Angelica Panganiban sa anak sa first birthday nito: “Sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sakin kung pano maging isang ina.”

Aktres umamin na unang natakot sa responsibilidad ng pagiging isang ina. Pero ngayon enjoy na ito at sinabing pinakamasayang chapter ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban may sweet na mensahe sa kaniyang Baby Bean o Amila sa first birthday nito. Aktres isinalarawan ang nararamdaman bago ang oras ng maipanganak si Baby Bean.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Angelica Panganiban baby bean’s first birthday.
  • Sweet message ni Angelica sa anak niyang si Amila.

Angelica Panganiban baby bean’s first birthday

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Nag-isang taon ngayong September 20, ang anak ni Angelica Panganiban na si Baby Bean o Amila. Ang aktres kasama si Gregg Homan at Bean ay nasa Australia ngayon at nagbabakasyon. Sa Australia pinanganak si Gregg kaya naman ispesyal ang bansa at ito ang naisipan nilang bisitahin in time sa kaarawan ng anak.

Si Angelica nagbahagi sa Instagram ng mga larawan niya at kaniyang pamilya sa naturang bansa. Makikitang hindi lang basta nag-ienjoy si Angelica. Patunay rin ang mga larawan na ibinabahagi niya kung gaano siya ka-dedicated at hands-on mom kay Amila o Baby Bean.

Sa Instagram parin ay nagbigay ng mensahe si Angelica sa anak para sa kaarawan nito. Bungad niya sa kaniyang mensahe ang naramdaman niya sa mga oras na una niyang nakita ang anak. Pag-amin ni Angelica, noong una ay natakot siya sa responsibilidad ng pagiging isang ina. Pero sa tulong ng pagmamahal sa anak ay na-overcome niya ang takot niyang ito.

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sweet message ni Angelica sa anak niyang si Amila

“Punong puno ng takot ang buong pagka tao ko ng ganitong oras last year. Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin. Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo ?. Pero sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sakin kung pano maging isang ina. Hindi perpekto, pero sapat. Yun naman ang mahalaga.”

Ito ang sabi ni Angelica.

Pinasalamatan niya rin ang anak sa magic na ginawa nito sa buhay niya.  Saka ipinarating dito kung gaano niya ito kamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Salamat salamat salamat ng paulit ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko. Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isat isa? Mahal na mahal kita ng wagas ?”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement