TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Angelica Panganiban and Gregg Homan beach wedding in Siargao

3 min read
LOOK: Angelica Panganiban and Gregg Homan beach wedding in Siargao

Sa pangalawang pagkakataon ikinasal muli sina Gregg at Angelica, ngayon present na ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa pag-iisang dibdib nila.

Gregg Homan at Angelica Panganiban beach wedding sa Siargao dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Gregg Homan and Angelica Panganiban beach wedding in Siargao.
  • Pagsasama ni Gregg Homan at Angelica Panganiban.

Gregg Homan and Angelica Panganiban beach wedding in Siargao

angelica panganiban and gregg homan wedding in siargao

Larawan mula sa Instagram

Ikinasal sa pangalawang pagkakataon sina Gregg Homan at Angelica Panganiban. Ang kanilang second wedding ay ginanap sa Siargao. Isang beach wedding na kung saan dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa.

Matatandaang noong December 31, 2023 ay unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa Los Angeles, California. Noon ang present lang sa kasal nilang dalawa ay ilang malalapit na kaibigan ni Angelica na sina Bea Padilla, Kim Chiu at Andoy Ranay. Pero sa beach wedding nila ay makikitang present na ang kanilang pamilya. Ganoon rin ang ilan pang malalapit na kaibigan ni Angelica sa showbizness. Kabilang na nga dyan ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ganoon rin si Glaiza de Castro, Anne Curtis, John Pratts, Kian Cipriano at Ketchup Eusebio.

Si Angelica nagmala-anghel sa suot niyang simpleng wedding gown. Makikita rin ang hindi mapigilan niyang saya habang naglalakad sa isle papunta sa mag-ama niyang sina Gregg at Baby Bean na naghihintay sa kaniya sa altar. Ang anak niyang si Bean ay tumayo ring flower girl ng kanilang kasal.

angelica panganiban beach wedding in siargao

Larawan mula sa Instagram

Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa bagong kasal. Kabilang na rito ang nagmula sa mga kaibigan nila sa entertainment industry na sadyang napakasaya para kay Angelica.

“To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni @gregg_homan ❤️ Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal!”

Ito ang mensahe ni John Pratts kay Gregg at Angelica. Siya ang tumayong ring bearer sa kasal nila.

angelica panganiban and gregg homan beach wedding

Larawan mula sa Instagram ni John Pratts

Love story ni Gregg Homan at Angelica Panganiban

Present rin sa kasal ni Angelica at Gregg ang aktres na si Cherry Pie Picache. Ito umano ang naging daan para magkakilala ang dalawa. Ang dapat ay date lang ay nasundan ng mas madalas nilang paglabas at tuluyang pagka-inlove sa isa’t-isa. Marami umanong pagkakaparehas si Gregg at Angelica. Ang aktres nalamang si Gregg na ang ‘the one’ sa kaniya ng minsang mapagusapan nila ang pagkakaroon ng pamilya.

“We both really wanted to have kids. Feel ko, dun ko naramdamang worth it lahat kasi wala akong naramdamang takot noong pinag-uusapan namin about building a family together. Parehas namin siyang gusto.”

Ito ang pagbabahagi ni Angelica sa isang panayam.

At noon ngang March 2022 inanunsyo ni Angelica na siya ay nagdadalang-tao sa anak nila ni Gregg. Ito ay ipinanganak niya noong September 2022 na pinangalan nilang Amila Sabine. Sa sumunod na buwan, October 2022 ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang naging engagement.

Sa kaniyang YouTube vlog ay ibinahagi Angelica ang naging wedding proposal sa kaniya ni Gregg. Ito ang bahagi ng naging mensahe niya sa aktres ng hingin niya ang kamay nito para sa kasal.

“Maraming paraan sa buhay para sumaya sa buhay na ito, pero ikaw lang yung kailangan ko.”

Ito ang sabi ni Gregg kay Angelica.

Congratulations Gregg at Angelica!

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • LOOK: Angelica Panganiban and Gregg Homan beach wedding in Siargao
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko