato ang simple subalit masayang litrato ng pamilya nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia. Napalilibutan naman ang lugar na pinagdausan ng 2nd birthday at binyag ni Dahlia ng kulay rosas na mga bulaklak.
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
Wala pang isang araw ay umani na ng libo-libong likes ang uploaded celebration photos ng mag-anak. Makikita rin sa comment section ang napakaraming maligayang pagbati para kay baby Dahlia mula sa mga netizen pati na rin sa ilang mga sikat na personalidad na malapit sa mag-asawa.
“Happiest birthday Dahlia,” pagbati ng co-actress ni Anne Curtis na si Bianca Gonzales.
Hindi rin ito nakalimutang batiin ng anak ni Francis M na si Maxene Magalona. Ayon sa aktres,
“Oh, how precious. Happy birthday baby darling Dahlia!”
Hindi rin papahuli sina Iya Villana, Mariel Padilla, Liz Uy, Marian Rivera, at ilan mga mga mommies at sikat na personalidad na malapit sa pamilya ni Anne at Erwan.
Anne Curtis bilang happy mom kay baby Dahlia
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na sa kasalukuyan, pansamantalang iniwan muna ni Anne Curtis ang mundo ng showbiz. Simula nang ipanganak ang kanilang first baby na si Dahlia Amelie ay hindi na muna nasilayan ang aktres sa television.
Nanatiling active si Anne sa pagbabahagi ng ilang parte ng kanilang buhay sa pamamagitan ng social media account nilang mag-asawa. Mapapansin dito na talaga namang very hands-on si Anne sa pagiging ina kay Dahlia.
Sa isang interview kasama ang Lifestyle Asia, ibinahagi niya ang ilan sa mga bagay na kaniyang natutunan mula ng kinuha niya ang challenging role ng pagiging ina at magulang.
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
Ayon kay Anne Curtis,
“I’ve had a lot of time to really concentrate on being a mother and spending time with my family.”
Hindi niya pinalampas ang pagkakataong ito upang ituon ang kaniyang buong oras at sarili sa pag-aalaga sa anak at pagkakaroon ng maraming bonding time bilang pamilya.
Pagbabahagi pa ng aktres,
“I’m so grateful that I’ve actually had all of this time to really concentrate and treasure every single moment and second of being a mother.”
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
BASAHIN:
LOOK: Anne Curtis balik showbiz two years mula ng manganak kay Baby Dahlia
Anne Curtis opens up about her motherhood journey: “I can’t imagine my life without Dahlia anymore.”
LOOK: Anne, Erwan, and Baby Dahlia vacationing in Paris
Mother-daughter bonding ideas
Ang pagkakaroon ng oras upang magkaroon ng bonding experience ang mag-ina ay malaki ang maitutulong upang mas mapalapit at maging connected sa isa’t isa.
Ang mga oras na ginugugol ninyo ng magkasama habang masayang ine-enjoy ang company ng isa’t isa ay magreresulta sa magandang samahan at relasyon bilang pamilya.
Darating ang araw na daraan kayo sa ilang mga pagsubok at hindi pagkakaunawan. Subalit ang matatag na pundasyon at bond na nabuo ninyo bilang mag-ina ay makakatulong upang malampasan niyo ang mga ito.
Simple lamang ang mga bonding ideas na ito, subalit makakatulong upang mapanatiling malapit ang loob ninyo sa isa’t isa.
Hindi mahalaga ang lugar, mas mahalaga na nagkaroon kayong dalawa ng oras upang lumabas at magkasama ng kayong dalawa lamang. Ang oras na ginugugol ninyo ng magkasama ay inyong investment sa pagkakaroon ng mas matibay na relasyon.
-
Sabay na matuto tungkol sa feminism
Maaaring sayo manggaling o pwede rin namang sabay kayong matuto ukol sa feminism. Dahil pareho kayong babae, bilang ina, isa itong magandang paraan upang ma-empower mo ang iyong anak at mapalakas pa ang kaniyang loob.
-
Mag-exercise nang magkasama
Hindi lamang relasyon ninyong dalawa bilang mag-ina ang inyong mapapatibay kundi pati na rin ang inyong kalusugan. Makaka-relate kayo sa maraming bagay, pati na rin sa exercise routine.
Bukod sa magsisilbi itong oras para sa bonding, higit pa ninyong mapapaganda ang inyong katawan at kalusugan nang magkasama.
-
Turuang magluto ang iyong anak
Bukod sa itsura at ugali, maaari mo ring ipamana sa iyong anak ang iyong favorite recipe! Maaari mong turuan ang iyong anak kung paano magluto o magbake.
Tandaan na ang bawat oras na ibinibigay ninyo para sa isa’t isa ay hindi kailanman mauuwi sa wala. Magreresulta lamang ito sa magandang samahan bilang mag-ina at bilang pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!