X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: "Priorities first, ipon first"

4 min read

Elisse Joson at McCoy de Leon wedding pinag-iipunan na raw nila. Elisse at McCoy may ibang priorities sa ngayon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Elisse Joson at McCoy de Leon wedding.
  • Mga bagay na ayaw at gusto ni Elisse at McCoy sa isa’t-isa.

Elisse Joson at McCoy de Leon wedding

Sa kanilang pinaka-bagong vlog ay sinagot ni Elisse Joson at McCoy de Leon ang ilan sa mga tanong na matagal na nilang nais ipasagot sa isa’t-isa. Gamit ang game na “Sagot o Lagot” ay isinakatuparan na nga ito ng magka-pareho.

Isa nga sa mga naitanong sa ginawa nilang game ay kung kailan nga ba binabalak ng dalawa ang magpakasal. Sa ngayon ayon kay McCoy ay wala pa silang date na naiisip ngunit sigurado raw siya na kung may babae man siyang papakasalan walang iba kung hindi si Elisse iyon.

Ayon naman kay Elisse, sa ngayon ay mayroon silang ibang priorities. Bagamat dagdag niya ay pinag-iipunan naman na raw nila ang pagpapakasal.

“When the time is right, we’ll feel it. Priorities first, ipon first.”

Ito ang nasagot Elisse.

Mga bagay na ayaw at gusto ni Elisse at McCoy sa isa’t isa

Elisse Joson at McCoy de Leon wedding

Image from Elisse Joson’s Facebook account

Sa parehong game ay inamin din ni McCoy at Elisse ang mga bagay na ayaw nila sa isa’t isa. Ganoon din ang mga naging pagbabago sa kanila ng sila ay magkaanak na at magkaroon na ng sarili nilang pamilya.

Para kay McCoy tanggap na tanggap niya na raw ng buong-buo kung sino si Elisse. Ito daw ang isang patunay kung gaano niya ito kamahal. Pagbabahagi ni McCoy

“Wala kasi tanggap ko kung ano siya. Mahal ko siya kung anong mga flaws niya.”

Si Elisse naman ay naging honest ng sabihing ang pagiging mainitin ng ulo ng McCoy ang kinakaayawan niya dito.

“So ‘yong pinakaayaw ko, kapag meron ka ng naka-set sa mind mo ayaw mo ng mabago ‘yon. Kasi kapag nabago ‘yon iinit ‘yong ulo mo.”

Ito ang sabi ni Elisse kay McCoy. Pero sa ngayon daw na mayroon na silang pamilya at anak ay mas minahal niya ito. Lalo na sa tuwing mayroon silang hindi pagkakaintindihan at gusto itong maayos agad ni McCoy.

“‘Yong pinakagusto ko naman sa ‘yo na natutunan ko this year kapag nag-aaway tayo sayo ko nakikita na gustong-gusto mong ayusin agad.”

Ito ang sabi pa ni Elisse kay McCoy.

Elisse Joson at McCoy de Leon with Felize

Image from Elisse Joson’s Facebook account

BASAHIN:

McCoy de Leon on marrying Elisse Joson: “Siya na ‘yong partner ko habang buhay”

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

Elisse Joson on pregnancy: “Hindi ko mapakita ‘yong excitement ko because I’m also scared”

McCoy at Elisse hindi inakalang magkakabalikan pa sila

Hindi na rin naman itinanggi ni Elisse na pagdating sa kanilang dalawa ni McCoy ay siya ang mas madalas mag-selos. Dahil ito naman umano ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal kay McCoy.

“Kung hindi ako selosa ibig sabihin  hindi kita mahal. Kaya sobrang selosa ako dahil sobra kitang mahal,” sabi pa ni Elisse.

Nilinaw rin ni Elisse sa naturang vlog episode na hindi kailanman naging rebound si McCoy sa nauna niyang relasyon noon. Paglilinaw niya kung ano mang nangyari sa loob ng PBB house noon kung saan sila nagkakilala at unang nagkasama ay totoo.

Ang lahat umano nang ito ay natural na nangyari at hindi rin naman umano talaga makakaila ang chemistry nilang dalawa. Pagkukuwento niya,

“Para sa akin hindi ko masasabing rebound ‘yon kasi yung chemistry natin nag-flow naman naturally.”

Ito ang sabi pa ni Elisse. Sa ngayon, matapos ang halos isang taong paghihiwalay noong 2020 ay ibinahagi rin ni McCoy at Elisse na hindi nila inakalang magkakabalikan pa sila. Sinubukan rin daw nilang makipag-date sa iba pero sadyang sila talaga ang ibinabalik ng tadhana sa isa’t-isa.

“Hindi naman planado na magkabalikan kami. We both tried na mag-open kami sa ibang tao. Wala naman problema doon sa mga experiences namin with other people.”

Ito ang sabi ni Elisse, Samantala, para kay McCoy naman itinuturing niya si Elisse na kaniyang greatest love. Dahil kay Elisse lang daw siya sobrang nasaktan at maraming natutunan.

“Kaya siguro siya ‘yong kasama ko ngayon hanggang sa pagtanda kasi sa kaniya ako naging malakas, sa kaniya ako natuto, sa kaniya ako masaya.”

Ito ang sabi ni McCoy. Sa huli ang pangako niya sa kaniyang mag-ina ay ito.

“Pangako ko sa ‘yo kahit saang sitwasyon tayo mapunta kasama si Felize hindi ko kayo susukuan”, sabi pa ni McCoy kay Elisse.

Elisse Joson at McCoy de Leon wedding plans

Image from Elisse Joson’s Facebook account

Source:

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: "Priorities first, ipon first"
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.