Angelica Panganiban ibinahagi na siya ay na-diagnose na may bone disease na tinatawag na avascular necrosis. Alamin kung ano ang sakit na ito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Angelica Panganiban bone disease.
- Ano ang sakit na avascular necrosis?
Angelica Panganiban bone disease
Sa bago niyang vlog ay ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban na siya ay na-diagnose na mayroong bone disease. Pagkukuwento ni Angelica, hindi niya inakalang may seryoso na pala siyang sakit. Dahil masyado siyang naging excited sa pagdadalang-tao at pagkakaroon ng baby ay hindi niya ininda ang sakit na nararamdaman niya.
“Nagsimula ito nung nabuntis ako. Siguro mga 6 months into pregnancy meron na kong nararamdamang sakit in my hips. Hindi ko siya actually ma-pinpoint kung sa hips ba o sa legs, sa likod o sa puwetan.”
Ito ang pagkukuwento ni Angelica.
Pero dahil buntis, ang sabi sa kaniya ng doktor at mga mommies na kilala niya ay bahagi ng pagdadalang-tao ang sakit na nararanasan niya. Mawawala nga rin daw ito sa oras makapanganak siya.
Nanganak si Angelica Setyembre ng nakaraang taon. Pero ang pananakit na nararanasan ay hindi nawala. Bagamat kuwento niya ay hindi niya ito masyadong ininda dahil sa saya niya sa pagkakaroon ng anak.
“Ang sarap ng may baby, wala narin akong time na pansinin pa yung sakit sa katawan ko.”
Ito ang sabi pa ni Angelica.
Naging concern lang si Angelica sa nararamdamang sakit ng magbakasyon sila ng kaniyang mga kaibigan sa Palawan noong Marso. Dahil ang aktres, hindi na nakalakad o makaswimming sa sakit. Hindi narin siya nakapagwork-out o bumalik sa pagyoyoga dahil sa sakit na nararanasan. Dumating na nga daw sa punto na nag-iiyak na siya sa sakit. Ito na ang nagtulak sa kaniya na magpatingin sa doktor. Doon niya na nga nalaman na siya pala ay may bone disease na.
“So nagpa-RMI ako at lumabas ‘yung result ko na mayroon pala akong avascular necrosis. So avascular necrosis is bone death. Namatay na ‘yung mga bones ko sa aking balakang kaya pala hirap na ako maglakad kaya ‘yung mobility ko ay hindi nasosolusyunan kahit pa anong gawin kong strengthening.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Angelica.
Si Angelica sumailalim na sa treatment para magamot ang sakit. Ayon pa sa aktres, umaasa siya na gumaling at makarecover na agad. Lalo pa’t nagbabalak na siyang magbalik sa pag-aartista sa susunod na taon.
“Mas pabuti nang pabuti ang pakiramdam ko. Kaya salamat sa lahat nang sumubaybay. salamat sa lahat ng mga naging concern at ito na nga ang ating road recovery. Mas magpapalakas pa at mas iingatan pa lalo ang health para sa mga taong umaasa at nagmamahal sa atin. So sa ganun din ang gawin niyo guys. Ingatan niyo ang inyong sarili, mentally, physically lahat-lahat na ‘yan.”
Ito ang paalala pa ni Angelica sa kaniyang mga fans at followers.
Ano ang sakit na avascular necrosis?
Ayon sa Mayo Clinic, ang avascular necrosis ay sakit na kung saan namamatay ang buto dahil sa kakulangan ng blood supply. Kilala rin ito sa tawag na osteonecrosis na nararanasan ng mga edad 30 to 50-anyos. Ang sakit na ito nagdudulot ng pagkadurog ng buto. Ito ay inuugnay sa paggamit ng labis na high-dose ng steroid medication o pag-inom ng alak.
Sa kaso ni Angelica ay hindi tukoy ang dahilan ng pagkakaroon niya ng sakit. Dahil paliwanag ng aktres ay hindi naman siya umiinom ng steroids at labis na alak. Bagamat siya ngayon ay 37-anyos na prone talagang magkaroon ng nasabing sakit.
Ang mga sintomas nito ay ang pagkaramdam ng sakit sa tuwing magbubuhat ng mabigat lalo na sa tuwing nakahiga. Ang pananakit ay madalas na nararamdaman sa balakang, likuran, puwetan o sa singit. Mula sa mild na pananakit ito ay lalala na maaring magdulot ng hirap sa paglalakad sa taong nagtataglay nito.