Angelica Panganiban: “Nangyari din sa buhay ko ang magkaroon ng sariling baby shower.”

Pagbabahagi pa ni Angelica nasa stage na siya ngayon ng pagbubuntis na hirap na siyang kumilos ngunit ito ay talaga namang nai-enjoy niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban hindi lang masaya dahil nagkaroon na siya ng sariling baby shower. Very happy rin siyang malaman na maraming nagmamahal sa kaniya pati na ipinagbubuntis niyang sanggol.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban and Gregg Homan under the sea themed baby shower
  • Buhay ni Angelica Panganiban ngayon na siya ay buntis at malapit ng maging isang ina

Angelica Panganiban and Gregg Homan under the sea themed baby shower

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Unti-unti na ngang naisasakatuparan ng aktres na si Angelica Panganiban ang mga pangarap niya sa buhay. Kamakailan lang ay may isang dream siya sa kaniyang buhay ang natupad. Ito ay ang magkaroon ng sariling baby shower. Ang aktres hindi syempre pinalampas na i-share ito sa kaniyang Instagram account.

“Nangyari din sa buhay ko ang magkaron ng sariling baby shower.”

Ito ang bungad ni Angelica sa kaniyang pinaka-latest Instagram post na kung saan tampok ang ilang tagpo sa kaniyang baby shower na may under the sea theme.

Sa mga larawang ibinahagi ni Angelica ay makikitang glowing ang beauty ng aktres sa saya. Ganoon rin ang boyfriend niyang si Gregg Homan na hindi nawala sa kaniyang tabi.

Dinaluhan rin ang kanilang baby shower ng malalapit na kaibigan nina Gregg at Angelica. Pati na ang kanilang pamilya na labis ang pagmamahal sa dalawa.

“Napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang mga pamilya, kaibigan at kapamilya na tunay na masaya at naka suporta sa pinaka-mahalaga at pinaka pinangarap kong papel sa buhay ko. Napakadami namang nagmamahal samin.”

Ito ang sabi pa ni Angelica sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Present sa baby shower ng anak nila Angelica at Gregg ang kanilang mga ina at magiging mga lolas to be ng kanilang baby.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Nandoon rin ang ilang kaibigang celebrities ni Angelica tulad nina Anne Curtis, Agot Isidro at Maxene Magalona. Hindi rin nawala syempre ang naging tulay sa pagmamahalan ni Gregg at Angelica na si Cherry Pie Picache kasama ang boyfriend nitong si Edu Manzano.

Sa kaniyang IG stories ay pinasalamatan niya ito na may malaking papel daw sa buhay nila ni Gregg. Isa rin ito sa mga napili nilang maging ninang ng kanilang baby.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinasalamatan rin ni Angge ang kaniyang Star Magic family na siyang pumilit daw sa kaniya na isagawa ang baby shower. Ipinaabot niya rin ang pagpapasalamat niya sa mga taong nagpunta at naging daan para maging memorable ang baby shower niyang ito.

“Sa aking Star Magic family, sa pagkulit sakin na masaya at kailangan ko ang baby shower sa life ko. SALAMAT sa pagbuo nito. Sa lahat ng nagpunta at nagpaabot ng pagmamahal. At Syempre sa lahaaaat lahat ng bumuo para maging posible ang araw na ito.”

Wala man sa baby shower event ni Angge nag-send naman ng kanilang mensahe ang iba pa niyang mga kaibigan sa industriya. Tulad nalang nina Gelli de Belen at Glaiza de Castro.


gellidebelen
:
Happy for you. Congratulations @iamangelicap !!!! Enjoy mo yan. Mahirap pero soooo worth it.


glaizaredux
:
Waaaah may inaanak na akong sirena!! Congrats sa inyo bata!! Excited na akong makilangoy sa inyo diyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhay ni Angelica Panganiban ngayon na siya ay buntis at malapit ng maging isang ina

Samantala, sa isa sa vlog ni Angelica Panganiban ay ipinasilip niya ang buhay niya sa araw-araw na ngayon na siya ay buntis at malapit ng maging isang ina.

Makikitang sa ngayon ay siya ang lahat ng gumagawa sa mga gawaing-bahay. Mula sa pagluluto at paglalaba, si Angge mismo ang gumagawa. Ito daw ay natutunan niya noong 2019 na tingin niya ay naging paghahanda sa kaniya ng Diyos sa bagong role niya bilang isang ina.

“Natuto akong maglaba, kailan lang mga 2019. Nag-decide ako na hindi ako kukuha ng help sa bahay. Okay siya marami akong natutunan. Natuto akong maglaba, to clean up after myself kapag nagluluto ako. Parang siguro yun lang ‘yong hinintay ni Lord na okay ba kaya mo ba talagang alagaan yung sarili mo. So binigyan niya na ko ng baby.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Angelica.

Ngayon dahil malaki na ang tiyan ni Angelica, aminado siyang nasa stage na siya ng pagbubuntis na hirap na siyang gumalaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sobrang bigat ko nahirapan akong tumayo.”

“Nahihirapan na po akong umupo. Nandito na ako sa point ng pregnancy na sumasakit na ng major yung likod ko.”

Ito ang pagbabahagi pa ng aktres.

Si Angelica hanggang ngayon ay nagro-grocery pa rin para sa kanilang dalawa ni Gregg. Hirap man ng gumalaw sa ngayon, pag-sheshare ni Angge nai-enjoy niya ang pagbubuntis lalo na ang pag-aalala at pagmamahal ng mga tao sa paligid niya.

“Sarap din kapag buntis ano kasi sobra nilang maalaga. Hindi ka nakakapagbuhat ng mabibigat na bagay so aligaga sila kapag may mga kailangang bilhin.”

Ito ang nakangiting sabi pa ni Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis at nalalapit ng panganganak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement