X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angelica Panganiban to take a break from showbiz: "Tutukan ko na muna 'yong baby."

5 min read

Angelica Panganiban magpo-focus muna daw sa anak nila ng kaniyang boyfriend na si Gregg Homan sa oras na ito ay maipanganak na. Angge willing na iwan muna ang showbiz para matutukan ang pagiging isang ina.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Love story ni Angelica Panganiban at Gregg Homan
  • Balak ni Angelica sa oras na siya ay makapanganak na

Balak ni Angelica sa oras na siya ay makapanganak na

angelica panganiban baby bump

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Marami ang natuwa ng ianunsyo ng aktres na si Angelica Panganiban na siya ay buntis. Pero higit sa kanino man ay walang mapaglagyan ang saya ni Angelica sa bagong chapter na ito ng buhay niya na matagal niya daw pinapangarap.

Base nga sa mga naunang panayam ni Angelica ay hindi niya inakala o inaasahan ang naging pagbubuntis niya. Dahil isang taon rin silang sumubok ng boyfriend niyang si Gregg at hindi sila biniyayaan. Pero sa oras na hindi nila ito iniisip ay saka ito dumating na nagdagdag ng kaba at saya sa kanila.

“Kahit ano palang sabihin ninyo na ready ka pinag-pray mo, ang tagal ninyong sinubukan pag dumating na ‘yon at makita mo yung dalawang lines na ‘yon, manginginig pala talaga yung katawan mo.”

“Hindi mo alam kung talagang alam mong ready ka. Never pa akong nakapagbuhat ng newborn parang one day old na anak. Tapos magbe-breastfeed ka na. Parang ang daming takot tapos lahat ‘yon kaya ko ba?”

Ito ang pag-alala niya noong malaman niyang buntis siya. Ang karanasan ni Angelica Panganiban ay ibinahagi niya sa YouTube vlog nila ng boyfriend na si Gregg na pinamagatan nilang “The Homans”.

Angelica si Gregg ang pinaglilihian

Angelica Panganiban to take a break from showbiz: Tutukan ko na muna yong baby.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

 

Sa nasabing vlog ay ibinahagi rin ni Angelica kung sino ang pinaglilihian niya. Ito daw ay ang boyfriend niyang si Gregg na ayaw niyang nawawala sa tabi niya.

“Si Gregg ang pinaglilihian ko. Sobrang arte ko ngayon. Aalis lang siya papunta sa work which is 7 minutes lang dito kung saan kami nakatira umiiyak ako palagi.”

“As in ang sakit, sakit sakin kapag hindi ko siya nakikita. Nagdidilig lang siya ng halaman sa labas nasa-sad ako na parang bakit ang layo mo.”

Ito ang natatawang kuwento ni Angelica.

Pero kuwento pa ni Angelica, ini-enjoy niya sa ngayon ang moment ng kaniyang pagbubuntis. Ganoon rin daw kapag nakapanganak na siya. Kaya ang balak niya ay saglit na iwan ang acting career para maging full-time mom sa magiging anak niya.

“I-enjoy ko na muna. Thirty years naman na ako sa industriya, marami naman na akong naiambag. Siguro ngayon na hinihingi na ng life ko eh mag-focus naman na ako sa aking family.”

“Dahil sobrang blessed ko na magkaroon ako ng tinatawag kong family ngayon. Gusto ko doon ako mag-focus. Gusto ko ibigay lahat ng oras ko doon.”

Ito ang sabi ni Angelica, at nilinaw na hindi pa naman daw sinasara ang pinto niya sa pag-aartista.

“Kasi si Gregg din babalik ng work so tutukan ko na muna ‘yong baby. Kapag kaya ko ng iwan siya yung bata siguro babalik ako ng work.”

May mga naiisip narin silang kandidato para sa mga magiging ninong at ninang ng kanilang baby. Hindi syempre mawawala dun ang malalapit na mga kaibigan ni Angelica na sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio at John Pratts.

BASAHIN:

Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: “Ang sarap sa pakiramdam.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Cong TV umatras patungong Vietnam para kina Viy Cortez at Kidlat: “Saka na lang ‘pag kasama ko na kayong dalawa.”

Love story ni Angelica Panganiban at Gregg Homan

angelica panganiban and gregg homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa parehong vlog ay ikinuwento rin nila Angelica at Gregg Homan kung paano sila nagkakilala. Ito daw ay sa pamamagitan ng aktres na si Cherry Pie Picache na naging tulay para makilala nila ang isa’t-isa. Bagamat ayon kay Angge ay ayaw niya pa noong una dahil hindi pa siya sana ready na makipag-relasyong muli.

“Noong una, ayoko talaga kasi parang tamad na ako sa dating dating na ganyan, hindi na ako interesado. Masaya naman naman na ako na single.”

Pero nang mabigyan ng pagkakataon na makilala niya si Gregg ay nagustuhan niya agad ito. Sa katunayan ay ayaw pa niya sanang sagutin ito dahil sa takot na mawala rin ito sa buhay niya tulad ng ibang nakarelasyon.

“Gusto kong i-take things slow kasi gusto kong maging sure. Ayoko siyang mawala kasi parang sobrang ok niyang tao. Mahu-hurt ako even as a friend na ma-miss ko ‘yong opportunity na ma-gain ko siya sa life ko.”

Pero pagkakataon na ang naglapit sa kanila at mas lalong nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Nang minsang bumabyahe nga daw sila mula sa Subic papuntang Maynila doon nila naipaalam sa isa’t-isa ang nararamdaman nila. Doon din nagsimula ang mga plano nila sa buhay kasama na ang pagbuo ng pamilya.

“Sobrang happy nun. Sabi natin kapag going strong lang ‘yong relationship natin, kaya natin magkaroon ng baby.”

“Feeling ko doon ko naramdaman na worth it ang lahat kasi wala akong naramdamang takot noong pinag-uusapan namin about building a family together. Parehas namin siyang gusto.”

Ito ang sabi pa ni Angelica Panganiban tungkol sa kung paano nagsimula ang pagmamahalan at journey nila ng boyfriend na si Gregg Homan sa pagbuo ng isang pamilya.

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban to take a break from showbiz: "Tutukan ko na muna 'yong baby."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.