Angelica Panganiban and Gregg Homan celebrates monthsary with their baby

Ipinasyal ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang first baby kasama ang asawa nito sa mismong araw ng kanilang monthsary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kakaibang happiness nga naman ang parenthood journey. Kaya nga hindi na napigilang ipasyal ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang first baby kasama ang asawa nito sa mismong araw ng kanilang monthsary.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban and Gregg Homan celebrates monthsary with their baby
  • Amila Sabine's Journey: Angelica Panganiban's first child

Angelica Panganiban and Gregg Homan celebrates monthsary with their baby

Talaga namang happiness na maituturing na i-celebrate ang monthsary ninyo ng iyong fiance, what more kung kasama pa ang inyong anak? Ganitong-ganito ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang mga social media accounts.

Sa kanilang Instagram account ng pamilya, ipinasilip niya dito ang ilang larawan mula sa celebration nila ng monthsary ng asawang si Gregg Homan.

Makikita sa mga larawan na ngiting-ngiting hawak ni Daddy Gregg ang kanilang baby. Habang nakikita naman sa kanilang anak ang pagka-"cringe" raw nito sa sweetness ng kaniyang parents,

"It’s mom and dads monthsary. Look at my face guys! - Captain Bean"

Masayang dinala ni Angelica Panganiban sa ang baby niya upang maranasan nito ang first sunset niya kasama si Gregg Homan. | Larawan kuha mula sa Instagram account ng The Homans Official

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbibiro niya rin sa caption na dapat daw alagaan ng asawa si Bean buong araw para sa kanya.

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang photos nilang pamilya sa iba pang lugar na kanilang ginalaan. Kasama sa inupload niya ay ang photos ng kanyang baby na nasa stroller at hawak-hawak ng daddy nito. Ayon sa aktres ito raw ang "first sunset" ng kanilang little one sa isang yatch. Pagka-caption niya,

"Our little captain enjoying her first sunset on yapak."

Masisilayan namang all smile ang sanggol sa mga photos na para bang enjoy na enjoy nga ito sa kanilang pamamasyal. Talaga namang ang little captain ay masaya sa pamamasyal nila gamit ang sariling yatch.

Amila Sabine's Journey: Angelica Panganiban's first child

Nakilala si Angelica Panganiban bilang isang mahusay na aktres partikular na sa pagiging kontrabida. Maraming pelikula na rin ang nasaksihan ng kanyang fans, na lubos na nagpahanga sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panibagong chapter ng buhay ni Angelica, ipinakita naman niya sa publiko kung gaano siya kadedicated at magpagmahal na ina ng tahanan.

Marami ang labis na natuwa nang malaman nilang magkakaroon na sa wakas ng baby si Angelica Panganiban. Nauna nang ibinahagi ito ng aktres nitong March lamang ng taong 2022.

Marami ang sumabay sa pagcecelebrate na ito ng kanilang pamilya kasama ang kanyang pinakamalalapit na kaibigan sa showbiz at kapamilya.

Ayon pa sa unang post niya na ito, isa raw ang pangyayaring ito sa pinaka mahalagang role niya sa buhay niya. Matagal na kasi niyang pangarap na maging isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ay! Na post!! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako."

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Bilang natural na palabiro, biniro niya rin ang followers na confirmed daw na may matres siya dahil dito. Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang mga pamilya at friends niya tumutulong sa kanya sa pregnancy journey,

"Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis."

Patuloy niyang sineshare sa kanyang vlog ang kanyang pregnancy journey maging ang revelation ng gender nito para sa kanyang followers.

Marami ang nag-celebrate kasama si Angelica Panganiban nang magsilang ito ng kanyang first baby. | Larawan kuha mula sa Instagram account ng The Homans Official

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang nine months na paghihintay, nagsilang si Angelica sa kanyang first little one nitong taon din nang September 20, Friday. Agad na ibinahagi ni Angelica ang photo ng kanyang baby girl kung saan nilagyan niya ito ng caption na,

"Bean waiting for you all my life."

Habang pinuno naman ng celebrities ang comment section ng pagbabahagi kung gaano sila kasaya para sa aktres. Kasama na sa mga nag-comment ay ang iba't ibang Kapamilya stars tulad nila Elisse Joson, Janine Gutierrez, Charlie Dizon, Barbie Imperial, Ryan Bang, Maxene Magalano, at Zanjoe Marudo.

Maging ang mga artista mula sa katapat na networj na GMA ay hindi rin nagpahuli. Bumati rin sina Marian Rivera, Camille Prats, Ryan Agoncillo, at Jasmine Curtis-Smith

Sumama rin sa pagbating ito sina ang mga singer at miyembro ng bandang Parokya ni Edgar at Callalily na sina Chito Miranda at Kean Cipriano. Ganun din sina Charlene Gonzales, Alyssa Valdez, Neil Arce, Kakai Bautista, at Cai Cortez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sinulat ni

Ange Villanueva